KABANATA 10

279K 2.3K 41
                                    

Jonathan's P.O.V.

"Nag-quit ang dalawa nating bartenders pare." Sabi ni Bernard sa kabilang linya, "'Yung isa nabuntis, 'yung isa naman, nakahanap na ng ibang bar na mapapasukan dahil mas marami raw ang oras na bukas. Pwede bang ikaw na ang mag-asikaso sa hiring? Medyo lubog ako sa trabaho ngayon eh."

Sa telepono lang kami nag-uusap ngayon, habang naglakad ako papunta sa kumpanyang pinaglilingkuran ko bilang head ng legal department. Katatapos ko lang mag-lunch with Art.

"Don't worry pare. I'll take care of it." Sagot ko.

Kababa ko lang ng cellphone, nang mamataan ko si Abby habang lumalakad ako papasok sa lobby. Nakatingin ito sa bulletin board na malapit sa guest lounge. Mayroon itong kinokopya from the bulletin board.

"Abby?" Pagbati ko sa may bandang likuran niya.

"Ay puke ni kulasa! Ehek!"

Classic. Nakakatawa talaga ang lumalabas sa kanyang bibig kapag nagugulat.

"Huy Jon, ikaw pala!"

Napakakasuwal ng pagbati niya sa 'kin, na para bang walang nangyari sa amin no'ng kabilang linggo. Ngayon ko lang siya muling nakita simula no'n. Naging busy din kasi ako kaya't hindi na rin ako nakakadalaw sa office ni Tito Vince.

"Anong ginagawa mo rito?"

"Ah! Tumitingin lang ako dito sa ad. Naghahanap kasi ako ng part-time job."

"Ha? Hindi ba full-time ka na kina Tito? Tapos nag-aaral ka pa, 'di ba?"

"Ah, eh kasi," Kinamot niya ang kaniyang sintido, "Medyo kinakapos kasi ako. Kailangan ko ng extra income. Tumaas na naman kasi ang tuition ko pati ang renta ko sa bahay."

"May nakita ka ba naman diyan?"

"Wala nga eh. Merong isang part-time crew ang kaso, in-conflict naman sa working hours ko sa Firm. Ang kailangan ko 'yung after 6 pm na hindi babangga sa class schedule ko."

Perfect.

"Naghahanap kami sa bar ng bartender, 8 pm to 3 am, Friday and Saturday night lang ang work schedule. Would you be interested?"

"Really?! Naku, mukhang tamang-tama 'yun. Oo interested ako. I was a bartender for three years kaya may experience ako. Sa 'yo ba ako pwede magsumbit ng resume?"

"Oo."

Kinuha niya ang resume niya't walang pag-aalinlangang ibinigay sa akin.

"Salamat Jon ha? Hulog ka ng langit. Sige, babalik na ako sa Firm. Tapos na ang lunch hour ko eh. Salamat ulit ha?"

Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza), 2013, All rights reserved.  

Binasa ko ang resume niya nang makarating ako sa opisina. Aha! 'Yun pala ang address at cellphone number niya. Hmmm. Ang dami niyang work experience. Salasalabid. Ibig sabihin, halos sabay-sabay. Ganun siya kasipag?

"Abby," Tinawagan ko siya sa cellphone number na nakalagay sa resume, "You're in. Mag-report ka na on Friday, around 9 pm. Ipakikilala kita sa co-owner ko't sa iba pang crew."

The Broken Man [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon