Chapter Thirteen
Galit
"Champagne." Ani Marcus sa waiter habang nasa kalagitnaan kami ng hapunan.
Buong araw akong natatahimik sa mga ikinikilos niya. Simula ng gawin ni Marco 'yong kanina ay parang bigla nalang nagbago ang ihip ng hangin.
Tumingin siya sa'kin habang nakangiti. I'm speechless. Ni hindi ko masabayan ang mood niya kahit na ikinatutuwa ko 'yon.
"Are you okay?" May pag-aalinlangan kong tanong sa kan'ya.
Tumawa naman siya dahil sa tanong ko.
"I am. Why do you ask me?"
Nagkibit balikat ako. It's just... Unusual. Hindi nalang ako nagsalitang muli.
Bago pa kami natapos sa pagkain ay isang bultong papasok sa restaurant ang kumuha sa atensiyon ko. He's alone. Marco is alone.
Nang magtama ang mga mata namin ay umangat ang isang sulok ng kan'yang labi. I know what he was thinking. Napasulyap ako kay Marcus na abala parin sa pagkain at paginom ng wine.
Marco sit beside our table. Para bang gusto niya talaga akong inisin ngayon. Inirapan ko lang siya.
"Matutulog ka na ba pagkatapos nito?" I asked Marcus.
Pinunasan niya ang labi niya bago ako sagutin.
"What do you have in mind? "
Saglit akong natigilan. Wala naman akong ibang naisip kung hindi ang makasama siya.
"Maglalakad lang sa shore line?" Hindi siguradong suggestion ko.
"You know there's a party going on in the ballroom. If you guys want to have some fun, you should join us." Nakangising singit ni Marco.
Sabay kami ni Marcus na napatingin sa kan'ya. Tumingin ako kay Marcus na ngayon ay nakatiim bagang sa lalaking nasa gilid namin.
"We will think about it. Thanks for the invitation." Pormal na sagot ni Marcus.
"Good! Be sure to wear the color of your relationship status." Nakangising dagdag pa nito bago tuluyang umalis sa harapan namin ni Marcus.
I want to go. Hindi ba 'yon naman ang point ng pagpunta namin sa lugar na 'to? To have some fun. Nakadalawang basong wine na kami ni Marcus bago siya muling nagsalita.
"Do you want to go?" He asked.
Umiling naman ako. Hindi ko alam. I'm not sure about the party but I want him to come with me.
"Kung pupunta ba ako sasama ka?"
"Uh, yeah sure..." Tipid niyang sagot.
Lumiwanag ang mukha ko dahil sa sagot niya. Pagbalik namin sa suite ay nadaanan namin ang malakas na ballroom kung saan nagaganap ang isang magarbong party.
Mayroong malaking banner sa labas nito na nakalagay ang mga dapat suotin ng guest base sa kan'yang relationship status.
Napahinto ako doon habang binabasang mabuti ang mga nakasulat. Should I wear white, blue or red?
White para sa mga single , blue para sa mga nasa complicated relationship at red naman kapag nasa in a relationship.
Ipinilig ko nalang ang ulo ko pagkatapos ay sinundan na sa paglalakad si Marcus. Pagdating namin sa suite ay may tumawag sa kan'ya kaya nauna na akong pumasok sa kwarto.
BINABASA MO ANG
Seven Days
Short StoryHindi lahat ng mahal kita ay sinasagot ng parehong linya. Hindi lahat ng maganda ay kapareha ng kung ano talaga siya. Hindi lahat ng pag-ibig ay kagaya nang sa iba. Hindi lahat ng araw, masaya. Hindi lahat ng pagkakataon, maswerte ka. At lalong...