KABANATA 48

201K 1.9K 181
                                    

Jonathan's P.O.V.

Hindi na lamang ako basag. Durog na ako ngayon. Ang sabi nila, kahit anong pilit na buuin ang isang basag na baso'y wala na rin namang silbi 'yon. Kaya't mas mabuti pang durugin na lamang ito, idarang sa apoy, tunawi't saka muling ihulma.

Sa bago kong hulma'y marami na akong nauunawaang hindi ko maunawaan noon.

Dati rati, tinatawanan ko lamang ang mga taong sentimental na tulad ni Papa. Na kahit anong pilit kong sabihin sa kanya na humanap na ng makakasama niya nang mawala na si Mama'y mas minabuti pa niyang tumanda na lamang nang mag-isa. Noon, hindi ko maintindihan ang kanyang paninindigang ang Mama Linda lamang ang nag-iisang babaeng gusto niyang makasama. Na kung hindi rin lamang siya'y hindi na lang bale. Pero ngayon. Alam ko na. Naiintindihan ko na. Nauunawaan ko na ang kaniyang nararamdaman.

Bago ko makilala si Abby. Ang lahat ng bagay ay minamaliit ko lamang. Kahit nga siya'y minaliit ko rin. Lahat ng tao'y kinakayakaya ko lang. Maging siya'y kinakayakaya ko rin.

Napakadali sa akin no'n ang sirain ang buhay ng iba. Napakadali rin sa akin no'n ang manakit. Ayoko mang aminin pero...Tama si Helen.

Mayabang ako.

At ngayon nga'y pinagbabayaran ko nang mahal ang resulta ng aking kayabangan.

"Jon." Tinapik ni Papa ang aking balikat. Nakatulala na naman pala ako sa kawalan. "Anong plano mo rito?" Ang tinutukoy niya'y ang abong nasa Urn na hawak-hawak niya.

Tumingin ako sa paligid. Nagsisimula na palang magsialisan ang mga taong nakiramay. Ang naroro'n na lamang--na tila walang balak magsi-alis ay ang aking mga katropa; kasama ang kanilang mga asawa't nobya.

Lalo tuloy akong nahabag sa aking sarili habang pinagmamasdan ko sila.

"Gusto sanang pumunta rito ni Mike," Sabi ni Bernard. Tinatapiktapik nito ang aking balikat, "Para humingi raw sana ng tawad sa 'yo, pero nasa kulungan siya ngayon, nahulihan kasi siya ng apat na gramo ng shabu sa kanyang sasakyan. Hindi muna namin pinyansahan, para matuto ng leksyon."

Tumango lang ako. Ano pa ba ang sasabihin ko sa asungot na surot na 'yun? Bahala siya sa buhay niya! Katatawanan na lang siya sa amin. Ang galing umastang kontrabida, parati namang palpak. Palibhasa'y bobo. Tanga. Hunghang. Himbak. Nagaangas-angasan eh wala namang binatbat. Puro lang siya hangin.

"Jon," Sabi sa akin ng tita ni Abby. Kabuntot nito ang kanyang mga anak, maliban kay Obet. "Lakasan natin ang ating loob." Yumakap ito sa akin. Yumakap din naman ako pabalik, at nag-umpisa na naman ang pagtulo ng aking mga luha. "Alam mo kung saan kami pupuntahan..." Dagdag niya habang naghihiwalay ang aming yakap. "Tutuloy na kami."

Tumango lang ako't pinagmasdan ang kanilang paglisan.

"Jon..." Si Ella naman. Himalang malungkot ang ekspresiyon ng kanyang mukha para sa akin, "My condolences." Yayakap sana siya sa akin, pero pinigilan ko ito. Ayokong makipagplastikan sa kanya. Umalis na lang ito nang tahimik.

No'n ko lamang napansing nakapila na pala ang mga tao upang isa-isang magpaalam sa akin.

[Author's Note: Forbidden Love main characters]

"Jon..." Ani Samantha. Ang isa sa mga closest friends--with benefits ko dati. Kasama ang kanyang nobyong si Karl. Yumakap siya sa akin; kinamayan lang naman ako ni Karl. Umalis din sila pagkatapos.

Mahaba ang pila. Ang karamihan sa mga nakapila'y mga babaeng nagdaan sa akin no'n. Ang iba'y nagpapacute. Ang iba nama'y tila nagpaparamdam. May ibang nagpapadaplis, bagama't may ilan din namang totoong nakikiramay.

The Broken Man [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon