KABANATA 40

205K 1.8K 43
                                    

Jonathan's P.O.V.

"Ibig mong sabihin, lahat ng nagreklamo nasupalpalan lang ng pera?" Tanong ni Jason kay Luke.

Ako ang nagpatawag sa kanila pero napagkasunduan naming kina Bernard na lamang kami magkita-kita; ayaw kasi nitong maiwang walang kasama ang kanyang misis na si Maggie. Kapapanganak pa lamang kasi nito sa kanilang panganay. Bukod pa sa may nakaamba ring panganib sa kanilang pamilya. May problema rin kasi si Bernard sa kanyang bayaw at dating matalik na kaibigan ng si Mike. Kasama rin dati namin 'yun sa Barkada no'ng kulehiyo, bagama't kahit kaila'y hindi ko 'yon nakasundo. Adobe kasi sa tigas ang pagmumukha no'n eh. Akala mo kung sinong bigatin kung makaasta, samantalang para lamang naman siyang isang butiking nagpapanggap na buwaya. Pasalamat siya't consistently akong kinakausap ni Bernard na 'wag na siyang patulan, dahil kung ako lang ang masusunod? Matagal ko na siyang pinitik.

Oo. 'Yun lang si Miguel "Mike" Pascual para sa 'kin... Isang pitik.

"Oo." Sagot ni Luke, "Paano naman kasi, puro katulong at mga ordinaryong tao lamang ang binibiktima ng mag-amang 'yun. Natural, sa hirap ng buhay ngayon, napapayag nila ang mga ito sa malaking cash settlement."

Nakikinig lang ako sa usapan nila, habang nag-iisip ng paraan kung papa'no ko mababawi si Abby sa tarantadong 'yun, kasama na rin 'yung, kung pa'no ko na rin pagbabayarin ang mag-amang 'yon sa kanilang mga krimen.

"May nabanggit sa akin si Maggie," Pagsingit ni Bernard, "Ex pala ni Carlos ang isa sa kanyang mga kabarkada. Nananakit daw talaga 'yun, kaya na-trauma nang husto ang kabarkada niya to the point na madinig lang ang pangalan ni Carlos eh naghi-hysterical na. Ang trip daw ng taong 'yun eh 'yung dumadaing sa sakit ang kahit sinong nakakatalik."

Bumilis ang pagtibok ng aking puso. Parang tambol ito sa lakas ng bawat pintig.

Kung sila na nga ni Abby, nagtalik na kaya sila? Sinasaktan kaya siya nito habang ginagawa nila 'yun.

Shit! Putang ina! Ang hirap isipin. Nagbablangko ang utak ko! Guilty rin kasi ako sa minsang pananakit sa kawawang Abby ko. Kaya nalilito tuloy ako ngayon kung sino ang gusto kong suntukin, ang sarili ko d, o si Carlos?

"Pasensyahan tayo Luke," Seryosong direkta ko kay Luke, "Alam kong may atraso rin ako kay Abby, pero oras na malaman kong sinaktan niya si Abby... papatayin ko siya!"

Hindi sumagot si Luke, bagama't alam ko namang naiintindihan niya kung ano ang pinanggagalingan ng matinding poot sa aking dibdib.

"So, ano ang plano mo, Jon?" Tanong ni Art.

"Ako na ang bahala kay Carlos," Kalmadong anunsiyo ko sa kanilang lahat, "Pero kailangan ko nang tulong ninyo kay Abby. Hindi kasi niya ako kinakausap eh. Pero kung ang isa sa inyo ang makakalapit sa kanya, para ipaalam ang mga bagay na 'to nang hindi nalalaman ng Carlos na 'yun, I will truly appreciate that. Iyon lang actually ang kailangan tulong ko mula sa inyong lahat. The rest, ako na ang bahala."

"Ako na ang kakausap kay Abby." Pagboboluntariyo ni Bernard.

Inaasahan ko na ang pagboboluntariyong 'yon ni Bernard. Siya lamang naman kasi, bukod sa 'kin, ang personal na nakakikilala kay Abby sa aming magkakatropa.

***

"Sundan mo kahit sa'n magpunta," Utos ko sa kausap ko sa telepono habang nagmamaneho ako papauwi galing kina Bernard. Kausap ko ang isa sa mga informant kong nakatokang magmatiyag sa mag-amang Buenaventura. Marami akong personally hired informant, bukod pa sa common informant namin ni Papa. Sila ang mga nagkakalap ng mga kung ano-anong bagay na gusto naming ipahanap. Pinasusundan ko sa kanya ang mag-amang Buenaventura. Isa lamang naman kasi ang naiisip kong dahilan kung bakit hanggang ngayo'y walang nagsusuplong sa katarantaduhan ng mag-amang 'yon. Iyo'y dahil sa walang sapat na ebidensyan laban sa kanila ang kanilang mga nabibiktima. Kung meron ma'y hindi sapat ang mga ito para maidiin sila nang husto.

The Broken Man [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon