KABANATA 16

255K 2.5K 179
                                    

Abigail's P.O.V.

First time kong makakasiping si Jon ng buong magdamag. Kapag nagse-sex kasi kami never kami natulog o nagkuwentuhan man lang ng nakahiga o magkayakap pagkatapos. Pagkatapos naming mag-'ano', ang gusto niya sumibat kaagad.

Ang ganda ng kinuha niyang cottage dito sa Palawan. May balcony. Ang sarap ng simoy ng hangin; first time ko sa ganitong kagarang lugar.

"I want to fuck before we go to dinner." Aniya, matapos niyang ibaba ang cellphone. May kausap siya kanina.

Hanep din naman ang lalaking 'to. Kararating lang namin dito, ang gusto gano'n agad?

"M-magsa-shower lang ako." Sabi ko.

"Huwag na, alas otso na, gutom na 'ko. Mabilis lang naman 'to."

Nilapitan niya 'ko, binuhat at pagkatapos ay iniitsa sa kama. Dali-dali niyang binuksan ang kanyang ply, ibinaba ang kanyang zipper at saka inilawit ang 'kanya' sa butas ng boxers niya sa harap. Dinapaan niya ako nang hindi tinatanggal ang kaniyang shorts. Nakapalda ako, kaya naman hinawi lamang niya ang pundiyo ng panty ko. Walang foreplay, walang kissing, basta gano'n lang, kaya naman naiiyak na ako ngayon sa sobrang sakit.

"Putang ina Abby, ano ba?!" Hinugot niya. Napansin pala niyang umiiyak ako.

"Ang sakit eh."

"Bakit, virgin ka pa ba? Ilang beses na nating ginawa 'to ah. Putang ina! Alam na alam mong ayokong nabibitin, 'di ba?"

"Eh sa masakit nga eh. Sugat-sugat na nga yata ang ibaba ko sa kapupuwersa mong ipasok 'yang alaga mo nang hindi pa 'ko handa."

"Ang dami mong arte..." Muli siyang dumapa't pinuwersa ang kanyang sarili sa gitna ng aking mga hita. Nagpumiglas ako, pero ginamitan niya ako ng kanyang laki't lakas. Hindi ako sumuko, nagpupumiglas pa rin ako nang walang hinto. Nararamdaman ko ang higpit ng kaniyang pagkakahawak sa 'king mga braso't pati na rin sa aking mga hita. Natigilan lang ako sa pagwawala nang... sinampal niya ako.

Hindi pa nakuntento. Sinampal pa niya akong muli nang mas malakas pa sa una.

Sa sobrang lakas ng pangalawang sampal ay umikot ang aking paningin. Sa kabila ng aking pagkahilo'y naaaninag ko ang galit na galit niyang mga mata. Nalasahan ko ang dugong nagmumula sa aking pumutok na labi bago ako tuluyang nawalan ng ulirat.

Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza), 2013, All rights reserved.

Hindi ko alam kung gaano katagal akong nawalan ng malay. Pero paggising ko'y nasa kama pa rin ako. Nakaayos na ako't nakakumot. Dahan-dahan akong bumango't tumingin sa paligid.

Wala si Jon.

Papababa ako ng kama nang napansin ko ang mamula-mulang mga marka sa aking mga braso't hita. Napatingin rin ako sa salamin ng tukador na nasa malayong gilid ng kama. No'n ko lamang nakumpirmang pumutok nga ang left side ng aking lower lip. Nag-uumpisa na ring mangitim ang aking kaliwang pisngi.

Papunta ako sa banyo nang may narinig akong umiiyak sa loob. Dahan-dahan akong pumasok at iginala ang aking mga mata. Napansin kong may gumagalaw sa may shower area. Nahaharangan kasi ito ng transluscent glass kaya't hindi malinaw sa aking anggulo kung sino ang nasa loob.

Naglakas loob akong buksan 'yon hanggang sa unti-unting nang tumambad sa akin si Jon. Nakaupo ito sa isang sulok ng sahig. Soot pa rin niya ang damit na soot niya kanina; basang-basa na siya dahil sa nakabukas shower. Nakayuko. Nakaunat ang mga binti sa magkabilang direksiyon, habang ang kaniyang dalawang kamay ay nakalupaypay sa sahig.

Lumapit ako't pinatay ang shower. Lumuhod ako sa kabilang gilid niya't saka ko niyakap ang kaniyang leeg. Nang maramdaman niya ang aking ginawa'y inihilig niya ang kanyang ulo sa aking dibdib, bago niya ipinulupot ang kanyang mga braso sa aking baywang.

"I - I'm sorry A-abby. Hindi ko sinasadya." Humahagulhol niyang bulong. "You can hit me back if you want, you can kill me too if you want, basta't patawarin mo lang ako."

This is the first time I've seen him like this. Napaiyak na rin tuloy ako. Hinalikan ko ang kanyang bumbuna't hinaplos ang kanyang batok.

"I'm sorry din kung nagpupumiglas pa 'ko. Halika, Magbihis ka. Baka magkasakit ka."

Nagpakatianod siya sa paghila ko sa kanyang patayo. Hinubaran ko siya, tinuyo't binihisang tila isang batang paslit.

"Sabi mo kanina nagugutom ka na, kumain ka na ba?"

Umiling siya. "I'm sorry, Abby."

Matamlay pa rin siyang nakaupo sa gilid ng kama habang sinusuklayan ko ang kanyang buhok. Nakatitig ang malulungkot niyang mga mata sa pumutok kong labi; maging sa aking kaliwang pisnging nag-uumpisa nang magkapasa.

Matapos ko siyang suklaya'y hinawakan ko ang kanyang magkabilang pisngi, inilapit ang aking mukha't hinalikan siya sa labi.

"I forgive you, basta't huwag ka nang malungkot." Sabi ko.

Tumulo ang kanyang mga luha. Ang cute niya, ang hitsura niya'y tila isang batang humihikbi't nahahabag sa kanyang sarili. Lalo na nang kinusot niya ang kanyang mga mata.

"No, Abby. You can't just forgive me like that. I want you to punish me. Hurt me back. Please!" Tuloy pa rin ang pag-agos ng kanyang mga luha.

"I do not want to do that. I forgive you. Basta't huwag mo na lang uulitin."

"But why? Why do you have to forgive me that easy? Look at what I did to you. This is terrible. Why do you have to be this easy on me."

"Because I love you."

"B-but I-i don't love you, Abby."

"I know, and I don't expect you to."

Lalo siyang umiyak.

[ITUTULOY]

The Broken Man [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon