KABANATA 26

221K 2.1K 146
                                    

Abigail's P.O.V.

As expected, napaaga ako. One hour pa bago ang actual scheduled time ko, kaya't minabuti ko na munang tumambay sa isang coffee shop na pinakamalapit sa Firm.

Ok na rin 'to, para may pagkakataon akong makapag-isip.

"Abby?!" Tinig iyon na nagmumula sa aking gilid.

"Oh, Carlos, ikaw pala."

Si Carlos Buenaventura. Isa sa masusugid kong manliligaw—maybe for five to six years na. Nagkakilala kami sa isang orphanage--where his family was a benefactor. Guwapo naman siya, mayama't mabait. Pero dahil din nga sa 'mayaman' siya, feeling ko, gold digger ang dating ko kung sasagutin ko siya.

May dala siyang isang malaking cup ng kape't isang donut. Agad siyang umupo sa aking harapan--ear to ear ang ngiti.

"Araw-araw ako rito pero ngayon ka lang yata nagawi rito ah." Aniya. "Wala ka bang pasok?"

"Meron, pero masyado pang maaga. Ikaw? Dito ka rin ba sa area na 'to nagtatrabaho?"

"Diyan lang, a block away from here. Yup, I can say that... do'n ako sa office ni Papa."

"I see."

"Abby, bakit mo binayaran ang mga pinadala kong bigas sa center?"

"Alam mo na ang sagot diyan, Carlos."

"Si Papa't Mama ang nagbigay sa no'n, hindi ako, kaya't medyo nagtampo sila."

"B-bakit naman ako bibigyan ng mga magulang mo ng gano'ng donasyon, gayung hindi ko pa naman sila nakikilala pa nang personal?"

"Hindi mo pa sila nakikilala kasi hindi mo pa ako sinasagot, Abby. Pero kilala ka nila, alam nilang ikaw ang nililigawan ko. At bilib sila sa ginagawa mo sa mga mahihirap do'n sa lugar niyo. Nagsimula rin kasi sila sa wala."

"P-pakisabi pasensya na. Ayoko kasing mahaluan ng kung ano ang adhikain namin ni kuya Obet."

"Nagtatampo man sila pero lalo mo silang napabilib, Abby. Madalang na raw ang babaeng katulad mo kaya naman..." Napakamot siya sa ulo. "Huwag ko raw titigilan ang panliligaw ko sa 'yo hangga't hindi kita napapasagot. Ang sabi ko naman sa kanila, wala naman talaga akong balak tumigil kahit hindi pa nila sabihin."

Oh my. Isa rin kasi itong si Carlos sa mga iniiwasan ko dahil ubod din ng guwapo. 'Yung tipo bang mangitian lang ako'y baka mapasagot ako nang hindi oras, at makalimutan kong iniiwasan kong magka-boyfriend ng ubod nang yaman.

Simpleng tao lang ako, if I have a choice, ang gusto ko, simpleng tao rin lang ang makakapareha ko sa buhay. 'Yung tipo bang, sabay kaming aangat sa pagtutulungan, 'yung sabay kaming magsusumikap na maka-ahon sa kahirapan.

Maganda ang tindig ni Carlos. Maganda ang pangangatawa't magaling manamit. Hindi siya kasing tangkad ni Jon, pero matangkad din siya. Probably 5'9" to 5'10"? Ewan ko ba, kakapiraso naman ako pero puro matatangkad ang nagpapahara-harang boylet sa aking harapan.

"Ano ba ang nakita mo sa 'kin, Carlos? Mas di hamak namang mas maraming magagandang nagkakagusto sa 'yo."

Hinawakan niya ang kamay ko.

The Broken Man [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon