KABANATA 43

202K 1.9K 174
                                    

Jonathan's P.O.V.

"Simula ngayon, dito ka na sa 'kin titira." Sabi ko kay Abby habang inaakay ko ito papasok sa aking bahay.

Kagagaling lamang namin sa hospital kung saan siya na-confine ng tatlong araw. Dumaan pa kasi siya sa samo't saring tests dahil sa mga injuries na kaniyang natamo sa kamay ng demonyong mag-ama.

"P-pero,"

"Wala nang pero-pero, Abby. Kung tumutol ka ma'y huli na ang lahat. Ipinakuha ko na lahat ang mga gamit mo. Nagpaalam na rin ako sa Tita mo. Pumayag siya dahil alam niyang mas ligtas ka rito sa poder ko."

Hindi siya nagsalita. Nagpakatianod na lamang ito sa pag-akay ko.

"Ang ganda naman ng bahay mo, Jon." Lumilinga-linga siya sa paligid.

"Bahay natin," Sabi ko, "Simula ngayon, bahay mo na rin 'to."

Sumulyap muna ito sa akin, bago nito ako inismiran. "Pa'no naman magiging sa atin 'to? Eh wala naman akong kontribusiyon sa pagpapatayo nito."

"Wala ka nga sigurong contribution to build this house, but only you can make this lonely house a home sweet home. Aba, ikaw yata ang magiging reyna ng bahay na 'to." Nginitian ko siya.

Tiningnan niya ako nang matalim. Naalala ko tuloy na hindi pa nga pala kami magkabati. Hindi pa kasi kami nagkakapag-usap nang maayos.

"Dito ka lang muna Abby at magpahinga," Habang inihihiga ko siya sa aking kama--ops sa aming kama pala, "May pupuntahan lang ako sandali. Kung may kailangan ka, iutos mo na lang sa mga katulong. Kung gusto mo naman akong makausap, tawagan mo lang ako sa cellphone, I will keep it on, I promise."

"Grabe ka naman, Jon, hindi naman ako lampa. Ok na naman ako eh."

"Ah basta, binilinan ko na ang mga kasambahay dito na bawal kang gumawa ng kahit ano. Hindi naman ako magtatagal. Babalik din ako kaagad."

Tumango ito. Alam na rin niya siguro na wala na ring sense kung makikipagtalo pa siya sa 'kin. Hinalikan ko muna siya sa labi, bago ako sumibat.

***

"Nasabi mo na ba kay Abby ang tungkol kay Agnes Buenaventura?" Tanong ni Bernard. Umiling ako.

Laman na ng balita ang pangalang 'yon. Natagpuan daw kasi itong nakasabit sa kesame sa loob ng kanilang mansiyon. Ayon sa balita, nagbigti raw 'to. Nagpakamatay daw 'to dahil sa sobrang kahihiyan sa krimen kanyang asawa't anak. Wala pang alam si Abby sa mga nangyari, dahil hindi ko ito hinayaang manood ng telebisyon no'ng nasa hospital pa ito. She's been through a lot. She doesn't need these things habang nagpapagaling pa siya.

"Nailahathala na pala 'yung suicide letter na ipinaabot ni Agnes Buenaventura kay Abby para sa Mama ni Luke. Bagama't hanggang ngayo'y wala pang nakaaalam kung nasaan ang mag-ama'y sapat na raw ang mga impormasyon sa liham na 'yon para sila'y madiin. Nakasaad daw do'n ang lahat ng lokasyon kung saan nila itinago ang mga bangkay ng mga pinatay nilang biktima, kasama na 'yung cottage na pinagdalahan kay Abby." Paglalahad ni Jason.

"Grabe, umabot daw sa kuwarenta'y otso ang natagpuan nilang bangkay at kalansay ng mga babae sa iba't ibang lugar. Kung nasa'n man ang mag-amang 'yon, sana mamatay na sila!" Nanggigil si Tristan.

Mamatay na lang sila? Ano sila, hilo? Napakadali namang parusa ng kamatayan. Kung tutuusin, napaka-humane pa ngang parusa sa mga katulad ng mag-amang 'to kung masisilya elektrika sila o male-lethal injection. Biruin niyo? Sa dinami-rami ng sinaktan nila, ginahasa't pinatay--na siguro'y pinahirapan pa ng paunti-unti'y, kay dali lamang nilang matitigok sa death penalty? Ano 'yon? Kaunting kisay, kaunting paghihingalo, tigok na kaagad?

The Broken Man [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon