Chapter Twenty Two
Me And Hermes
"Happy Second Anniversary Blaire."
Gusto ko ng maiyak ng makita ang mga bulaklak niyang dala.
Hindi naman ito ang una pero pakiramdam ko ay espesyal ito ngayon. We marked our second year being together.
Hermes gave me the best relationship that I never imagine to have. Siya ang nagbura ng lahat ng natitirang sakit sa puso ko. Siya ang nagtiyaga sa akin, siya ang bumuo. I remeber the first time he told me he love me.
Hindi ko 'yon matanggap dati dahil natatakot akong magmahal muli at maulit lang ang nangyari sa amin ni Marcus. Yes I loved him. Hindi na 'yon mawawala sa akin dahil naging parte siya ng buhay ko. But Hermes... hindi ko na alam kung anong gagawin ko kapag nawala pa siya sa akin.
Siguro kapag dumating ang araw na 'yon ay hindi na ako magmamakaawa kagaya ng hiniling ko kay Marcus. I don't want to be selfish anymore.
"I love you!" Sabi ni Hermes matapos akong siilin ng halik sa labi.
Hanggang ngayon ay kinikilig parin ako sa tuwing sinasabi niya ang pagmamahal niya sa akin. I love Hermes so much. Ngayon ay simula ko ng nakikita ang bukas na kasama siya.
"Mommy!"
"Blaire! Good to see you, oh my God!" Hiyaw ng Mommy ni Hermes ng bisitahin namin sila isang araw.
"Kumusta po?" Nakangiting bati ko matapos ang yakap.
Nasa likuran ko lang si Hermes habang binabati naman ang Ama at kapatid na si Ate Hera.
"We're good! Matagal na namin kayong hinihintay. Dalas dalasan niyo naman please?" Natawa ako sa sinabi niya pero tumango narin.
Dahil sa busy schedule ni Hermes ay minsan lang kami nagkakaroon ng oras para mamasyal sa mga magulang niya. Kahit na ayaw niya akong magtrabaho ay ginagawa ko parin.
My pride is high as Eiffel tower. Hindi ko maaatim na siya lang ang kumakayod para sa hinaharap ng relasyon namin.
Hermes can't take my eyes and hands off me. Pero kahit na gano'n. Wala pang nangyayari sa aming dalawa. I know I'm not a virgin but he insisted that he will wait for me to be ready. All ready.
Palagi siyang naghihintay sa akin. I am now ready. Siguro noong una ay hindi ako sigurado kung hanggang saan lang kami tatagal pero ngayong dalawang taon na ang relasyon namin ay nasasabi kong handa na ako sa lahat. As long as I'm with him, I'm always ready.
"Ate Hera!"
"Blaire, you are beautiful than ever. I'm glad Hermes has a good taste!" Natatawang pambobola niya sa akin habang nakanguso sa kapatid. Palagi niya naman akong pinupuri kaya minsan ay hindi na ako naniniwala.
"She's the only one Ate Hera. You know that." Seryoso namang sabi ni Hermes.
"Oo na! Sabi ko sa'yo noon mo pa ligawan eh. Sus!" Umirap siya.
Natawa nalang ako at bumalik sa pagkakakapit sa braso ni Hermes. Ngumuso siya pero agad ding ngumiti sa akin.
"I'm a good friend. Bro code." Bulong niya sa tenga ko.
"I'm yours now Hermes... sa'yo lang." Humilig ako sa katawan niya.
Nasa garden na kami at nag-uusap ng mga bagay bagay ng dumating naman sila Mommy at ang grandparents ni Hermes.
"Gran Ma. I'm glad you came!" Masayang bati ni Hermes sa kan'yang Lola at niyakap pa ito.
Gusto raw kasi ni Hermes ng mini reunion naming lahat kaya narito sila. Niyakap ko rin ang mga magulang ko.
BINABASA MO ANG
Seven Days
Historia CortaHindi lahat ng mahal kita ay sinasagot ng parehong linya. Hindi lahat ng maganda ay kapareha ng kung ano talaga siya. Hindi lahat ng pag-ibig ay kagaya nang sa iba. Hindi lahat ng araw, masaya. Hindi lahat ng pagkakataon, maswerte ka. At lalong...