KABANATA 35

205K 1.8K 135
                                    

Abigail's P.O.V.

Hay naku! Kawawa naman si Carlos. Dahil sa akin kaya siya nasaktan, kaya naman minabuti ko nang magpaalam sa trabaho para ma-excuse ko ang sarili ko ngayong hapon. Maganda ang record ko sa aking attendance, at ito pa lang yata ang kauna-unahan kong request na mag-half day; kaya naman mabilis lang nila akong pinayagan.

"Huwag ka mag-aalala sa akin Abby. Hindi ako maglilihim sa iyo. Sanay ako sa basag-ulo." Tatawa-tawang confession ni Carlos habang nagmamaneho pauwi. Nagpagkasunduan naming do'n na lang muna kami sa Condo niya dumeretso.

"Paano ka naman nasanay sa basag ulo? Myembro ka ba ng gang?" Natatawa ako.

"I was a frat leader in college." Nakabungisngis ito.

Napalunok naman ako. Fraternity? Sa totoo lang, wala sa mukha niya ang basagulero. Ang amo kasi ng kaniyang mukha't, napaka-gentleman pa niya. Basta! Parang hindi bagay sa kaniya ang basagulero.

Pagkadating na pagkadating namin sa Condo niya'y ipinakuha ko kaagad sa kanya ang kaniyang first aid kit. Mukha ngang resilient sa pain itong si Carlos. Kahit na kasi nilagyan ko ng sandimakmak na alcohol ang sugat niya'y parang wala lang ito sa kaniya. Kung ako 'yun, nagsisigaw na siguro ako o dumadaing sa hapdi.

"Ang ganda naman nitong place mo." Iniikot ko ang mga mata't leeg ko para pagmasdan ang kabuuan ng kaniyang condo. May dalawa itong rooms, may living room, may bar, may kitchen na may island sa gitna, may dining at may balcony rin ito. Ang linis, na para bang hindi lalake ang nakatira. "Ikaw ba ang naglilinis dito?" Nakangisi ako.

"No. May housekeeper na ipinapahiram sa akin si Mama twice a week."

Ipinagpatuloy ko ang pagmamasid sa paligid.

"Ang suwerte mo naman, nandyan pa ang parents mo. Tapos, ang babait pa nila."

"Pwede ko naman silang ishare sa 'yo kung sasagutin mo ako." Nakabingisngis na naman ang poging tisoy.

"Bakit ka ba nagtatiyaga sa akin Carlos?"

"Ilang beses mo nang itinanong sa akin 'yan, hindi naman nagbabago ang sagot ko, 'di ba? Eh kasi nga, mahal kita."

"Mag-aanim na taon na, ibig sabihin ba no'n wala kang dinedate for 6 years?"

"I tried. I did. Pero the more I do it, the more na nagiging evident na hindi talaga ako magiging masaya kung hindi rin lang ikaw. Ikaw talaga ang gusto ko, Abby. Sana naman bigyan mo ako kahit isang pagkakataon lang."

Napabuntong hininga ako. Nahihiya kasi akong hingian pa siya ng kaunting panahon, samantalang ilang taon na ang pagtatiyaga niya sa akin. Pero sa kabila noo'y, parang hindi naman yata tamang kaka-formal break up ko pa lang kay Jon, ay sasabak na kaagad ako sa pakikipagrelasyon sa kanya. Carlos is too ideal para maging rebound ko lang.

"Ok. Give me seven days to take a breather and think." Nginitian ko siya.

Kumislap ang kaniyang mga mata. Ngumiti rin ito pabalik sa akin.

"I know I've already waited a few weeks short of six years already, but I think that 7 days will be the longest 7 days of my life."

We spent the whole afternoon para lang magkuwentuhan at magkakilanlan. Nalaman ko na ang paborito niya palang kulay ay Maroon. Na mahilig pala siya sa street food--which is kind of weird for a rich kid like him, na bukod pala sa kurso niyang Marketing ay graduate rin siya sa isang Culinary Arts school---kaya hindi lang siya marunong magluto kundii magaling siya magluto. Inamin niya na tatlo na ang nagiging nobya niya, pero ang tatlong 'yon ay may asawa't mga anak na. Nalaman ko rin na mas malapit siya sa kanyang Papa at idolo niya ito sa pagpapatakbo ng kanilang negosyo't pamilya. Nalaman ko rin na umiinom siya ng pa-kaunti-kaunti; bagama't hindi siya naninigarilyo. Na mas gusto niyang magbasa, kaysa manood ng T.V.

The Broken Man [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon