Chapter Seven
Seven Days
Hinawi ko ang aking buhok habang patuloy na hawak ang aking sketch pad at wood pencil. Noon pa man ay hilig ko na talaga ang mag sketch ng mga bagay na maganda sa aking paningin.
But this time it's different.
Imbes na si Marcus ang iginuguhit ko gaya ng laman ng aking sketch pad, ay ang magandang tanawing nasa harapan ko ang malapit ko ng matapos. I've been here twenty minutes pero matatapos ko na 'yon.
Sa harapan ko ay ang isang parte ng parke. They were tons of people pero dahil sa lawak no'n ay hindi kailanman naging crowded.
I'm not an extrovert pero dahil wala akong choice ay natutunan ko naring maging exposed sa mga tao at kalikasan. And so far I'm loving it!
"Done!" Masayang sabi ko ng iguhit ang huling detalye doon.
Ang asong mahimbing na natutulog sa ilalim ng puno habang ang amo nito'y masayang nagsusubuan ng pagkain.
Ironic.
Itinaas ko ang iginuhit ko at napangiti nalang ako ng maikumpara ito. I'm so good at this! Tama nga ang sabi nila na each day you'll grow. Sa bawat araw na dumaraan ay marami pa akong nadidiskubre sa sarili ko na hindi ko inakalang kaya kong gawin.
But I've been waiting for the day that I will learn how to let go... to finally let go.
"Marcus..." Sa tindi ng pag-iyak ko ay tanging yan lang ang nasabi ko sa kan'ya.
"I'm sorry Blaire..." Marahan siyang gumalaw para tanggalin ang kamay kong nakahawak sa kan'ya.
Nakakatawang isipin na ibinuhos ko ang lahat ng effort ko para lang sa anniversary namin ngayon. I rent this part of the resort. I even asked my siblings to help me make this place like paradise.
Ang mga maliliit na ilaw na parang naging bituin sa langit namin ni Marcus. Isang table na maayos na naka set-up sa gitna ng lugar. A scented candle. Ang malayang alon sa hindi kalayuan.
A perfect date night...
Akala ko'y masusurpresa ko siya pero ako ang mas nabigla dahil sa sinabi niyang break up.
"N-Nagbibiro ka lang di'ba? Hindi totoo to di'ba?"
"I'm sorry. Hindi na ako masaya Blaire. Oo mahal kita, pero hindi na ako masaya." Lalong lumalim ang iyak ko ng tuluyan na niyang matanggal ang kamay ko.
Naalerto ako ng bigla na siyang tumayo para iwan ako.
Mabilis ko siyang hinabol at niyakap sa kan'yang likuran. Para akong isang kandilang natutunaw. All my strength has left me. Ang tanging nagiging matapang sa mga oras na ito ay ang puso kong pinipilit na hindi tuluyang mabasag.
Oo may problema nga siguro kami pero hindi ko ine-expect na aabot kami sa ganito. Sa sitwasyong iiwan na niya ako.
"No Marcus!" Napahinto siya at nanatiling nakatayo habang nakapalupot ang kamay ko sa kan'yang dibdib.
"Mahal na mahal kita Marcus. You can't just leave me please!"
"Blaire..." Hirap siyang huminga na para bang pilit na ipinapaintindi ang gusto niyang mangyari.
How am I supposed to do that? How am I supposed to let him go? He's basically my world. Hindi ko kaya ng wala siya.
"Anong nagawa kong mali Marcus?"
Napapikit ako ng hawakan niya ang mga kamay ko. Marahan niyang kinalas 'yon. Siguro'y dahil wala na akong lakas kaya madaling natanggal ang pagkakayakap ko sa kan'ya.
Umikot siya para makita ako. He is still the same. Siya parin ang Marcus na minahal ko di'ba?
"Wala..."
"Then why?!"
I can't breath! Nanlalabo na ang mga mata ko. I can't clearly see him because of the tears that's still falling from my eyes.
Hindi ko matanggap! I never imagined him to be this cold. I thought I can still save us... but I guess I was wrong.
Umiling siya. Ni isang emosyon sa mga mata niya ay wala akong mahagilap. Kahit na awa man lang.
Masyado ba akong mahinhin para sa kan'ya? Masyado ba akong Maria Clara kaya naging boring ang relasyon namin? Saan banda? hindi ko alam kung saang banda ako nagkamali.
"Hindi ba ako masarap?" I blurted.
I finally caught his attention. Kung kanina'y parang ayaw niya akong titigan, ngayon naman ay nagawa na niyang salubungin ang mga mata ko.
"Tell me!"
Marcus and I lived together. Hindi biro ang makipagsapalaran sa isang relasyon. Alam kong marami siyang naging sakripisyo para mag work lang ang relasyon namin, but so do I!
"I'm begging you Marcus... Don't leave me..." Hindi ko na makilala ang paos at pagal na boses ko.
"Blaire don't do this-"
"Ayaw mo na ba talaga? Hindi na ba talaga natin kayang ayusin? Sabihin mo naman Marcus, ilang buwan na akong nanghuhula sa nararamdaman mo. It's so unfair Marcus. Napaka-unfair..."
Napaluhod na ako. My knees are getting weaker and weaker. I'm not the kind of girl that is good at expressing her feelings pero may pakiramdam parin ako. Ito ang unang pagkakataong nakaya kong sabihin ang gusto kong sabihin.
Naramdaman ko ang pagluhod ni Marcus para pantayan ako. He held my hand but that just triggered a new batch of sadness.
At sa huling pagtama ng mga namin ay alam kong buo na ang kan'yang desisyon.
And desisyong iwan ako...
Sa loob ng ilang taon naming pagsasama ay kilala ko na ito. I know that he is very serious about decision making. Lalo na ngayon.
His other hand tried to wipe my tears. Hindi ako nakagalaw. Hinayaan ko siya sa pagpunas ng mga 'yon.
"Give me seven days Marcus..."
Namutawi sa kan'ya ang awa. I'm glad that at least, may nakita akong emosyon sa nag-iisang lalaking minahal ko.
"Give me seven last days to be with you. Pwede bang sa isang linggo mo nalang ako iwan?"
BINABASA MO ANG
Seven Days
Short StoryHindi lahat ng mahal kita ay sinasagot ng parehong linya. Hindi lahat ng maganda ay kapareha ng kung ano talaga siya. Hindi lahat ng pag-ibig ay kagaya nang sa iba. Hindi lahat ng araw, masaya. Hindi lahat ng pagkakataon, maswerte ka. At lalong...