KABANATA 49

198K 2.1K 113
                                    


Abigail's P.O.V.

Sa wakas. Matapos ang dalawa't kalahating linggong paglalagi sa hospital ay nakauwi na rin kami.

"Sino ka? Anong ginawa mo sa Jonathan ko?" Biro ko kay Jon habang buong ingat niya akong inaalalayan pabalik sa kama--mula sa banyo. Ayoko kasing magpabuhat na mas madalas niyang gawin.

Nakapaninibago siya. Simula nang magkamalay ako--magpasahanggang ngayo'y, tila nag-complete turn around ang kaniyang demeanor. Sobrang sweet, gentle at maasikaso na ang Jonathan na kasama ko ngayon. Siya nga ang consistent na nagbabantay sa akin araw at gabi. Halos doon na nga siya nakatira sa hospital habang ako'y naka-confine.

"Wala na 'yun, hindi ka na babalikan ng bastos na 'yun." Nakangiti niyang sagot habang itinataas nito ang aking mga binti kama.

"Hmp. Kahit bastos 'yun, mahal ko 'yun no." Nakangisi ako. Sinulyapan muna niya ako, bago niya ako hinalikan sa noo.

"Hindi ka mahal ng bastos na 'yun, pero ako mahal na mahal kita, kaya huwag mo na sanang hanapin ang taong wala na." Hinawakan niya ang aking baba, inilapit niya ang kaniyang mukha, bago niya ako hinalikan sa labi.

Di pa ba ako kikiligin?

"Wala ka bang trabaho?" No'ng isang linggo ko pa gustong itanong 'yun.

"Ah, 'yun? Nagresign na ako, magdadalawang linggo na."

"P-pero?"

"Wag kang mag-alala Abby, hindi ikaw ang dahilan kung bakit ako nag-resign do'n. Matagal ko na talagang binalak 'yun, mabuti nga at natuloy na rin. Para naman maka-focus na ako sa mga negosyo natin."

Ano raw? Negosyo namin?

"Bakit?" Tanong niya. Nahalata siguro nito ang aking pagtataka "Akala mo ba 'yung trabaho ko na 'yun ang bumubuhay sa akin? Kulang pa nga sa mga bisyo ko ang kinikita ko do'n eh." Nakabungisngis siya. "May mga negosyo ako Abby, bukod sa bar at do'n sa share ko sa hotel." Hinaplos niya ng bahagya ang aking mga binti, "May mga tao lamang ako na sila namang nag-aasikaso ng mga 'yon, Pito ang ating negosyo... bukod do'n sa dalawang alam mo na. I only chose to be employed para ma-practice ko ang propesyon ko. But, that's just about it."

"Ayaw mo na bang mag-practice?"

"Gusto." Kinukumutan na niya ako.

"Gusto mo naman pala eh, bakit ka nag-resign?"

"I just want to take a break for now, get married, have kids, focus on building our family and our own businesses on the side, and then we'll see, maybe in the future, I might consider practicing again. But for now, I just want to be with you all day, everyday. Thank God for internet, mobile phones, and highly qualified and reliable employees, I can be a work-at-home business man."

O. M. G.

Hindi ko na yata talaga kilala ang Jonathan na nasa aking harapan ngayon.

"Hindi naman kaya magsawa ka na sa pagmumukha ko kung lagi na lang tayo magkasama?" Nakangiti ako.

Nagbuntong-hininga ito, umupo sa kaliwang gilid ng aming kama kung saan ako nakapuwesto nang paupo't pagkatapos noo'y kinuha nito ang aking kaliwang kamay at hinalikan 'yon. Maya-maya pa'y napansin ko nang tila suminginghot ito.Nakumpira ko lamang na umiiyak nga ito nang itinunghay na nito ang kaniyang mukha. Hawak nito ang aking kaliwang kamay na idinadampi't ikinikiskis pa nito sa kanyang kanang pisngi.

"The old asshole may... but this Jonathan will never get tired of being with you, Abby. Because unlike the old jerk who was too afraid to care for anybody besides himself and his dick... this new person is madly in love with you and you alone."

The Broken Man [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon