Chapter Nine
First Day
Pinilit kong pasiglahin ang boses ko at ang katawan ko kahit kanina pa ako hinang hina.
Buong gabi akong umiyak at hindi kumain. Kapag binibigyan ako ng pagkain nila Mommy ay isinusuka ko lang 'yon.
Nilibot ko ang mata ko sa paligid. Kanina pa ako nakatayo sa malawak na park ng Buenavidez village habang hinihintay siya. Hindi ko alam kung darating ba siya pero tanging pag-asa lang ang nagbibigay sa'kin ng lakas ngayon.
Hihintayin ko siya. Kahit mapagod at maubos ang lakas ko. I know he'll come. Kahit na isang percent nalang ang natitirang pag-asa sa puso ko.
Seven days...
Sana sa loob ng pitong araw pagbigyan niya ako.
Lumawak ang pagkakangiti ko ng makita ang isang bulto na mabagal na naglalakad papunta sa direksiyon ko. Seryoso lang ang tingin niya habang hinahangin ang buhok niya. He wasn't really looking at me but my heart is jumping! I don't care!
Mabilis akong tumakbo palapit sa kan'ya at niyakap siya ng mahigpit. Bakas pa sa mukha niya ang pagkagulat bago ko ilagay ang mukha ko sa dibdib niya. I knew it!
He is still my Marcus!
"Blaire..."
"Sobrang saya ko Marcus! Sobra sobra!" Hindi ko na mapigilan ang pag-iyak. Masaya lang talaga akong makita siya ngayon.
Bago ako kumalas doon ay pinunasan ko na ang mga luha ko.
He gives me hope. Kahit pitong araw lang.
"Are you okay? Kumain ka na ba?" Malawak ang pagkakangiti ko habang sinasabi ang mga bagay na 'yon.
Nag iwas siya ng tingin. But that's okay.
"Yeah."
"Ako kasi hindi pa eh. Kain tayo?" Casual kong tanong sa kan'ya. Naguguluhan man ay tumango nalang rin siya.
Napapitlag siya ng ipagsalikop ko ang mga kamay namin. I don't care. Paulit ulit kong sinabi sa sarili ko.
Napadpad kami sa favorite restaurant namin.
"Same order ha!" Sabi ko.
Tahimik lang siya habang kumakain na kami. Para bang ayaw niya akong tignan. Again, I don't care.
Ang importante ay nasa harapan ko siya.
"We will go to the movies after this." Ngumiti ulit ako.
"Okay."
"Marcus, hindi mo kailangang maging awkward. Seven days lang. Madali lang lilipas yung araw." Mapait akong ngumiti.
Nag-iwas rin ako ng tingin ng maramdaman ang pag-iinit ng mata ko. Ang hina ko talaga. Pangako ko sa sarili kong hindi ako iiyak once na makita ko siya sa park. Pinigilan ko.
Kami pa. May pitong araw pa.
Masaya ako habang hawak ang braso niya. Lumabas kami ng restaurant at dumiretso sa sinehan.
Dahil wala ng upuan sa horror film na papanuorin sana namin ay wala kaming choice kung hindi ang isang romance film. Bumili siya ng popcorn at french fries.
Ganito naman kasi talaga kami. Kahit na kakatapos lang kumain, basta nasa sinehan kailangan parin ng maraming mangangata.
"Hawakan mo lang yung kamay ko Marcus..." Bulong ko habang iginigiya niya ako paakyat sa dulong pwesto ng theater.
Tahimik parin siya. Masaya ako Marcus. Masayang masaya ako.
Sana panaginip lang yung kagabi.
Sana panaginip lang na sinabi mong hindi ka na masaya.
Sana pagkatapos ng pitong araw sa'kin ka parin.
Kahit malabong malabo pa yun sa mata ng lola ko...
The film started pero sa kan'ya lang nakatuon ang tingin ko. Naalala ko noong nirentahan niya ang buong sinehan noong pinanuod namin ang isang animated na movie during our first month.
Hindi maipinta ang mukha ko sa tuwa no'n. Tumawa siya sa pinapanuod niya kaya naman napangiti nalang ako.
Iniisip kong sa'kin siya nakatingin habang ginagawa niya ang pagtawa niya. Hinigpitan ko ang pagkakahawak ng mga kamay namin. He looked at me and smiled.
My heart melts.
Humilig ako sa dibdib niya dahil naramdaman ko na naman ang pag ngilid ng mga luha ko. I can't...
Hindi ko pwedeng ipakita sa kan'yang masakit. Kailangang maging masaya ako at kuntento na kasama ko siya ngayon.
"Marcus... Mahal na mahal kita..." Bulong ko.
Kahit na hindi ko marinig ang sagot niya ay ayos lang. I can hear his heartbeat and that is enough.
"Blaire, do you want something else?" Ani Hermes habang hawak hawak parin ang menu.
Sa isang italian restaurant niya ako dinala dahil sa pagkatalo ko sa bet namin sa gender ng baby nila Leonne.
"No, okay na ako. ikaw?" Ngumiti ako.
"Okay na rin." He smiled back.
Tinawag niya ang waiter at doon sinabi ang mga order namin. Napatitig lang ako sa kan'ya habang ginagawa 'yon. Hermes is really handsome. Lalo pa ngayon sa suot niyang black suit. Para kaming aatend ng isang grad ball dahil sa gara ng mga suot namin.
He gave me this red dress that I'm wearing. Ayaw ko pa sanang tanggapin 'yon pero sobrang kulit niya. Kaya wala narin akong choice kung hindi ang suotin 'yon.
"You look so gorgeous Blaire..." Parang nag-init ang pisngi ko dahil sa sinabi niya.
I know this is not the first time someone complimented me but it felt so different. Nagba-blush ako.
"You look so good too Hermes." Balik compliment ko sa kan'ya.
He is good looking indeed! Siya yung lalaking palaging tinitilian at pinapangarap ng mga babae sa Campbell maliban kay Marcus at iba pang team ng Batham royals.
"Really?" Natatawang sinipat niya ang sarili na parang hindi makapaniwala sa sinabi ko.
Tumango ako. Ngayon ko lang siya tuluyang nakakasama after the break up. I wasn't interested to be his friend again but Hermes didn't do something to hurt me. Narealized kong sobrang immature kung pati siya ay lalayuan ko.
Kahit na kaibigan pa siya ni Marcus.
That name again... Ipinilig ko ang ulo ko at itinuon nalang ang tingin kay Marcus. Sakto naman ang pagdating ng aming pagkain kaya na-occupied nito ang utak ko.
He made me smile... Hermes finally did it.
BINABASA MO ANG
Seven Days
Short StoryHindi lahat ng mahal kita ay sinasagot ng parehong linya. Hindi lahat ng maganda ay kapareha ng kung ano talaga siya. Hindi lahat ng pag-ibig ay kagaya nang sa iba. Hindi lahat ng araw, masaya. Hindi lahat ng pagkakataon, maswerte ka. At lalong...