KABANATA 14

251K 2.2K 42
                                    

Abigail's P.O.V.

Kung hindi mo siya kayang buuin, huwag kang magpapabasag...

Kung hindi mo siya kayang buuin, huwag kang magpapabasag...

Kung hindi mo siya kayang buuin, huwag kang magpapabasag...

'Yan ang mga kataga ni sir Bernard--'yung mabait na co-owner ni Jon sa bar, na paulit-ulit na umaalingaw-ngaw sa isipan ko ngayon. May punto naman siya. Simula pa lang. Alam kong may topak na ang poging 'yun. Base na rin sa nakalap kong impormasyon sa kanya, medyo may pagkawalanghiya nga raw at walang-puso, lalo na pagdating sa mga babae.

Ewan ko ba. Mas malaki nga yata ang sayad ko sa utak. Alam ko na ngang ganun siya, sumugod pa rin ako. Ang naiisip ko lang na dahila'y 'yung craving ko for sense of adventure sa buhay ko. Ang boring kasi ng buhay ko. Bukod kasi sa N.B.S.B. ako'y puro pag-aaral at pagtatrabaho lamang ang inaatupag ko.

Habang tumatagal, lalong lumala ang pagtrato sa 'kin ni Jon. Nando'n na 'yung basta na lamang niya ako hahablutin at pagpapasasaan sa kahit saang sulok. Mas madalas na ni hindi man lamang niya ako hinahalikan. 'Gano'n' kaagad. Minsan nga, halos mawasak na 'yung 'ibaba' ko dahil parang do'n niya ibinubuhos ang kung ano mang ikinagagalit niyang hindi ko maintindihan. Kaya nga mas madalas na hindi na ako nag-e-enjoy. Ang sakit-sakit kasi eh. Ikaw ba naman ang bansot na katulad ko na basta na lamang titiranin ng six-footer na may malaki't mahabang 'ano', masasaktan ka talaga, lalo na't hindi ka pa man din handa'y basta-basta ka na lamang niyang papasukin.

Nakakainis ang pagbago-bago ng mood niya. Minsan ok siya, tapos in split seconds nagbabago ang ugali niya. Madalas niya akong insultuhin at pahiyain sa harap ng mga tao, lalong-lalo na kapag nahuhuli niya akong nakikpagkuwentuhan o nakikipagtawanan sa mga costumers o sa mga kasamahang lalaki sa trabaho. Pero kapag tinatanong ko naman kung nagseselos ba siya, ang sagot lamang niya parati'y... Bakit daw ba siya magseselos, samantalang hindi naman daw kami magsiyota; hindi rin naman daw niya ako mahal.

Hindi niya ako mahal.

Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza), 2013, All rights reserved.

Malinaw naman sa akin 'yun. Sa simula pa lang alam kong katawan ko lang ang habol niya sa 'kin. Siguro iniisip niyo na ngayon na napakatanga ko naman para magpagamit sa kanya. Tanga nga siguro ako kasi sa kabila ng lahat-lahat ng katangian niya't masamang pagtrato sa 'kin... mahal ko siya. At kaligayahan ko na ang maramdaman siya kahit alam kong parausan lamang niya ako.

***

"I am going out of town this weekend. I want you to come with me. Ipinagpaalam na kita kay Bernard. You'll be paid kahit hindi ka magtatrabaho."

"H-ha naku Jon, hindi ako pwede. May kumpromiso ako kada linggo."

"Linggo ba ang schedule no'ng isa pang yumayari sa 'yo?"

Natigilan ako sa sinabi niya.

"Oh bakit?" Naiiritang reaksiyon niya nang napansin niyang sinamaan ko siya ng tingin.

"Walang gumagalaw sa 'kin kundi ikaw, Jon."

"Sinungaling." Bulong niya.

"Ano?!"

"Wala. Huwag ka mag-alala babalik tayo ng linggo nang umaga, para makapunta ka diyan sa kung anong kumpromiso mo na wala naman yatang kuwenta."

Shit naman talaga 'tong lalakeng 'to. Kung alam lang sana niya na para sa 'kin, 'yung kumpromiso ko sa center ang pinaka may kuwentang ginagawa ko sa buong linggo.

"Bakit ba kailangan mo pa 'kong isama? Sa'n ba tayo pupunta? Anong meron?" Tanong ko.

"May conference ako sa Palawan sa Sabado ng umaga."

"Ano naman ang partisipasyon ko sa conference meeting mo?"

"Putang ina Abigail, bakit ba ang dami mong tanong?"

"Bakit kasi hindi mo na lang sagutin? Oras ko kasi ang pinag-uusapan natin dito."

"Bakit? Magkano ba ang oras mo. Di ba sabi ko babayaran kita kahit hindi ka magtatrabaho ngayong weekend. Biyernes ng hapon ang alis natin."

"Hindi naman pera ang tinutukoy ko. Marami din kasi akong ginagawa, kaya gusto kong malaman kung ano ba ang partisipasyon ko do'n at kailangan mo pa 'kong kasama."

"I need you to warm my bed at night."

Sinasabi ko na nga ba.

"Marami ka namang babae di ba? Bakit kailangan ako pa ang isama mo?"

Sinamaan niya ako ng tingin.

"Eh sa ikaw ang gusto kong laspagin ngayong weekend bakit ba? Magkano ba ang oras mo?"

Aba't ang walanghiyang 'to.

"Putang ina mo. Bakit ba parati mo akong pinepresyuhan? Ano ako, prosti?"

"Ang dami mo kasing satsat." Bulong niya.

"Kung meron man akong perang nanggaling sa bulsa mo, 'yun 'yung pinaghihirapan kong kitain sa bar mo." Mahina ang pagkakasabi ko no'n; nakayuko. Yumuko ako para maitago ko ang nagbabadiyang pagtulo ng aking luha. "Mahirap lang ako, ulilang lubos, nag-iisa sa buhay at parating nagigipit, pero hindi ako mukhang pera."

Hindi pa rin siya nagsalita.

Tumayo na ako't ambang aalis nang nilingon ko siyang muli.

"Sasamahan kita, kung talagang ako ang gusto mo akong makasama. Pero sa isang kundisyon. Huwag na wag mo akong pepresyuhan! Huwag niyo rin akong babayaran ni sir Bernard ng sweldo kung hindi naman ako nagtrabaho. Unfair 'yan sa mga katrabaho ko. Ayoko ng gano'n." Iniwan ko siyang walang kibo.

Tarantadong walanghiya. Pasalamat siya mahal ko siya. Kaya't kahit halos babuyin na niya ang pagkatao't pagkababae ko, hindi pa rin ako umaalis sa kanyang tabi.

Punyetang puso naman kasi 'to. Magmamahal na rin lang sa maling tao pa.

[ITUTULOY]

The Broken Man [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon