KABANATA 27

219K 2K 57
                                    

Haplit sa likod ng buntot pagi mura niyang balat.

"Aray ko po, M-mama! Tama na po."

Tila hindi naman siya naririnig nito.

Muli siyang hinaplit nito sa likod ng mga hita. Lumatay agad ito sa lakas.

"Ahhhhhhh! M-mama!"

Tila hindi nito naririnig ang pagmamakaawa ng bata. Hinaplit muli nito ito sa likod, na ngayo'y nag-uumpisa nang magsugat.

"M-mamaa." Humihikbi ito.

Ilang haplit pa ang dinanas ng bata. Hanggang sa hindi na siya makadaing sa sobrang sakit.

Ito ang mapapala niya kapag nagkakasala siya sa mata ng kanyang ina, maliit man o malaki, walang ipinagkaiba, parehas lamang ang bigat ng parusa.

Matapos siyang hapliti'y ikinadena naman ang kanyang kaliwang binti sa kadenang nakakabit sa kamang papag. Kung hanggang kailan? Hindi niya alam.

***

Tila isang sakong bigas na bumagsak sa matigas na papag ang katawan ng bata.... daig pa nito ang isang malaking tipak ng karneng basta na lamang ibinalibag. Inihagis siya ro'n ng kanyang amain--ang kinakasama ng kanyang ina, matapos halos mawalan nang malay sa sobrang sakit ng katawan.

"Magtatanda ka na sigurong, Putang ina mo! Palamunin, pabigat at malas sa buhay. Tssss." Dinuraan pa siya nito sa mukha.

Hindi pa sila nakuntento, sinampal pa siya sa mukha ng kanyang ina.

"Sa uli-uli, pati mukha mo lalatayan ko na!" Matigas na pagbabanta ng sariling ina.

Ang kasalanan niya? Bumawas na naman siya sa diumano'y mamahaling biskwit dahil sa sobrang gutom. Buto't-balat na ito dahil minsanan na lamang siyang napapakain sa isang linggo. At sa minsanang iyo'y kaning baboy pa ito... tira-tira... mumo.

Anak sa pagkadisgrasya si Jonathan. Pagkadisgrasya dahil ginahasa raw diumano ang kanyang ina ng isang dayuhan. Isang foreigner na amerikanong puti na nakilala nito sa pinagtatrabahuhang beer house bilang waitress. Ilang beses siyang pinagtangkaang ipalaglag nito, ngunit hindi ito natuloy, dahil sa takot ng kanyang ina sa kumplikasyon.

Binuhay nga niya si Jonathan, pero mas masahol pa sa hayup ang pagtrato niya rito.

"Bakit ba hindi ka mamatay-matay?!"

'Yun ang madalas sabihin kay Jonathan ng kanyang ina. No'ng una'y nasasaktan siya, pero nang maglao'y nakasanayan na rin niyang marinig 'yon. Normal na sa kaniya ang makarinig ng pagmumura't pagsasambit ng malalaswang mga salitang numumutawi sa bibig ng kanyang ina't amain. Nakasanayan na rin niya ang tawagin siyang tanga, tarantado, walang kuwenta, walanghiya, walang silbi, pabigat at malas.

No'ng nabubuhay pa ang kanyang lola---ang ina ng kanyang ina, ay nasa maayos pa naman siya. Mahal na mahal siya nito't ipinagmamalaki pa sa mga kapitbahay dahil sa kanyang kaguwapuhang taglay. Hindi kasi ordinariyo ang hitsura ni Jonathan, dahil bagama't nakuha niya ang kanyang kayumangging balat sa kanyang ina'y nakuha nito ang hitsura, tindig, maging ang tangkad sa kanyang dayuhang ama.

The Broken Man [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon