KABANATA 13

266K 2.4K 98
                                    

Abigail's P.O.V.

"Kuya Obet. Pasensya na ito lang ang inabot ng pera ko."

Bumili ako ng mga rekado para sa sopas, lugaw at pansit, para sa mga batang nagugutom na iniimbitahan namin linggo-linggo sa itinayo naming center—sa loob mismo ng depressed area sa aming lugar.

"Naku Abby, malaking bagay na ang mga 'to. Baka naman wala na namang natira sa 'yo. Namili rin ako ng mga gatas, juice at tinapay kanina. Sapat na siguro ang lahat ng mga napamili natin para sa pagpapakain natin bukas pagkatapos ng misa."

'Yun si kuya Obet; pinsang buo ko. Isa siyang semenarista. Ang sabi ni Tiya--ang kapatid ng Mama ko na siyang nagpalaki sa 'kin, fetus pa lamang daw 'tong si kuya Obet ay gusto nang mag-pari. Sa ultrasound daw kasi nito'y para raw itong nagdarasal. Ang sa 'kin naman... hindi ba't gano'n naman yata talaga ang usual na hitsura ng mga sanggol sa loob ng tiyan?

Matanda lang si kuya Obet sa akin ng dalawang taon. Magkasabay kaming lumaki't talagang magka-vibes. Pareho kasi kami ng pananaw sa buhay. Sila na ang kumupkop sa 'kin, simula nang pumanaw ang aking mga magulang.

Itinayo naming dalawa itong center simula nang lumipat ako rito sa kanilang lugar. Dito sa lugar na 'to na sila nakatira nina Tiya, simula nang lisanin nila ang lugar kung saan nila ako kinupkop no'n. Kaya naman para mas malapit na 'ko sa kanila'y dito na rin ako lumipat magdadalawang buwan na ang nakakalipas. Ang gusto nga nila'y sa kanila na lamang ako tumira. Ang kaso, masyado na silang siksikan do'n. Do'n din kasi nakatira lahat ang tatlo niyang mga anak, dalawang manugang, at anim na apo.

Ang center na aming itinayo'y para sa mga mahihirap do'n sa aming lugar; partikular na para sa mga bata. Nag-iipon kami ng pondo buong linggo para makapagpakain, makapag-distribute ng kaunting groceries at bigas sa mga taong nakitra do'n. Ginagawa namin 'yun pagkatapos ng misa sa kapilya.

"Oo nga pala, may nag-donate sa 'tin ng dalawang kaban ng bigas at tatlong kahong de lata.."

"Talaga? Sino?"

"Si Carlos, 'yung manliligaw mo."

"Ha?"

"Mukhang nagpapalakas ah."

"Kailangang bayaran natin siya mula sa pondo, kuya. Ayokong mahaluan ng kung ano ang misyon natin."

Tumango si kuya Obet. Alam naman niyang 'yon ang tama. Ayokong gamitin ng kahit sino man ang adhikain namin para sa kanilang mga personal na interes.

***

Alas-sais ng hapon nang magsimula akong bumyahe pabalik sa bar. Medyo ma-traffic kaya naman alas-siete y medya na ako nakarating. Mabuti nama't pumasok na yung mga nag-call-in kahapon. Hindi ko na kasi kayang ulitin ang hirap namin ni Jeff kagabi.

Busy akong naglalampaso nang may biglang may humatak sa 'kin mula sa aking likuran. Si Jonathan. Kinaladkad niya ako sa madilim na stockroom, at nang makarating doo'y bigla na lamang niya akong pinaghahalika't hinubaran.

Eto na naman kami.

Ewan ko ba. Alam ko namang katawan ko lang ang habol niya, pero hindi ako makatanggi sa kanya. Kahit iniinsulto niya ako't minamaliit--katulad kanina, gusto ko pa rin siya. It's either, sira na nga ang ulo ko o mahal ko na siya. It could be both. Siraulo lamang naman kasi ang magpapakagagang magmahal ng taong hindi naman siya mahal.

The Broken Man [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon