KABANATA 12

261K 2K 83
                                    

Jonathan's P.O.V.

Pinagmasdan ko si Abby habang isinusuot ang kanyang pants. Halata sa pagkilos niya ang panlalata. Papa'no, hindi ko siya tinantanan hanggang sumuko ang aking katoto sa ibaba. Five rounds! Five freaking quality rounds! Sulit na sulit sa isang linggong pagkatigang.

"Marami bang tao kagabi?" Tanong ko.

"Oo. May mga nag-away pa't nanggulo. Mga lasing na. May nanapak pa nga kay Jeff dahil ipinagtanggol niya ako no'ng may nanghipo sa pwet ko. Hirap na hirap kami ni Jeff kasi kami lang dalawa ang gumagawa ng lahat. Sorry talaga't hindi namin natapos. Umuwi siya ng alas tres y medya dahil may sakit daw ang anak niya. Bumalik lamang siya kaninang alas sais."

"Eh ikaw?"

"Pagka-alis niya ang sabi ko tatapusin ko ang paglilinis, ang kaso mo, no'ng napaupo ako, naramdaman ko naman ang pagod ko. Kaya nakatulog ako do'n." Itinuro niya ang isang wooden bench sa gilid.

Tila kinurot na naman niya ang puso ko. Nakikita ko naman kasi sa kanyang mukha na kulang pa rin talaga siya sa tulog.

"Uuwi ka na ba?"

"Oo."

"Ihahatid na kita."

"W-wag na, marami pa kasi akong dadaanan eh."

Hmmm. Mysteryosa. Ano kaya ang secret life mo't tila parati ka na lamang tumatangging magpahatid sa 'kin?

Hinayaan ko siyang umalis. Pero sinundan ko siya.

Ano kaya ang bahong itinatago mo Abigail?

Malalaman ko rin.

Sumakay siya sa Jeep at pagkatapos ay bumaba't dumaan sa supermarket. Hinintay ko siya sa parking lot. Pagkalabas niya'y nakita kong may bitbit siyang apat na plastic bags--na hindi ko naman masipat kung ano ang mga 'yun.

Naglakad siya sa bus stop. Sumakay sa bus. Sinundan ko ang bus. Namataan ko siyang bumaba sa sakayan ng tricycle. Sumakay siya. Sumunod ako't pagkatapos noo'y nakita ko siyang bumaba sa isang kanto. Pagkababa niya'y nag-umpisa na siyang maglakad patungo sa isang iskinita. Hindi pupuwede ang kotse ko ro'n kaya't ipinarada ko na lamang ito, bago ako bumaba ng aking sasakyan upang siya'y aking masundan.

Huminto siya sa isang bahay na maliit. Kumatok. May nagbukas ng pinto. Ito'y isang lalaking kasual ang pananamit. Mukha itong kaidaraan niya. Niyakap muna siya nito't kinuha ang lahat ng kanyang dala-dala, bago sila pumasok sa loob at saka nila isinara ang pinto.

Nakatulala ako ro'n ng matagal.

Shit.

Sino 'yun?

Lalaki niya?

Boyfriend niya?

Pakialam ko ba? Nandito ako para hanapan siya ng baho't ito na 'yun. May nobyo pala siya, tapos nakikipag-sex siya sa 'kin?

Kaladkarin.

Isa siyang kaladkarin!

Parehas sila ni Ella. Mas malala pa siguro.

Wala lang talaga siya sa 'kin. At nalaman ko na sa wakas ang baho niyang matagal ko nang hinahanap. Pero ang hindi ko maintindiha'y kung bakit ang bigat ng loob ko nang makabalik ako sa kotse.

"At least hindi na ako makukunsensyang paglaruan ka Abby." Bulong ko sa aking sarili. "Hindi ko na rin iispin kung nasasaktan man kita o naiinsulto. Tatapakan kita kung kelan ko gusto. Gagamitin kita kung kailan ko gusto. Napopoot ako kay Ella, pero dahil wala na siya rito. Lahat nang galit ko sa kanya'y ibubunton ko na lang sa 'yo."

Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza), 2013, All rights reserved.

You're a nobody to me, Abby.

Ako man ang naka-una sa 'yo. You are nothing but a slut to me.

Hindi ko na iisipin ang nararamdaman mo.

Hindi na rin ako mag-aalala kung nasasaktan ka.

Wawasakin kita.

[ITUTULOY]

The Broken Man [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon