Ashant Clooney POV
"Nasan ako?"
Inilibot ko ang paningin ko at halos masilaw ako dahil sa liwanag. Pumikit ako at dahan dahang dumilat, nang masanay sa liwanag ay tinignan ko ang buong paligid.
Nasan ba ko?
"Lake?" Mahinang tawag ko.
Bumangon ako sa pagkakahiga sa kama, sinilip ko kung nasa ilalim sya pero wala.
Walang gamit sa paligid, nagiisa lang yung kama na nasa gitna. Pabilog ang kwartong to. Ano bang gagawin ko dito?
Nagulat ako ng biglang bumukas ang pinto sa harapan ko, doon ay iniluwa si Lake na? Parang lasing...
"Lake? What happen to you?" Nag-aalalang tanong ko.
Tumingin sya sakin at halos mapaatras ako ng makita ko ang hawak nya.
"Lake bakit may hawak kang kutsilyo?!" Naguguluhang tanong ko.
What the hell! Anong ginawa nila kay Lake?!
"Lake ako to si Ash! Wag kang magpalason sa kung ano mang itinurok nila sayo! Lake!"
Napatakbo ako ng mabilis syang sumugod papalapit sakin at winasiwas nya ang hawak nyang kutsilyo. Mabilis ko yung iniwasan.Dahil sa sobrang lakas at bilis nya ay maririnig mo ang tunog ng kutsilyo pati narin ang mabilis na paghinga ko.
"Lake please!"
Mahigpit kong hinawakan ang kamay nya at pilit na tinatanggal ang kutsilyo. Pero hindi ko nagawa.
"Ahh!"
Sa huli ay ako parin ang nasugatan. Nahiwa ang tatlong daliri ko at talagang masakit pero hindi ko inalintana yun dahil si Lake ang kailangan kong pagtuunan ng pansin.
"Lake! Ano ba!"
Sa inis ko ay sinipa ko sya at sinampal. Fck kahit masakit at mahirap para sakin, gagawin ko to para lang bumalik sya sa dati.
"Lake please come back.." Hinawakan ko ang pisngi nya at naramdaman ko ang pag-agos ng luha sa mata ko.
Hindi ko maatim na isipin na si Lake ang papatay sakin. At ngayong nasasaksihan ko at nararanasan, sobrang sakit at hirap paniwalaan.
"I love you, Lake." Hinalikan ko sya sa labi pero hindi rin nagtagal dahil naramdaman ko ang kutsilyo sa braso ko.
Napaatras ako at napatulala sakanya. Tinignan ko ang braso kong may nakatusok na kutsilyo, tumatagas na ang dugo. Pero parang wala man lang akong naramdamang sakit.
"Lake? Para ba makaligtas ka ay kailangan mo kong patayin? Sige payag ako. Pero hindi ngayon, hindi ngayon na may itinurok sila sayo at hindi mo ko kilala. Not now.. So please Lake...come back.." Umiiyak na usal ko at lumuhod.
Hindi ko sya magawang sisihin sa pag-aya nya sakin dito. Papayag naman talaga ko e, nagpapakipot lang ako. Gusto ko rin pero kung alam ko lang na kailangan palang ganito ang mangyari, sinusumpa ko, mamatay ang nakaisip ng larong to.
"Ahh!" Napasigaw ako ng tanggalin ko ang kutsilyo sa braso ko.
"Kung kaya mo kong patayin, ako hindi. Dahil ang pagmamahal ko sayo ang papatay sakin."
Lumapit ako sa kama at hinati ang bedsheet nun gamit ang kutsilyo. Pinagdugtong ko ang hating bedsheet, binuhol ko sa dulo.
"I will never love this way again. Ikaw lang Lake, ikaw lang." Nakangiti ngunit umiiyak kong sabi.
Nilapitan ko sya, nakatulala lang sya sakin at walang emosyon. Blangko ang paningin.
"Ahhh!" Napahawak ako sa braso ko ng kumirot yun. Pumunit ako ng kapiraso sa bedsheet na hinati ko at binuhol yun sa sugat ko. Hindi pa man nagtatagal ay kumatas na agad ang dugo doon.
"No! Hindi ako pwedeng manghina!" Umiling ako at mabilis na lumapit kay lake. Pumunta ako sa likod nya at binuhol ang kamay at paa nya.
"I'm sorry Lake. Promise pag bumalik ka na sa dati, babawi ako. Sorry.." Umiiyak sa sabi ko at niyakap sya.
Blangko parin ang mga mata nya at wala parin syang alam sa nangyayari.
"Ouch!" Napatingin ako sa braso ko na puro dugo.
"Fck fck fck!" Hinanap ko ang bag namin pero wala akong nakita kundi ang kama lang na wala ng bedsheet. At ang unan.
"Ang unan!"
Pinilit kong tumayo at lumapit sa kama. Umupo ako doon at kinuha ang unan. Tama ako!
Binuksan ko ang punda ng unan at bumungad sakin ang sandamakmak na bulak. Sa loob noon ay may betadine, alcohol at gasa.
Tinanggal ko ang telang nasa braso ko at sinimulang linisin ang sugat ko.
"Ahhh! Araaay!" Napaluha ako ng buhusan ko ng alcohol ang braso ko.
Fck sobrang hapdi!
Nang makuntento ay pinunasan ko ng bulak ang dugo. Nang malinis ko na ay naglagay ako ng betadine sa bulak at tinapal yun sa sugat ko.
Pinaikutan ko yun ng gasa hanggang sa maubos. Pinunasan ko ng bulak na may alcohol ang buong braso ko upang mawala ang mga dugo.
Lumapit ako kay Lake na nakatulala parin at wala sa sarili.
"I love you Lake. Please say you love me too.."
Sumandal ako sa balikat nya at pumikit. Naghihintay na bumalik sya sa dati at makalabas sa seldang to.
"Ash.." Napadilat ako at napaayos ng upo ng bigla syang magsalita. Pagtingin ko kay Lake ay may luha sa mga mata nya.
"Lake?" Pinunasan ko gamit ang palad ko ang luha sa mata nya.
"Ash I'm sorry... Sorry... Hindi dapat nangyari to kung--"
"Shh.. It's okay.. Everything will be fine." Nakangiti kong sabi.
Niyakap ko sya at napaiyak nalang ako.
"Bumalik ka." Mahinang bulong ko.
"Iloveyou Ash." Mahinang bulong nya.
He loves me.
"Iloveyou too." Nagsusumamong wika ko.
Tumayo ako at kinalagan sya sa pagkakatali.
"We survive." Bulong nya.Napatingin naman ako sakanya ng may pagtataka.
"What do you mean?"
"Nalagpasan natin to. Let's wait for the others."
"Ha? Bakit? Pano mo nalaman na may iba pa?"
"Pinaghandaan ang larong ito Ash, siguradong may kalaban at kalaro tayo. Now kapag nakita na natin sila. Ako lang ang pagkakatiwalaan mo. Okay?"
Kahit nagtataka ay tumango ako.
"Kung hindi natin to nalagpasan, isa satin ang mamatay. So thankyou, you saved us Ash." Nakangiti nyang sabi.
"No. Our love saved us." Nakangiti ko ring sabi at niyakap sya.
![](https://img.wattpad.com/cover/97192623-288-k158818.jpg)
BINABASA MO ANG
The game begins in 3, 2, 1
Misterio / SuspensoAll rights reserved© 2017. Mewijoyx. Photo credits to the owner.