Aenna Halter POV
"60.."
"61.."
"Aenna!"
Napatigil ako sa pagtetreadmill ng may tumawag sa pangalan ko. Nilingon ko ang babaeng umistorbo sa pag-ggym ko.
"Ano?!" Nakakunot noong sigaw ko. Badtrip talaga! Ayaw na ayaw kong nauudlot ang pageexercise ko!
"Sorry sa istorbo, pero bes! Yung pusa nyo namatay na!" Nagsusumamong sabi nya at mangiyak ngiyak pa.
Wtf? Wow bes!
"Pake ko?" Walang emosyong sabi ko.
"Pake mo?! Hoy Aenna! Nakakabwisit! Ang baho baho! Masangsang kaya! Ilibing mo yun o di kaya itapon mo sa malayo!"
Lalo akong namangha. Akala ko pa naman pet lover sya, nababahuan lang pala.
"Bakit ba namatay?" Nagtatakang tanong ko.
Di ko naman talaga pusa yon. Napadpad lang sa bahay ko. Hindi ko nga yon pinapakain kaya bakit mamatay? Malusog naman yon bago ko umalis kanina para mag-gym.
"Aba malay ko! Pinakain ko na nga e! Tas biglang bumula yung bibig!"
Napatitig ako sakanya. Nagtataka naman syang sinalubong ang tingin ko.
"Oh bakit ganyan ka makatingin?"
"Ano bang pinakain mo?" Seryosong tanong ko.
"Pinagbibintangan mo ba kong nilason ko ang pusa mo?!" Nakakunot noo nyang tanong. Dinuro pa ko.
Doon ako nainis.
Tinampal ko ang kamay nya, hindi lang yung simpling hampas. Alam kong malakas yun.
"Wag mo kong maduro duro dahil hindi tayo close at hindi kita ka-ano ano. Ikaw ang maglibing dahil ikaw lang naman ang nagpapakain don. Sa bahay ko lang yun namemeste pero sayo kumakain. Kaya kung mamatay yun wala akong pake. At hindi kita pinagbibintangan pero masyadong kang halata kaya hindi na talaga kailangan."
Pagkatapos ng mahabang litanya ko ay nilagpasan ko sya at dumiretso sa shower room.
Naligo ako at nagpalit ng damit. Nagsuot ako ng puting v-neck t-shirt at pantalon. Sinukbit ko ang gym bag ko at lumabas ng gym.
Paguwi ko sa bahay ay naamoy ko agad ang masangsang na amoy. Punyeta!
Nilapitan ko yun kung saan nagmumula. Nasa bakuran yun ng bahay ko. Nakahandusay sa bermuda at lawit ang dila. Nilalanggam na din.
Napailing na lang ako. Hindi naman mamatay yan kung walang lumason. Siyam ang buhay ng pusa diba? Kaya hindi yan mamatay basta basta ng pisikal lang. Tiyak nilason yan o di kaya ay nalason.
Pumasok ako sa bahay ko at kumuha ng gloves, facemask at sako. No choice, ako parin ang may responsibilidad sa pusang to.
Shinoot ko sa sako yung matigas na bangkay ng pusa saka ko sinabit sa bike ko at nagbike sa kung saan pwedeng ilibing ang pusang to.
Napadpad ako sa dulong bahagi ng baranggay namin papunta sa bukid. Siguro naman pwede na dito no? Wala naman na sigurong makakaamoy nito dahil sobrang layo na nito sa mga bahay bahay.
Naghukay ako gamit ang pala na dinala ko. Nang medyo malalim na ay nilagay ko na doon ang sako na may lamang pusa saka tinabunan ulit ng lupa.
Nakakalungkot din pala, yung pusang yun lang kasi ang kasama ko sa bahay ko, namatay pa.
Paepal na kapitbahay, nakuha pang magalit sakin e kasalanan naman nya. Che!
Umupo ako saglit dahil sa pagod, kakagym ko lang kaya!
BINABASA MO ANG
The game begins in 3, 2, 1
Mystery / ThrillerAll rights reserved© 2017. Mewijoyx. Photo credits to the owner.
