KABANATA 25

233K 2.2K 54
                                    

Abigail's P.O.V.

Eto na naman. Sa pangalawang pagkakatao'y ginising ako ng nananginip na si Jon.

"Huwag po, Mama," Aniya, "Huwag niyo po akong ikulong. Aaahhh! Tama na po, aaahhhh! Maawa na po kayo aaahhh."

"Jon?!" Tinapik ko ang kanyang pisngi. Nang hindi pa rin siya natatauha'y dinoble ko ang tapik, "Jon?! Jon, gising!" Kinapa ko ang kanyang leeg, pinagpapawisan siya nang malamig.

"Parang awa niyo na Mama, huwag niyo akong saktan. Nagugutom lang po ako. Hindi na po ako uulit."

Huh? Ano bang napapaniginipan nitong si Jonathan? Diyos ko, bakit ayaw niyang magising?

"Jon Gising!" Sinigawan ko na siya sa tenga; niyugyog ko na rin siya nang bahagya.

"Huh?!" Sa bigla niyang pagbangon. Nanlalaki ang kaniyang mga mata, hinahabol ang paghinga.

"Sandali, kukuha lang ako ng tubig." Ang advantage ng maliit kong apartment, ang bilis kong nakakuha't nakabalik. "Parati mo ba talagang napapanaginipan ang Mama mo?"

Natigilan siya. Hindi siya makatingin sa 'kin.

"I don't mean to meddle, Jon. Pero, pangalawang beses na kasi 'to."

"H-hindi naman. Salamat sa tubig. Halika, matulog na tayo." Ipinatong niya sa side table ang baso bago ito muling nahiga.

"Hindi mo man lang ba ise-share sa akin ang napanaginipan mo?"

"H-ha? W-wala 'yun, panaginip lang 'yun. H-hindi ko na nga masyadong maalala kung ano ang eksaktong napanaginipan ko. Halika na Abby, mahiga ka na rito sa tabi ko. Matulog na tayo."

Nice one Jon, but I have bad news for you. I'm not stupid. Pero paano ba mapapaamin ng isang abogado ang isang taong may itinatago, para magsabi ng totoo?

Ask the right questions , Abby.

"Anong ginawa sa 'yo ng Mama mo, Jon?"

Hindi siya sumagot, bagama't dinig na dinig ko sa katahimikan ng gabi, ang bumibilis niyang paghinga; alam kong narinig niya ako.

"Sinaktan ka ba niya? Ikinulong? Ginutom?"

Hindi pa rin siya nagsalita. Pero naririnig kong mas lalong nag-aabot-abot ang kanyang paghinga--to the point na tila nanginginig na ang kanyang buong katawan.

"Answer me, Jon!"

Hindi pa rin siya sumagot. Tumagilid siya nang patalikod sa 'kin; niyakap ko naman siya mula sa kanyang likuran.

"I love you." Bulong ko sa kanya. "Hindi na kita pipilitin... good night."

Hinawakan niya ang aking brasong nakapulupot sa kanyang bandang tiyan.

"I love you too, Abby." Bulong niya, "Good night."

Something is definitely wrong with Jon. Hindi ako nakatulog sa pag-iisip ko sa mga pangyayari. I know in my heart that the only way I could be at peace again is to find things out, myself.

***

"Good morning, Abby!" Bungad ni Jon sa akin kinaumagahan. Mukhang inunahan talaga niya ako sa paggising. "I made some breakfast."

The Broken Man [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon