KABANATA 19

243K 2.7K 122
                                    

Jonathan's P.O.V.

Ito nga 'yun. Ito nga 'yung eskinitang dinaanan niya no'ng araw na sinundan ko siya. 'Yung araw na nakita ko siyang may kinatagpong lalaking niyakap niya do'n sa isang maliit na bahay. Ang pagyakap niyang 'yon sa ibang lalake na naging dahilan kung bakit naiinis ako sa kanya. Nagagalit. Nayayamot. Ang dahilan kung bakit pinahirapan ko siya ng todo nitong mga nakakaraang linggo.

Paano naman kasi, kakatapos lamang namin mag-sex no'n, nanlalake na kaagad siya? Nagseselos ba 'ko? Hindi 'no! Ayoko lang na may nakakalalake sa akin. Ego ko na ang pinag-uusapan dito.

Dumiretso kami sa maliit na bahay na 'yon. Kumatok siya't saglit pa'y bumungad na ang lalaking niyakap niya no'n. Tila umakyat ang presiyon ko, nang muli silang nagyakapan do'n mismo sa 'king harapan.

"Ahm, Jon, " Nagkalas sila sa pagyayakapan. Bumaling si Abby sa 'kin. "Eto nga pala si... kuya Obet, pinsang buo ko."

Huh? Pinsang buo?

"Kuya Obet," Pagbaling niya sa lalake, "Ito si Jon, Bo-" Alam kong sasabihin niyang Boss niya ako.

"Boyfriend niya!" Pagputol ko sa sasabihin niya. Inilahad ko kay Obet ang aking kamay.

Halatang nagulat si Abby.

"Walang nababanggit si Abby na may boyfriend na pala siya. Pero nice to meet you Jon." Kinamayan niya ako.

So, totoo palang wala siyang boyfriend?

Kunot-noong sumusulyap-sulyap sa akin si Abby. Mga sulyap na tila gusto niyang itanong kung ano ang nangyayari sa 'kin.

"Tuloy kayo." Pag-imbita ni Obet sa amin sa maliit na bahay. "Pasensya na, medyo masikip dito't mainit. Isang ceiling fan lang kasi ang gumagana."

Tumingin ako sa paligid. Mukha itong isang maliit na classroom. Mayroon itong apat na lamesang parihabang may anim na upuan bawat isa. May blackboard ito sa dulo't may maliit na lamesa sa unahan na siguro'y para sa guro. Sa isang gilid ay may isang mahabang lamesa na kinalalagyan ng samalamig, malaking kaserolang nakapatong sa isang portable stove, sandwiches at mga biskuwit. Sa isang sulok nama'y may mga nakapatas na mga supot ng plastic na may tigkakaunting bigas, de lata't instant noodles. Napapaligiran rin ang bawat sulok ng ding-ding ng educational posters.

"Kuya, heto na 'yung juice at cups." Sabi ni Abby sa pinsan niya habang kinukuha ang plastic na hawak ko.

"Meron na akong tinimpla," Itinuro ni Obet ang isang malaking container ng samalamig sa ibabaw ng lamesa, "Nag-aalala lang ako na baka kulangin. Mainit kasi ang panahon ngayon." Inabot nito ang plastic bag na kinuha ni Abby sa akin. "Mamaya lang tapos na ang misa, darating na ang mga bata. Maiwan ko muna kayo. Susunduin ko lang ang mga bata sa kapilya."

"Sige kuya. Ihahanda ko na ang mga aklat nila." Sagot ni Abby bago nito tinungo ang shelf na kinalalagyan ng mga lumang aklat.

Isa-isa niyang inilatag ang mga lumang libro sa mga parisukat na lamesa. Nilagyan niya rin ito ng tigi-tigisang papel, maliit na box ng krayola't lapis.

"Sigurado ka bang ok ka lang dito, Jon? Alam kong hindi ka sanay sa ganitong lugar." Abala ito sa kanyang ginagawa; hindi ito nakatingin sa akin.

Hindi ako sumagot. Ngumisi lang ako na agad din naman niyang nakita nang napasulyap siya sa akin.

"Ito ba ang kumpromiso mo kada linggo?"

The Broken Man [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon