Chapter Two
Blaire
"Marcus!" Natatawang sabi ko habang pilit kong inilalayo ang katawan ko sa kanya.
Sa loob ng apat na taon ay palagi niya akong kinikiliti sa tuwing nakasimangot ako.
"Ah! Marcus! Don't-" Napuno ng masayang hagikhik ang aking kwarto dahil sa pangungulit niya.
Iniikot niya ang katawan ko dahilan para magpalit kami ng pwesto. I'm now on top of him. Habol ko ang aking paghinga habang hindi parin nawawala ang mga ngiti sa aking labi.
"Ang kulit mo!" Kunwari'y naiinis na hinampas ko ang kanyang dibdib.
Natawa nalang siya sa ginawa ko at ipinalibot ang kanyang kamay sa aking katawan para yakapin ako.
"Are you still sad?"
Napanguso ako kaya naman gumalaw na naman ang mga kamay niya patungo sa tagiliran ko.
"No! Stop, hindi na! Hindi na!" Natatawang iniiwas ko ulit ang katawan ko dahil sa paglapat ng kamay niya sa tagiliran ko.
Napakalawak ng ngiti niya.
"Mahal kita Blaire... At handa akong mapagod kilitiin ka huwag ko lang makita yung lungkot diyan sa mukha mo..."
Iniangat niya pa ang kanyang kanang kamay para haplusin at hawiin ang mga buhok na tumakas sa aking tenga.
My heart melted...
Napapikit ako at inihilig ang aking mukha sa dibdib ni Marcus. Parang niyayakap ang puso ko sa bawat pintig ng dibdib niya.
Namimiss ko na siya. Gusto na namang tumulo ng mga luha ko sa tuwing napapatingin ako sa labas ng apartment na tinitirhan ko dito sa Australia.
Mayroon naman kaming bahay dito pero mas gusto ko ang bumukod sa pamilya ko. I want to be independent. Ayaw kong makulong sa anino ng mga magulang ko.
I want to earn and buy things on my own. I want to work without their help. Gusto kong ipakita sa kanila na kaya ko na. Hindi lang sa kanila kung hindi pati narin kay Marcus.
"Hello?" Halata sa boses niya na naputol ko ang mahimbing niyang tulog dahil sa tawag kong 'yon.
Parang may kumurot sa puso ko. Bakit ngayon ay parang kailangan ko siya? Naguguluhan ako. Nilulukob ng lungkot ang puso ko.
"Sorry... Are you still sleeping?" Napahawak ako sa receiver ng teleponong hawak ko.
Ito lang ang tanging ginagamit ko sa tuwing nag-uusap kami kahit na mayroon naman akong cellphone.
"Yeah..." Tamad niyang sagot. I can hear him yawning.
Gusto ko ng ibaba 'yon pero parang may nag-uudyok sa'kin na kailangan ko siya ngayon. I've never longed for him this much, until now...
"Uhm... I'm sorry..."
I missed you...
I bit my lower lip saka dahan dahang ibinaba ang telepono.
Sa pagbaba ko no'n ay nag-uunahang tumulo ang mga luha sa mga mata ko. Parang may nag uunahan ring mga matatalim na punyal na tumutusok sa dibdib ko. Napakapit ako sa lamesang pinagpapatungan ng telepono. Pakiramdam ko'y tinakasan ako ng lakas.
"Will you go to the ball with me?" Basa ko sa placard ng mga nakahilerang studyante sa school grounds.
They are Marcus's friends. Malawak ang pagkakangiti ni Leonne habang hawak ang isang bulaklak sa dulo ng mga ito.
I'm still confused.
Kung hindi lang dahil kay Georgina ay kanina pa ako umalis sa kinatatayuan ko ngayon. She's still pushing me to go in the middle. Ang mga studyante ay pinapaikutan na ang pwesto namin ng mga kaibigan niya.
"Bes sige na! Dali!" Kilig na kilig na hiyaw ni Georgina.
"Bes anong-" Naputol ang sasabihin ko sa kan'ya ng marinig ang malakas na tugtog ng kantang I do sa stereong nasa tabi ng Hermes.
Nasundan pa iyon ng mga tilian ng biglang lumabas si Marcus sa gilid ni Leonne para kunin ang bulaklak.
I'm literally out of words! Una, napaka-ironic ng kanta niya. Talaga bang inisip niya na kailangan ang kantang 'yon para mapa-oo ako?
Dahan dahan siyang lumapit sa kinatatayuan ko. Kung masusunod lang ang utak ko ay kanina pa ako umalis at nagtago sa mga mata ng taong narito. I'm afraid of large crowd. Lalo pa kaya ngayong nasa aming dalawa ni Marcus ang lahat ng atensiyon nila!
"Blaire..." He's wearing his charm again and I don't know how to resists to that.
"Will you be my date?" His perfect teeth showed when he try to smile again.
I looked at George. Para na itong hihimatayin pero hindi ko alam kung ano ang dahilan. Dahil ba sa'min ni Marcus o dahil sa pinapangarap niyang si Hermes na kanina pa seryoso at mukhang hindi natutuwa sa nangyayari?
Bumalik lang ako sa katinuan ng marinig ang pagkuha ni Leonne sa atensiyon ko para ituro si Marcus.
Bumalik ang tingin ko sa kan'ya.
How could I fucking say "No" to this guy?
Hanggang kailan ba ako magpapakipot para hindi niya mahalatang nahuhulog na ako sa kan'ya?
Hanggang kailan ko 'yon itatago?
BINABASA MO ANG
Seven Days
Short StoryHindi lahat ng mahal kita ay sinasagot ng parehong linya. Hindi lahat ng maganda ay kapareha ng kung ano talaga siya. Hindi lahat ng pag-ibig ay kagaya nang sa iba. Hindi lahat ng araw, masaya. Hindi lahat ng pagkakataon, maswerte ka. At lalong...