Marcus Warner
Her Wedding
It was surreal seeing the love of your life walking down the aisle and you waiting on the other side. Sobrang saya ko habang nakatitig kay Blaire na emosyonal na naglalakad patungo sa kinaroroonan ko. Just like what I imagined.
Siya na nakasuot ng isang eleganteng wedding dress. Kasama ang buong pamilya at mga kaibigan namin sa simbahang napili naming dalawa.
Pinigilan ko ang mga luha ko kahit na isang pitik na lang sa akin ay malalaglag na ang mga 'yon.
I've never saw her this happy. Her eyes were sparkling like diamonds. Emosyonal ang lahat ng taong katabi ko pero ako ay nanatiling nasa loob ang lahat ng emosyon.
This is what I want. Ito lang naman talaga ang gusto kong makita, ang masaya siya.
I lost it when she smiled at me. Natunaw ang puso ko sa mga ngiting 'yon. Parang gusto ko na lang siyang yakapin nang mahigpit at huwag na siyang pakawalan kahit na kailan. But a part of me screamed my biggest fear.
She isn't mine anymore...
Piniga ang puso ko ng lagpasan niya ako at dumiretso sa lalaking nasa likuran ko.
She is marrying my best friend Hermes. Kita ko sa mga mata niya ang labis na kasiyahan ng balingan niya ito.
It was the same look she gave me years back. Iyong mga tingin niyang nagpapatunaw sa buong pagkatao ko. And that was the same look I always wanted to have back.
Pero hindi na pwede.
Pero malabong malabo na.
I broke her heart into pieces. Ako ang dahilan kaya siya nawala sa buhay ko pero hindi ako nagkamaling pakawalan siya. Mahal na mahal ko si Blaire and I'm willing to sacrifice everything just to see her happy. Even when I need to let go of my own.
"I'm sorry Marcus but we have to let you go." Walang emosyong sabi ni Mr. Jackson.
"But Sir-"
"I'm sorry." Aniya bago tuluyang lumabas ng silid.
Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas na lumabas sa malaking building na pinagtrabahuan ko ng ilang taon.
They let me go just like that.
The realization hits me. How am I supposed to tell Blaire about this? How am I supposed to tell her that the man he loves is a loser?
Buong araw akong nasa loob ng club na palagi naming pinupuntahan nila Hermes. Kaya lang ngayon ay ako lang mag-isa ang narito. They all have hidden agenda's that I can't interrupt. Okay narin siguro ang ganito para makapag-isip ako ng maayos.
Sa pagtunog ng cellphone ko ay nakita ko ang pangalan ni Mommy sa screen. Agad ko iyong sinagot.
"Mom."
"Marcus..." Dinig ko sa kabilang linya ang paghikbi ni Mommy.
Naikumo ko ang aking kamay na nakapatong sa lamesa.
Nagpatuloy siya sa pagsasalita kahit na tila ba namamaos na siya sa kaiiyak.
"Your Dad! H-He... finally left us Marcus!" Humagulgol na si Mommy sa kabilang linya.
BINABASA MO ANG
Seven Days
Proză scurtăHindi lahat ng mahal kita ay sinasagot ng parehong linya. Hindi lahat ng maganda ay kapareha ng kung ano talaga siya. Hindi lahat ng pag-ibig ay kagaya nang sa iba. Hindi lahat ng araw, masaya. Hindi lahat ng pagkakataon, maswerte ka. At lalong...