KABANATA 22

248K 2.5K 219
                                    

Abigail's P.O.V.

Hay! Nakakapagod talaga ang mag-commute. Kahit isang subject lang naman ang ipinapasok ko'y talaga namang nakaka-stress ang traffic. Grabe, alas diyes ng gabi na ako nakarating dito sa bahay, samantalang kanina pang alas-otso natapos ang klase ko. Dumiretso agad ako sa shower pag-uwi ko. Mas natitiis ko pa kasi ang gutom kaysa sa lagkit ng aking katawan. Mabuti na lang at may left over pa ako sa adobong niluto ko kahapon nang tanghali, kaya't solve na ko do'n na maging kaulam ng bahaw.

I am a little tired, but too wound up to sleep. Kaya naman pabali-balikwas ako sa aking kama, while I was trying to sleep. Alam mo ba 'yung pakiramdam na, gusto nang magpahinga ng katawan mo, pero buhay na buhay pa rin ang isipan mo?

Sa gitna nang aking pagbabali-balikwas, ay nag vibrate ang aking cellphone sa side table.

I received a text from...Jon.

Jon: Buksan mo ang pinto, nandito ako sa labas.

Ah yun lang naman pala. Buksan ko lang daw ang pinto kasi nando'n siya sa labas?

W-we-wait, what?!

Hay naku, pagod na nga ang utak ko, kaya't kay tagal bago ko 'yon naproseso. Nang ma-realize ko kung ano ang sinasabi niya sa text, ay pumunta na ako sa pinto. Binukasan ito at , tada! Nandun nga si Jon. Nakasimangot ito. Nakabagsak ang balikat at may dala-dalang malaking maleta.

Maleta? Bakit may dala siyang maleta? Bakit siya may maleta ngayong disoras ng gabi? Sa'n siya naggaling, or should I say, sa'n siya pupunta?

"J-jon? A-anong ginagawa mo rito?"

Sa halip na sumagot ay pumasok ito't inilapag ang hawak na maleta sa tabi ng sofa. Umupo ito sa sofa't tinanggal ang kaniyang mga sapatos. Pagkatanggal niya ng sapatos ay may kinuha siya sa isang bulsa ng kaniyang maleta.

Tsinelas 'yun.

Tsinelas?!

Bakit siya nagti-tsinelas?

Magsasalita na sana ako nang hinubad na rin niya ang pants niya, kaya ngayo'y naka boxers shorts na lamang siya. Hinubad din niya ang kanyang polo shirt, at nagpalit ng comfortable cotton white shirt na kinuha rin niya mula sa kaniyang maleta.

"Halika na, tulog na tayo." Aniya.

Ano raw?

Nakita niya ang pagkunot ng noo ko. Dahil doo'y ngumiti siya't lumabas na naman ang lintek na pamatay na dimples niya.

"Hindi mo ba muna ipaliliwanag sa 'kin kung bakit ka naririto?" Tanong ko sa smiley-faced na poging nasa harapan ko.

"Simula ngayon, dito na ako titira."

Am I missing something here?

"A-ano?!"

"Ang sabi ko, simula ngayon, dito na ako titira. Halika na mahal, matulog na tayo. May pasok pa tayo bukas eh." Hinatak niya ako sa kuwarto't talagang nauna pa itong humiga. "Pero bago matulog hmmm..." Inamoy-amoy niya ako. "Let's make love muna." At sinimulan na niya akong halikan sa labi.

The Broken Man [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon