KABANATA 30

220K 2K 46
                                    

Jonathan's P.O.V.

We were both half-naked at nasa gitna ng aming paghahalikan nang biglang nag-ring ang kaniyang cellphone . Sa una'y hindi niya ito pinapansin, pero dahil pareho kaming nakukulili sa tunog, ay mas minabuti na niyang sagutin ito.

"Hello." Aniya.

Sinusulyapan ko ang kaniyang mukha habang buong lambing kong hinahalikan ang kanyang leeg; kasalukuyan siyang nakasaklang sa aking kandungan.

"Ha?!" Pabigla niyang sambit matapos may sabihin sa kanya ang kanyang kausap. Napatigil ako sa paghalik sa kanya't nag-aalalang pinagmasdan ang kanyang mukha.

"Oo sige kuya Obet, pupunta na ako diyan." Ibinaba na niya ng telepono't tiningnan ako.

"Anong nangyari?"

"J-Jon, pasensya na, pero kailangan kong puntahan ang Tita ko." Bumaba na siya mula sa aking kandungan. Tumayo ito, dinampot ang mga basa naming damit na nagkalat sa sahig at saka nagtungo sa may banyo para ilagay ang mga 'yon sa hamper. Matapos iyo'y kumuha ito ng dalawang puting tuwalya sa kanyang kuwarto't saka bumalik sa salas. Ang bilis niyang kumilos habang ako nama'y nakatulalang pinanonood siya.

"Jon, heto ang tuwalya para matuyo mo na ang buhok mo," Iniabot nito sa akin ang isang puting tuwalya. "Nasa kuwarto ko 'yung maleta mo," Dagdag niya "Malilinis ang lahat ng damit mo ro'n, ikaw na ang bahalang pumili kung ano ang gusto mong suutin." Nauna na siyang tumungo sa kaniyang kuwarto, sumunod naman ako't saka kami nagkanya-kanya nang bihis.

"Anong nangyari, Abby?" Isinusuot ko ang isa sa aking mga faded jeans mula sa aking maleta.

"Isinugod ang Tita sa hospital sa kabilang bayan, kailangan ko siyang puntahan."

"Sasamahan na kita."

Natigilan siya't sinulyapan ako.

"Ayokong makaabala sa iyo, Jon." Muli niyang itinuloy ang pag-aayos sa sarili.

"Hindi ka abala sa akin, Abby. Kung maari nga, kung nasaan ka, parati rin akong naroro'n."

"Are you sure?" Tumingin siya sa akin.

"Absolutely."

Pinanood ko ang kaniyang pagsusuklay sa haraman ng salamin. Ang ganda talaga niya kahit na gulo-gulo ang kanyang buhok. Ni hindi na niya kinailangang mag-make-up katulad ng ibang mga babae. Napakakinis ng kanyang balat. Mamula-mula ang kanyang mga labi't natural na kulay rosas ang kanyang magkabilang pisngi. Nginitian niya ako sa repleksyon namin sa salamin--nasa malayong likuran niya ako. Nahalata na niya siguro na nakatulala ako sa kanya.

Lumingon siya sa 'kin, kinuha ang hairbrush at saka naglakad papunta sa 'kin Pinaupo ako sa edge ng kanyang kama't saka inumpisahang suklayin ang aking buhok. Pangalawang beses na niyang ginawa ang suklayan ako na tila isang bata, ewan ko ba kung bakit, pero gustong-gusto ko talaga kapag ginagawa niya ito sa akin. Hinawakan ko ang kanyang magkabilang balakang, at saka niyakap nang mahigpit ang kanyang baywang.

I am really, really in love with this woman. No'ng nagkahiwalay kami nang mahigit sa dalawang linggo, no'n ko rin na-realize na hindi na ako makukumpleto kung wala siya sa buhay ko.

***

"T-Tita? Kamusta na po kayo?" Inakap niya ang kanyang Tita na nakahiga sa kama sa hospital.

"Maayos na ako, hija." Nakatingin ang kanyang Tita sa akin--na agad namang napansin ni Abby. "Sino siya, Abby?"

"Ah," Hinila niya ang braso ko, nagpakatianod naman ako, "Tita, ito nga po pala si Jon ka---"

"Kasintahan po niya." Sagot ko sabay abot ko sa kaniyang kamay para magmano.

The Broken Man [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon