Chapter Twelve
Fourth Day
"Ready?" Tanong ni Hermes habang nasa mga mata ko ang kan'yang kamay.
"Oo na!" Natatawang sabi ko.
Marahan niyang tinanggal ang kamay niya sa mata ko.
Nalaglag ang panga ko ng makita ang mga lanterns na nagmistulang ilaw sa langit. I've never experienced something like this. Noon pa man ay pangarap ko ng makakita ng ganitong klaseng event.
Nangilid ang mga luha ko ng humarap ako sa ka'ya. Mabilis namang napawi ang mga ngiti niya at agad na hinawakan ang kamay ko.
"What's wrong? Okay ka lang ba?" Pag-aalalang tanong niya.
Napapikit ako ng maramdaman ang pares ng kamay niyang pumahid sa mga luha ko. Tumango ako at niyakap siya.
"Thank you Hermes!" Sabi ko sa gitna ng paghikbi dahil sa tuwa.
Hinagod niya ang likod ko pagkatapos ay iniharap ako sa kan'ya. He handed me his handkerchief.
"Iiyak ka ba o papaliparin na natin yan?" Nakangiting sabi niya.
Ngayon ko lang napansin ang dalawa pang lanterns na nasa likod ng kan'yang sasakyan.
I held my tears back. Matagal ko ng gustong gawin ang bagay na ito. I don't know.
Parang pakiramdam ko pwede kang mag wish sa mga 'yon papuntang langit.
Sinindihan ni Hermes ang mga hawak naming paper lanterns. Sinulyapan niya ako bago pumikit. Ginawa ko rin ang ginawa niya.
I prayed.
Nagdasal ako na sana sa paglipad nito patungo sa kung saan ay kasabay na no'n ang peace of mind, heart, body and soul na matagal ko ng gustong makuha.
Sa pagdilat ng mga mata ko ay ang seryosong mukha ni Hermes ang nakita ko. My heart pounded when I see his white teeth. He looks so handsome now. Or it's just because of the lantern?
Sabay naming binitawan ang mga 'yon. Kasabay ng pag-asa kong magiging maayos na ang puso ko. Napapitlag ako ng maramdaman ang kamay ni Hermes sa balikat ko.
It feels warm. Imbes na tumutol ako sa ginawa niya ay inihilig ko nalang ang ulo sa katawan niya. I never felt this feeling in a long time. Yung bang pakiramdam na safe ka.
Maaga akong nagising kinabukasan. Wala sa tabi ko si Marcus. Just like what I expected. Pinilit kong ngumiti. It's a brand new day!
Pang apat na araw na ito. Dumiretso ako sa banyo para maligo. Kahapon ay nag dinner akong mag-isa at nagkulong lang sa kwarto. Hindi ko alam kung saan naman si Marcus buong araw.
Siguro ay kausap parin 'yong kausap niya kahapon. My heart ached. Tama ba 'to?
Parang gusto kong batukan ang sarili ko. I'm selfish. Kagustuhan ko lang ang gusto kong mangyari. Pinilit ko siya sa huling pitong araw. Kahit na masakit para sa'kin.
Ipinilig ko nalang ang ulo ko. Nasa ika-apat na araw na kami. Konti nalang. Konting konti nalang Marcus. I'm sorry...
Naglagay ako sa mukha ko ng make-up. I don't want him to see my swollen eyes. Buong gabi yata akong umiyak kahit na sa pagtulog. Even in my dreams, his love haunts me.
"Good morning!" Masaya kong bati ng makita ko siyang kakagising lang din. Sa couch pala siya natulog.
"Good morning Blaire." He smiled.

BINABASA MO ANG
Seven Days
Short StoryHindi lahat ng mahal kita ay sinasagot ng parehong linya. Hindi lahat ng maganda ay kapareha ng kung ano talaga siya. Hindi lahat ng pag-ibig ay kagaya nang sa iba. Hindi lahat ng araw, masaya. Hindi lahat ng pagkakataon, maswerte ka. At lalong...