Chapter Eight
Baby shower
"Oo naman! Parating na!"
Nagmamadali akong pumasok sa isang lexus na ipinadala ni Mama.
I know that I promised myself that I will buy things on my own by using my own money but I don't want to hurt my Mom. I've been rejecting her for almost two years now.
Besides, birthday ko naman sa isang linggo kaya sige. Tatanggap ako ng kahit na ano ngayon.
Pwede bang may magregalo narin sa'kin ng peace of mind?
"Bilisan mo Blaire, see you later!"
Itinapon ko sa passenger's seat ang phone ko saka nagmamadaling sumakay doon. Iniatras ko muna ang sasakyan bago tuluyang inabante ito.
Ang kulit talaga ni Mommy! Pangatlong beses na niya akong binigyan ng sasakyan. Ang una ay yung subaru na agad ko namang naibalik.
Pangalawa ay yung chevrolet na spark, baka sakaling tanggapin ko raw dahil mumurahin lang 'yon. But then again, isinoli ko parin.
And now, etong mamahaling kotse naman. Ang dahilan niya ay birthday gift at alam niyang dream car ko ito kaya heto na. Hays! It hurts my pride!
Isang oras rin akong bumiyahe bago marating ang bahay nila Leonne. Nag migrate din ito sa Australia ilang taon lang simula ng umalis ako at dito niya nakilala ang kan'yang butihing asawang si Harriette.
I don't know what's the gender of their baby kaya dalawang pares ng cute jumpers, shoes, sandals na unisex ang aking regalo sa baby shower nito.
"Blaire! Oh my God!" Hiyaw ni Leonne ng makita akong kakaparada lamang ng sasakyan sa kanilang drive way.
"Oh my God ka diyan!" Natatawang sabi ko at sinubong siya ng yakap.
"I never thought that you would come!"
"Ayaw mo ba? Tsaka hindi naman ikaw ang ipinunta ko rito Leonne! Ang baby mo no!" Umirap pa ako sa kan'ya. Natawa nalang siya sa ginawa ko.
Ibinigay ko sa kan'ya ang box na blue and pink ang balot.
"Thank you, thank you! Pasok kana nasa loob na si Hermes..." Aniya na iniwan na ako at sinalubong ang mga bagong dating nilang bisita.
Is it me or sadyang bigla lang uminit sa paligid? Pagdating ko sa bakuran nila ay naroon na ang mga pamilya at ang iba pang mga kaibigan ng mag-asawa.
Hinagilap ng mga mata ko si Hermes. Hindi naman ako natagalan sa paghahanap sa kan'ya hindi dahil sa gwapo niyang mukha pero dahil may pagka loner rin ito gaya ko.
As usual, nasa isang table lang ito habang umiinom ng beer at hinihintay na magsimula ang party.
"Hi!" Nakangiting bati ko sa kan'ya.
Medyo nagulat pa siya dahil sa pagsulpot ko.
O sadyang lutang yata siya ngayon?
"Oh, hi there!" Nagkukumahog naman siyang tumayo para batiin ako.
"Himala at umattend ka." Bulong niya matapos akong yakapin.
"Bakit naman hindi? Anong akala niyo sa'kin? Magmumukmok nalang at kamuhian ang mundo sa isang sulok?" Dumaan ang waiter sa gilid ko kaya kumuha narin ako ng wine sa hawak niyang tray.
"Ganun na nga." Pang aasar niya.
"Tse! Well, mali ka! I'm here now." Uminom ako sa hawak ko.
"That's good to know. Okay ka na ba?" Nag-iwas ako ng tingin.
"Oo." Matipid kong sagot.
"Blaire! I'm glad that you came!" Napatayo ako ng makita si Harriette na buntis na buntis habang nakatayo sa harapan ko.
Tumayo naman ako at sinalubong siya ng yakap.
"Of course! You look stunning Harrie!"
"Thank you! I'm nervous!" Hinawakan niya ang kamay ko at naramdaman ko ang panlalamig no'n.
"You'll gonna be fine! I'm so happy for both of you!"
Binati rin ni Hermes ang buntis. Ilang minuto pa ay nagsimula na ang program.
"It's a girl." Bulong ko.
"Boy." Hermes said.
"Wanna make a bet?"
Is he challenging me? Magaling yata ako manghula!
"Deal! Ano namang makukuha ko kapag nanalo ako?" Mataray kong sabi sa kan'ya.
"Name it."
"A house and lot Hermes." Pagbibiro ko.
"Deal." Seryoso namang sabi niya. Mapagpatol rin! "But if I won, you will have to be my date for a week." Sa pag ngisi niya ay napalunok ako.
Hoy! I was just kidding no! Atsaka, I don't need a house and lot! Ano namang gagawin ko do'n?!
"Ladies and gentlemen! Here's the moment of truth! What's it gonna be?!" Masayang sabi ng best friend ni Harriette habang hawak ang isang malaking box na hindi ko mailarawan kung ano ang laman.
"Please be a boy..." Parang nananawagan sa may kapal na sabi ng katabi ko.
Natawa naman ako dahil sa sinabi niya.
"Are you really serious huh?" Bulong ko.
"I am..." Sumeryoso siya ng tingin sa harapan at uminom ulit sa basong hawak niya.
"Uhh..."
Paglingon ko sa mag-asawa ay nagbibilang na ang mga tao ng countdown para i-angat ang takip ng box na hawak nila.
"3...2...1!"
Sa pag-angat ng takip ay umusok ang kulay sky blue at lumabas ang mga lobong may iba't ibang shades ng parehong kulay asul.
Napuno ng hiwayan ang buong lugar nila Leonne pero ako? Naiwan akong nakatulala sa kanila at bagsak ang panga!
Bakit ba kasi napaka blooming ni Harrie! Ayan tuloy! Ugh!
Sabi na nga ba eh, hindi ako magaling na maghuhula. Akala ko lang rin 'yon. Dahil sana noon pa lang nahulaan ko na rin kung magkakatuluyan ba talaga kami ni Marcus! Leche!
Marcus again Blaire? Ang stupida mo!
Pag lingon ko sa katabi ko ay malawak na nakangiti ito sa'kin.
"It's my pleasure to be your date Blaire..." Aniya sabay tuwang tuwang kumindat pa!
BINABASA MO ANG
Seven Days
Short StoryHindi lahat ng mahal kita ay sinasagot ng parehong linya. Hindi lahat ng maganda ay kapareha ng kung ano talaga siya. Hindi lahat ng pag-ibig ay kagaya nang sa iba. Hindi lahat ng araw, masaya. Hindi lahat ng pagkakataon, maswerte ka. At lalong...