Chapter Five
Blaire
"Happy Birthday!" Hiyaw ng mga taong nasa bahay pagpasok ko.
"Surprise!" Masayang bati ni Mommy!
Halos matunaw ako sa kinatatayuan ko ng makita ko ang mga kaibigan at pamilya ko.
Niyakap ako ni Marcus pagkatapos ay hinalikan ako sa labi.
"I hope na-surprise ka." Bulong niya sa tenga ko.
"Of course! Thank you Babe!"
Apat na beses ko na siyang kasama sa tuwing birthday ko but this day was special. Pati ang mga pinsan at relatives namin na nasa abroad ay narito para bisitahin at maki-celebrate sa kaarawan ko. And all of this was because of him.
"Happy Birthday Bes!" Georgina hugged me.
I am surprised na narito rin siya ngayong araw. Ilang araw na kasi kaming hindi nakakapag-usap dahil palagi nalang itong busy. And now I know what's the reason why. She's always there to support Marcus and I. Sigurado akong magkasabwat na naman ang dalawang ito para selebrasyon ngayon.
"Thank you George!"
"Uy... Are you with me?" Tanong ni Hermes na nagpabalik sa'kin sa katinuan.
Katatapos lang ng dinner namin at ngayon ay nasa isang pub na malapit lamang sa city.
"Y-Yeah... Ano nga ulit 'yon?"
Imbes na sagutin ako ay ibinigay sa'kin ni Hermes ang isang baso ng beer. Kanina pa kami magkasama pero wala akong natatandaan na pinag-uusapan namin.
"How are you?" Kinuha niya ang kanyang baso at uminom doon.
"I'm good!" Mabilis ko namang tinungga ang laman ng akin.
Kumunot lang ang noo ni Hermes. I know he wants me to share what I feel but I just can't. Hanggang ngayon ay pilit parin akong tumatakbo sa mga bagay na dapat ko ng kalimutan.
"I'm sorry babe, I can't go tonight but promise to make it up to you..." Napangiti ako ng mapait sa narinig ko.
Bakit nga ba hindi pa ako nasanay? It's been what? A month? Halos isang buwan na rin kaming ganito ni Marcus.
I'm starting to question everything. Pinipilit kong huwag mag-isip ng masama pero sa ginagawa niya ay hindi ko mapigilan ang sarili ko.
Late na siya umuwi ng gabing 'yon. As usual. I can smell alcohol in his system pero nanatili akong nakahiga at kunwari'y tulog sa kama. Hinihintay ko ang paglapit niya sa'kin pero bigo ako.
I can hear our bedroom's door closing. Sa guest room na naman siguro siya matutulog. Sa pagpikit ko ay tumulo na naman ang mga luha ko. I don't know what is going on with Marcus.
To us... Kung mayroon pa bang kami.
Maaga akong nagising para hanapin siya. Wala pang liwanag ay nakapagluto na ako ng breakfast.
I want to surprise him.
Siguro nga ay mayroon din akong pagkukulang bilang fiance niya. Siguro dahil sa kasal na pinag-iipunan namin ay na-sstress na siya.
Ngayon gusto kong sabihin sa kan'ya na handa akong ipagpaliban na muna ang kasal. He doesn't have to work so hard for it. Handa akong maghintay.
Kahit gaano pa katagal.
I love him at kahit wala ang sagradong seremonyang 'yon ay siya at siya parin ang mamahalin ko.
Napangiti ako ng masilayan ang araw sa nakabukas na bintana. Excited akong nag set-up ng mga plato sa lamesa at nagtimpla ng paborito niyang hot chocolate. I even lit the scented candle I bought yesterday. I really wanna make up to him.
Alam kong nahihirapan siya sa trabaho and I totally understand that. Hindi niya kailangang gawin 'yon.
Dalawang guest room na ang nabuksan ko pero ni anino ni Marcus ay hindi ko nakita. Umalis na siya? Did he even stay?
Nanlalata kong binuksan ang huling guestroom sa second floor. The bed was messy but there was no Marcus in it. Bukas ang ilaw sa bathroom nito pero wala ding tao doon.
Where is he?
And why is he acting like shit. Nangangatog ang tuhod kong napaupo sa kama. I felt like I am with a stranger.
Napapitlag ako ng makarinig ng ingay sa baba. Mablis naman akong naglakad papunta doon. Halos magkandahulog na ako sa hagdan dahil sa pagmamadali ko.
"Marcus!" Patakbo kong tinawid ang pagitan namin at ginawaran siya ng mahigpit na yakap.
Tumulo na ang mga luha ko. I missed him. Hindi ko alam kung kailan ko huling naramdaman yung Marcus na minahal ko. He's so distant and I don't know why.
Gustohin ko mang itanong kung bakit pero ayaw kong malaman ang dahilan. Natatakot akong mawala siya sa buhay ko. I can't...
"What are you doing?" Bulong niya sa tenga ko.
"Marcus... I miss you..." Imbes na kumawala sa yakap na 'yon ay mas hinigpitan ko pa ang mga kamay kong nakapalupot sa bewang niya.
"Stop it... Why are you crying?" Hinagod niya ang likod ko.
And there... I felt him.
"Marcus... Is everything okay? Okay pa ba tayo?"
"Shot shot shot!" Hiyaw ni Jaila na ngayon ay namumula na sa kalasingan.
Ilang oras na kaming narito sa pub. Ilang beer narin ang naubos ko pero parang tubig lang 'yon sa sistema ko.
Mabili kong tinungga ang laman ng alak sa isang shot glass gaya ng udyok ng mga katrabaho ko sa'kin. Inabutan naman ako ni Hermes ng tissue para punasan ang labi ko.
"Thank you..." Masayang sabi ko sa kan'ya.
"Kaya mo pa ba?" Bakas sa boses niya ang pag-aalala.
I smirked at him.
"Ako pa ba? We used to drink together remember? Remember when you all got drunk? Ako ang nag-asikaso sa inyong lahat no'n. Si Leonne, sinukahan na yung buong sofa nila George!" Para akong baliw habang sinasabi ang mga 'yon.
It was supposed to be a good and happy memory but I don't know why my heart is aching. Para bang ang pait pait ng nangyari no'n.
"Let's go. Ihahatid na kita."
"No! Kaya ko pa Hermes, See?" Tinungga ko ulit ang isang shot ng vodka na inabot ni Jake.
I can see that he is pissed. Ilang beses ko ng nakitang nagalit ito. Hindi na nga yata bago 'yon sa paningin ko.
Nakakatawang isipin na kung sino pa yung walang pakialam sa'yo noon, ay siya pang aalalay sa'yo ngayon.
Kumunot ang noo ko ng tumayo ito at pinuntahan ang mga kasama namin. Hinayaan ko nalang siya at nagpatuloy sa pag-inom ng alak.
Nakikipagtawanan nalang ako kila Jaila ng bumalik ito. He held my hand bago ako inalalayang tumayo para umalis sa lugar na 'yon.
"Hermes!"
"Come on..."
BINABASA MO ANG
Seven Days
Cerita PendekHindi lahat ng mahal kita ay sinasagot ng parehong linya. Hindi lahat ng maganda ay kapareha ng kung ano talaga siya. Hindi lahat ng pag-ibig ay kagaya nang sa iba. Hindi lahat ng araw, masaya. Hindi lahat ng pagkakataon, maswerte ka. At lalong...