Chapter Twenty Three
Surprise
Maaga akong pumunta sa bahay ni Hermes. I want to surprise him today. Simula na ng pagpaplano namin sa kasal naming dalawa.
Nagbake ako ng cheese cake na paborito niya. I like to surprise him this time. Dahil sa loob ng dalawang taon naming relasyon ay siya lang ang palaging gumagawa ng mga bagay na ikakasurpresa ko.
"Good Morning Miss Blaire!" Masayang bati ni Dalia sa akin.
Isa ito sa matagal na nilang kasambahay.
"Good morning Dalia. Si Hermes?"
"Tulog pa po yata." Nakangiti niyang sinabi.
"Sige, thank you!" Ngumiti ako at dumiretso na sa hagdan patungo sa kwarto ni Hermes.
Sa malaking bahay na ito ay siya lang ang tanging nakatira dahil may sariling bahay ang kan'yang mga magulang at si Ate Hera naman ay may sarili rin.
Dalawa ang kasambahay niya. Isa sa pagluluto at si Dalia para naman sa paglilinis. I have a key to his room. Ibinigay niya iyon para daw masanay na ako dahil kapag naging mag asawa na kami ay dito na kami titira sa malaking bahay niya.
He bought a bigger house than this one but I told him that this house is perfectly fine for us. Hindi naman ako maluho o mapili. Kahit sa kubo lang ay ayos na basta ang mahalaga ay magkasama kaming dalawa.
Lumawak ang ngiti ko ng makitang walang tao sa kama niya. Inilapag ko muna ang cake sa lamesang naroon at maingat na lumapit sa banyo.
He is taking a bath. Mabuti narin 'yon para maayos ko pa iyong cake at sa paglabas niya ay masurpresa ko siya. Kinakabahan ako habang inaayos ang cake. May dala akong lighter para doon.
Wala namang partikular na okasyon. I just want to make his day better.
Things you do for love, right?
Natapos na ako at nakaupo na sa kama niya pero hindi parin siya lumalabas ng banyo. Nadi-distract na ako sa cellphone niyang kanina pa tunog ng tunog. Hinayaan ko lang iyon noong una pero ng umulit pa ang pagtunog ng tatlong beses ay hindi ko natiis na kunin 'yon sa bed side table.
Ang lahat ng tuwa ko ay inilipad sa malayong lugar ng makita ang isang partikular na pangalan sa screen.
Marcus.
Hindi ko alam ang dapat kong maramdaman sa ngayon. Naguguluhan ako. Napaupo ako sa gilid ng kama habang nanginginig ang mga kamay na binuksan ang isang mahabang mensahe doon.
Marcus:
Take good care of her bro. I'm happy for both of you. Just keep me posted about the wedding. I'll be glad to be your groomsman.
Napapikit ako ng mariin kasabay ng malakas na kalampag ng puso ko. Hindi ko alam na mayroon pa pala silang komunikasyon ni Marcus.
Anong ibig niyang sabihin na alagaan ako? And why do I feel so betrayed?
Oo at hindi naman big deal para sa akin si Marcus pero hindi man lang ba niya balak sabihin na nag-uusap pa sila? Damn! They're friends that's why! Pero bakit ganito? Bakit kailangan kong makaramdam ng sakit?
Binuksan ko ang isa pang message doon.
Marcus:
Congratulations Bro! I couldn't be happier. Blaire deserves the best. Thank you.
Hindi ko na nagawa pang basahin ang lahat. Ini-scroll ko nalang ang conversation nila para makita ang date noon. Napaawang ang bibig ko. Palagi silang magkausap.

BINABASA MO ANG
Seven Days
Kısa HikayeHindi lahat ng mahal kita ay sinasagot ng parehong linya. Hindi lahat ng maganda ay kapareha ng kung ano talaga siya. Hindi lahat ng pag-ibig ay kagaya nang sa iba. Hindi lahat ng araw, masaya. Hindi lahat ng pagkakataon, maswerte ka. At lalong...