Chapter Twenty Four
Wedding
Pagkatapos ng anim na buwang preparasyon para sa kasal namin ni Hermes ay nasa harapan na ako ng isang puting wedding dress.
Last week ay umuwi kami sa Pilipinas para dito idaos ang pag-iisang dibdib namin. Kasama namin ang buong pamilya sa pag-uwi.
Gusto sana naming doon nalang magpakasal pero narito at naiwan namin ang iba pa naming mga pamilya. Pati narin ang mga kaibigan namin ay narito.
"I'm so happy for you!" Hiyaw ni Georgina at niyakap pa ako.
Sabay kaming tumitig sa wedding dress na napili ko. Halos lumuha na ako ng makita ko ang finish product. I can't believe this is really happening! I lost faith in love after what happened between me and Marcus but now... Ang kasal na pinapangarap ko ay abot kamay ko na.
"Thank you George!"
Binitiwan niya ako para puntahan at suriin ang damit.
Ang isang off shoulder wedding dress na mayroong magarang mga makinang na sequence sa harapan maging sa likod. Just like what I wanted. Hermes literally gave me everything. Gusto ko ng simpleng kasal pero sinabi niyang gusto niyang maging magara iyon kagaya ng pagmamahal niya sa akin.
"Kayo rin pala ni Hermes ang magkakatuluyan. Masaya ako para sa inyong dalawa. Seryoso! Kung hindi man siya napunta sa'kin, atleast napunta naman siya sa'yo." Nakangising sabi ni George.
Humagalpak nalang ako ng tawa dahil doon. Baliw na talaga siya. Noong una ay hindi ko pa iyon nasabi sa kan'ya dahil hindi ako makapaghaligap ng mga dapat na salita para sabihin 'yon. Hermes helped me. Siya ang nag set-up ng tawag para sa lahat ng mga kaibigan namin at ipaalam ang nalalapit na kasal. I was shocked when she cried over that call. She was really happy for me. Damang dama ko ang kasiyahan niya na totoong masaya para sa amin ni Hermes.
"Eh, okay lang ba talaga na siya ang kinuhang groomsman ni Hermes? Isn't it awkward?" Hindi siguradong tanong ni George.
Napailing naman ako. She was talking about my ex.
"Hermes wants it to be formal. Sila ang matalik na magkaibigan noon and Marcus is pleased to be his groomsman." Sabi ko ng pormal.
Hindi pa man kami nagkikita ni Marcus matapos iyong pag-alis ko rito pero alam kong maayos naman ang lahat sa amin. We parted ways with no baggage. Maayos ang pagihiwalay namin. Nakamove on na ako at tiyak akong pati siya ay nakapag move-on narin.
It has been almost five years!
Tumango tango nalang si Georgina na parang nakuha naman ang nais kong ipahiwatig.
"This is gorgeous! Nauna pa kayo sa amin ni Iran!" Hiyaw niya at bumalik na sa tabi ko.
"Kasi naman bakit hindi niyo pa sundan si Yohann?" Kinuha ko ang magazine ng mga wedding dress na nasa gilid ko.
"Hello?! Kakalabas palang nung bata!" Natatawang sabi niya.
"Ilan ba bago kayo ikasal?" Kumunot ang noo ko.
Sa palagay ko naman ay hindi na nila iyon kailangan. Sa pagsasama nilang dalawa ay masaya naman sila kahit na hindi sila kasal. I can see it in her eyes.
"I don't know. Kahit naman walang kasal eh. Siguro may mga bagay rin na kailangan mo nalang makuntento. I loved my family so much Blaire. Kahit walang pormalidad sa amin ni Iran ngayon, wala paring pagsidlan ang saya ko."
Nangilid ang mga luha ko dahil sa sinabi niya. In life, being contented is really everything. Kasi minsan kapag naghahangad tayo ng mas higit sa meron tayo ngayon ay doon pumapasok ang mga disappointments at heartaches.
BINABASA MO ANG
Seven Days
القصة القصيرةHindi lahat ng mahal kita ay sinasagot ng parehong linya. Hindi lahat ng maganda ay kapareha ng kung ano talaga siya. Hindi lahat ng pag-ibig ay kagaya nang sa iba. Hindi lahat ng araw, masaya. Hindi lahat ng pagkakataon, maswerte ka. At lalong...