CHAPTER 10

36.6K 958 41
                                    

Chapter Ten

Second day


"Okay lang ba? Wala kasi si Kuya Rolly ngayon. Hindi ba kita maiistorbo sa lakad mo?" Nahihiya kong tanong kay Marcus.

Inutusan ko si Kuya Rolly na samahan ang isang kasambahay namin sa pamamalengke kaya wala ito ngayon.

I'm desperate. Besides, I only have six days with Marcus.

"Okay lang. Saan ba ang concert?" He asked.

Binuksan na niya ang pinto ng kan'yang sasakyan at pinasakay ako. Nang makasakay na siya sa driver's seat ay saka ko sinagot ang tanong niya.

I missed this car! Sobrang napakarami naming memories dito. The smell, 'yung itsura... wala naman masyadong pinagbago maliban nalang sa nawawalang picture ko sa dashboard. Parang may kung anong kumurot na pino sa puso ko.

Siya kasi ang naglagay ng litrato ko doon para daw mas maging maingat siya sa pagmamaneho. But I guess, marunong na siyang mag-ingat ngayon kahit na wala ako.

Ipinilig ko ang ulo ko bago ulit sumagot.

"Doon parin, nakalimutan mo na?" Sinuot ko ang seat belt ko.

Ang bilis niya namang makalimot. Pero ayos lang. Mabuti nga at nandito siya ngayon para ihatid ako.

"Ah, sorry..."

Sinimulan na niyang imaniobra ang kan'yang sasakyan.

"Naku ayos lang, 'wag kang mag sorry. Hindi mo naman na 'yun kailangang alalahanin." Ngumiti ako ng sumulyap siya sa'kin.

Natahimik naman siya. Buong biyahe kaming walang kibuan. That's very unusual. I remember him talking non-stop whenever we're in this car.

Maski iyong mga pakikisalamuha niya sa mga nanlilimos ay nagagawa niyang ikwento noon para lang hindi kami mawalan ng topic.

He said that it's better for me to talk trivial things than me being silent. Gusto niya ay palagi akong masaya at okupado niya...

I kissed Marcus on the cheek when we finally arrived at the concert hall. Isa ako sa mga tutugtog ng piano doon.

"Manunuod ka ba?"

Imbes na sumagot ay nakita ko ang pag iling niya kaya nagsalita ako ulit.

"Baka busy ka, sorry... Sorry sa abala Marcus. I miss you. Mauna na ako."

"Good luck." Pahabol niya.

Ngumiti ulit ako. I love you... gusto kong sabihin pero nahihiya ako. Ewan ko ba, nahahawa ako sa pagiging awkward niya. Pero bahala na. Ilang araw nalang naman.

Napabuntong hinga ako sa naisip.

Sana huminto ang oras sa seventh day. Sana mag freeze nalang ang oras para nasa akin parin siya.

Kung pwede lang...

"Congratulations!" Hiyaw ni Georgina matapos ang isang oras na concert.

Gusto ko na namang umiyak pero nilakasan ko ang loob ko. I haven't seen Marcus during the whole show. Siguro nga busy na siya at hindi na ako ang first priority niya ngayon. I smiled bitterly at that.

Masaya ako dahil kahit na busy siya ay nagawa niya paring maglaan ng oras para sa'kin.

Hinatid ako ni Georgina sa bahay at pagkatapos ay tinawagan ko si Marcus.

"Hello?" Sagot niya sa kabilang linya.

"Bahay ka na?"

"Uhm, oo ikaw ba?" He asked.

Napangiti ako. I missed calling him. I missed his voice, everything.

"Yeah. Hinatid ako ni George. Sayang hindi kayo nagkita."

"Ganun ba..."

"Oo... Oo nga pala, siguro naman hindi ka na busy bukas? Baka pwede tayong pumunta sa Batangas? May beach kasi na ni-recommend si George. It was nice... Okay lang ba?"

Narinig ko ang pag buntong hinga niya. I bit my lower lip because of stretched silence.

"Third day na bukas Marcus." Paalala ko. "Malapit na matapos." Hindi ko na naituloy pa ang gusto kong sabihin. Inilayo ko ang phone ko ng mapahikbi ako.

Pinindot ko nalang ang loud speaker para marinig ang sagot niya.

"Sige."

"Second day na, a! Seryoso ka ba sa isang linggong date natin Hermes?" Natatawang tanong ko sa kan'ya.

Dinala niya ako sa park. Madali naman akong pumayag. I missed sketching. Ilang araw ng blanko ang huling pages ng aking sketch pad.

"Oo, bakit hindi." Seryosong sabi niya habang nakatitig sa mga mata ko.

Is it his hair? His clothes? Hindi ko maintindihan pero parang may bago sa kan'ya. I didn't mean to check him out pero hindi ko mapigilan ang sarili ko.

Naglayo ako ng tingin pero ramdam kong nasa akin parin ang mga mata niya. Kinuha ko sa bag ko ang aking sketch pad.

"Can I see it now?" Gumalaw siya para silipin ang laman ng hawak ko pero mabilis akong lumayo.

"No! Next time nalang." Natatawa nalang siyang napailing.

"I feel sleepy. Pwede bang umidlip muna?" Tanong niya.

Siguro dahil sa kabusugan kaya siya inaantok ngayon. Paano ba naman kasi, sobrang dami na naman ng dinala niyang pagkain sa second date namin.

Date, sobrang big word.

Na-estatwa ako ng humiga si Hermes sa tabi ko. Nakapatong ang ulo niya sa kan'yang magkabilang braso. Hinayaan ko lang.

I can see his long lashes, nakakainggit lang! Ang daming babaeng naghahangad na magkaroon ng ganoong klaseng pilik mata. And his eyebrows, makapal ang kilay niya at para itong regular na nakatrim kahit na hindi naman niya pinapagalaw. Sadyang maayos lang talaga na lalong nakakapagdepina ng gwapo niyang mukha.

His hair... ulit ko. Ano ba kasing nagbago?

I found myself sketching Hermes face. Nakapikit lang ito habang ako naman ay halos mabali na ang leeg kakasulyap sa kan'ya. I want all the details. Kahit yung maliit na nunal niya sa gilid ng kanang mata.

Twenty minutes ang lumipas bago ko natapos ang pag-guhit sa kan'ya. Napangiti ako. What an accomplishment!

Niyugyog ko ang balikat niya. Palubog na rin kasi ang araw at may pasok na kami kinabukasan. I need to rest for tomorrow. May kailangan pa akong ipasa kay Jaila.

"Uhm..." Sagot niya sa tamad na boses.

Yan kasi pinapataba mo ako! Ikaw tuloy ang napupuruhan ng antok. Hindi ko mapigilan ang pag ngiti.

"Halika na, tapos na ako." Niyugyog ko ulit ang balikat niya pero napapitlag ako ng hulihin niya ang kamay ko para hawakan ng may pag-iingat.

"Hermes..."

"Can we just stay here?" Sabi niya gamit ang husky niyang boses habang nakapikit parin.

Bakit ganito? Bakit biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Gusto kong bawiin ang kamay ko pero hindi ko magawa. Parang gusto ko ring hawakan niya 'yon.

I'm... I'm confused...

Seven DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon