Trellis Ceylon POV
What the hell! What the hell! Gusto ko ng umuwi at tulungan nalang si Daddy na gumawa ng effort para kay Mommy! Fck this!
Akala ko ay mageenjoy ako sa larong ito pero mukhang hindi. Hindi ko maimagine yung ginawa kanina ng Aenna na yon, kingina baka mamaya mamali sya ng gupit. Bakit ba naman kasi doon pa nakasulat ang pangalan ng lalaking yon? Ano bang nangyayari?
Akala ko pa naman ay magaganda at sexyng babae ang makakasama ko, magaganda nga pero puro naman amazona! Baka pag pinormahan ko ang isa sakanila makatikim pa ko ng sampal. Tsk!
Napatingin ako sa wall clock na nakasabit sa kwarto ko. Alasnuwebe na. Wala pa kaming isang araw dito pero suko na agad ako.
Bumangon ako at lumabas ng kwarto. Dumiretso ako sa kusina dahil nagugutom na ko. Hindi pa ko nagtatanghalian at late pa ko kakain ng hapunan. Kung nasa bahay ako pinagalitan na ko ni Mommy, tsk.
Pagdating ko dun ay may isang malaking mangkok na may takip, bunuksan ko yun at nalanghap ko ang amoy ng nilagang baboy.
"Sino kaya nagluto nito?" Mahinang bulong ko.
Minicrowave ko muna dahil malamig na. Nang mainit na ay nagsimula na kong kumain. Infairness masarap.
Natigil ako sa pagnguya ng bigla pumasok si Geyser West sa kusina.
Tinignan nya lang ako ng blangko at kumuha ng plato, kutsara at tinidor. Umupo sya sa harap ko at nagsimulang kumain.
"Sinong nagluto nito?" Tanong nya, pero hindi sakin nakatingin, sa pagkain.
"Ewan ko. Ininit ko lang yan, nadatnan ko nalang dyan kanina." Seryosong sabi ko.
Hindi na sya nagsalita kaya hindi narin ako nagsalita. He's too mysterious. Silang tatlo nina, Wayne at Iona ay misteryoso masyado. Walang mababakas na emosyon sa mga mata nila at napakalinis kung kumilos.
"Staring is rude, you know." Napagitla ako ng bigla syang tumingin sakin at tinaasan ako ng kilay. Amf anong iniisip ng mokong na to?!
"Hoy hindi ako bakla no!" Nakakunot noo kong sabi sakanya.
"What?" Nakataas parin ang kilay na sabi nya.
"Yon ang iniisip mo diba? Pero nagkakamali ka dahil hindi ako bakla!"
"Wala akong sinasabi at wala akong iniisip. Ang sabi ko lang 'Staring is rude, you know.' What the hell napaghahalataan ka." Ngumisi sya at tumayo na.
"I'm done. At hindi tayo talo." Ngumisi sya pagkatapos ay umalis na.
"Fckyou!" Mahinang sigaw ko at nag middle finger sa doorway ng kusina na para bang nandoon pa sya. Tsk.
Hindi man lang naghugas ng pinggan!
Kinuha ko ang kinainan nya at kinainan ko saka ko inilagay sa sink. Bubuksan ko na sana ang gripo kaso may nakasulat doon na isang kataga.
"Don't open, It might kill you." Mahinang basa ko.
It might kill me? Patawa to, bubuksan ko lang mamatay na agad ako? Tsk ibang klase. Maniniwala ba ko sa ganito? Pano kung uhaw na uhaw na kami at wala ng tubig sa ref? Hindi parin kami iinom? At anong purpose ng lababo dito kung hindi gagamitin. Kingina ha.
Binuksan ko ang tubig at dahan dahang tumulo ang tubig mula doon. Tinapat ko ang plato at nakahinga ako ng maluwag ng wala namang nangyaring kung ano. Hindi naman nalusaw o nabasag.
Tinapat ko ang isang daliri ko sa tubig at halos mapasigaw ako ng makaramdam ako ng sobrang hapdi! Wth! Puro dugo agad ang buong kamay ko kahit maliit lang ang sugat. Fck
"AHHHHH!"
"Shit! May sign na kasi bakit binuksan mo pa?!" Napatingin ako kay Iona na hawak ang kamay kong nagdudugo. Sobrang hapdi!
"Anong nangyayari dito?" Napatingin kami sa doorway ng pumasok si Lake at Ashant.
"Let's talk about that later. We need to cure his wound!" Hinala ako ni Iona papunta sa lab at pinaupo nya ko sa hospital bed.
"Ahh!" Napasigaw ako at napakapit ako sakanya ng bigla nalang nyang buhusan ng sangkatutak na alcohol ang kamay ko.
"Araaay! Bakit mo ginawa yun?! Fck ang hapdi!" Nakakunot noong sabi ko habang nakakapit sa braso nya at nakapikit. Shit ang hapdi talaga!
"Huminto na sa pagdugo." Napadilat ako at napatingin sa daliri ko. Napailing ako sa nakikita ko. Fck!
"You should know how to obey warning signs." Nakakunot ang noong sabi nya sakin.
"What happened?" Napatingin kami sa anim na pumasok at lumapit samin. Si Wayne ang nagtanong.Tinaas ko ang hintuturo ko na kita na ang laman at halos mapudpod na. Shit
"Yuck!" Nakakunot ang noo sabi ni Aenna.
"Bakit nagkaganyan yan?" Nagtatakang tanong ni Gello.
"Hindi ko rin alam." Nagkibit balikat ako.
"There's a warning sign but he refuse to obey so that's the consequence." Walang emosyong sabi ni Iona.
"What warning sign?" Geyser.
"Don't open, It might kill you." Nakakatawa man pero ng banggitin yun ni Iona ay nanindig ang balahibo ko sa katawan. Nakakatakot, para bang sya mismo ang nagsulat noon at kailangang sundin.
Napatingin ako sa anim na nakatayo sa harap ko. Katulad ko ay para silang namutla at may takot sakanilang mga mata.
"That's the sign."
"O-okay. Pero bakit naman bawal yong gamitin at buksan? At paanong nagkaganyan ang daliri nya e tubig lang---" hindi natapos ni Wayne ang sinasabi nya dahil bigla syang natulala. Sinundan namin ng tingin ang tinitignan nya at napakunot noo ako ng makita ko ang tabletang hawak ni Tonio kanina.
"P-posible kayang.."
"It's posible. I-test natin ang tubig at ang likidong yan." Napatingin ako kay Geyser ng kunin nya ang isang lab gown at nagsuot ng gloves.
"Don't seal your wound, baka lalong lumala." Napatingin ako kay Gello ng magsalita sya habang nakatingin sa sugat ko.
"Tama sya. Wag mong kukulubin." Sang-ayon ni Aenna.
Si Iona ay nakatayo lang sa tabi ko habang pinapanood ang anim na tinetest ang tubig at ang likidong nasa tableta.
"What do you know?" Seryosong tanong ko. I know she know something. And that something will save us from death. This is not a simple competition game. Ito ay isang laro na buhay ang nakataya.
"I know nothing."
"You're lying."
"Magtatanong ka tapos pag sinagot ka di ka maniniwala. You know what? Talk to my hand." Tinapat nya sakin ang kamay nya at saka nagwalk-out palabas ng lab.
BINABASA MO ANG
The game begins in 3, 2, 1
Mystery / ThrillerAll rights reserved© 2017. Mewijoyx. Photo credits to the owner.