Ang mga naiwan sa loob ng bahay ay nakahinga ng maluwag ng makaligtas si Geyser. Naguluhan na naman sila ng biglang magblack out ang monitor.
Mga ilang minuto bago ito muling bumukas. Makikitang nakatayo si Gello sa gitna ng madilim na kwarto. May pitong target na nakahilera at si Gello ang nasa gitna. May apat na target na nakapalibot kay Gello. Sa itaas ng kanyang ulo, sa magkabilang gilid at sa ibaba ng kanyang ari.
Si Geyser naman ay kinakabahan habang nakatingin sa dagger na nasa harapan nya. Pumikit sya ng mariin at nagsign of the cross. Nagsimulang tumunog ang timer. Meron lamang syang tatlong minuto para tamaan ang lahat ng target.
Sinimulan ni Geyser ang anim na target bago ang pang pito na kinalalagyan ni Gello. Madali nya lamang natamaan ang anim ng target.
Nang dumating na sa panghuling target ay meron na lamang isa't kalahting minuto si Geyser. Tumatagaktak ang pawis nya dahil sa kaba at ganoon din si Gello.
Ang ibang kalahok naman na naiwan sa bahay ay mga nagpipigil ng hininga dahil sa kaba. Nagdadasal sila ng tahimik na sana ay hindi masaktan si Gello.
Pumikit ng mariin si Geyser at kumuha ng dagger. Pinikit ang isang mata at tinantsa ang dagger sa mismong target. Inuna ni Geyser na targetin ang nasa ilalim ni Gello.
Tagaktak ang pawis nya ng binalibag at binitawan nya ang dagger.
"Oh shit!" Narinig nyang sigaw ni Gello.
Sakto sa target ang dagger. Nakahinga ng maluwag si Geyser. Buti na lang ay may experience sya sa ganito kaya naman medyo kampante sya. At kailangan nyang iligtas si Gello dahil niligtas sya nito.
Kumuha muli ng isa pang dagger si Geyser at tinantsa ang target na nasa kanang gilid ni Gello.
"Ahhhhh!"
"Shit! Sorry Gello!"
Hindi sumakto ang dagger sa mismong target at nadaplisan ang braso ni Gello. Malakas ang tagas ng dugo at mahahalata mo sa mukha ni Gello na sobra syang nasaktan.
"Ituloy mo. Ayos lang ako." Nakapikit na paghihintulot ni Gello kay Geyser.
Nagseryoso si Geyser at tinantsa muli ang kanang target pero tumunog ang timer na naghuhudyat na meron na lamang isang minuto si Geyser.
Lalong kinabahan si Geyser at mabilis na kinuha ang dagger.
"Shit wag syang magmadali! Baka pumalpak sya!"
Biglang sigaw ni Ashant habang nanonood. Nakatayo na silang anim at hindi mapakali.
Ngunit nakahinga ng maluwag ang lahat ng tamaan ni Geyser ang target.
"45 seconds." Mahinang bulong nya.
Kumuha syang muli ng dagger at tinantsa ang kaliwang target. Pumikit sya ng mariin at mahinang nagdasal saka binitawan at binalibag ang dagger.
"Wooh!"
Nakahinga sya ng maluwag ng hindi masaktan si Gello at sakto mismo sa target ang dagger.
Napapikit rin si Gello at napabunga ng hininga, iniinda ang sakit sa kanang braso.
"25 seconds."
Tinignan mabuti ni Geyser ang target at sobrang lapit nito sa ulo ni Gello, kapag nagkamali sya ay mapapatay nya si Gello at mamamatay rin sya dahil kapag namatay ang isa ay damay damay na.
Pumikit sya ng mariin at inalala ang Mommy nya. Kailangan nyang makalabas ng buhay at kailangan nyang mabuhay. Inisip nyang sya ang nakatayo sa target at nag-aagaw buhay roon.
Pagdilat nya ay sya ring pagbitaw at pagbalibag nya ng dagger. Slowmotion ang lahat ng pangyayari.
Ang pagbigkas ng oras.
Ang dahan dahang paglipad ng dagger sa ere.
Ang paghinga ng anim na kalahok.
Ang pagdilat ni Gello.
Ang pagtulo ng pawis ni Geyser.
At ang pagtarak ng dagger sa target.
"Wooooh! Yesssss! Nakaligtas sila!"
Nagtatalon sa tuwa si Ashant at Aenna. Napangiti at napabuga ng hininga naman ang apat.
Ganon din si Gello na nakangiti habang nakapikit. Si Geyser naman ay napaupo at napangiti.
"Nakaligtas kami!" Sigaw nya at nilapitan si Gello.
Kinalagan nya ito at inalalayang makalabas sa madilim na kwartong iyon. Nagblack out narin ang monitor na nasa sala.
Nagabang ang anim na kalahok sa pinto upang salubungin sila Gello at Geyser.
Pagbukas ng pintuan ay inalalayan agad ng dalawang lalaki sila Gello at Geyser. Dinala nila ito sa lab at pinahiga sa hospital bed na nandoon.
Nagsuot ng lab gown ang anim. Sinimulang gamutin ni Iona si Gello.
"Wala naman akong sugat. Magpapahinga nalang muna ko." Tumayo si Geyser at lumabas ng lab.
"Kami din lalabas muna." Lumabas na sina Lake at Ashant. Naiwan si Wayne, Aenna at Iona.
"Arghh!" Nahawakan ni Gello ang kamay ni Iona para pigilan ito.
"Sorry."
Nakapikit si Gello at iniinda ang sakit at hapdi.
"Go on."
Nilinis ni Iona ang sugat ni Gello. Nang matapos linisin ni Iona ay nakatulog na pala ito. Kaya naman lumabas na ang tatlo at hinayaang magpahinga si Gello.
Nang papunta na sila sa kanilang kwarto ay narinig nilang nagtatalo si Lake at Ashant sa sala.
"Ano ba Lake! Hindi mo kasalanan!"
"Kasalanan ko! Kung hindi kita pinilit, hindi sana natin mararanasan to!"
"No. Sinabi ko naman sayo diba? Nagpapalambing lang ako nong panahong yon pero sasama naman talaga ko!"
"I'm sorry."
"No no no... We will survive, okay? Makakaligtas tayo. Kakayanin natin yang dalawa." Nakangiting sabi ni Ashant sa nobyo.
"I love you."
"I love you too."
Bago pa makita ng tatlo ang hindi nila dapat makita ay pumasok na sila sa kani-kanilang kwarto habang napapangisi at napapailing dahil sa nasaksihan.
Nang magbitaw si Lake at Ashant ay umupo sila sa couch at napaisip.
"Paano kung hindi tayo makaligtas?" Mahinang tanong ni Ashant.
"Goodbye, World." Pabirong sagot ni Lake.
"Tss." Singhal ni Ashant.
"Hahaha! Wag mo kasing isipin yon. Makakaligtas tayo, remember, Our love will save us." Sabay kindat nito.
Napangiti si Ashant at nilapitan si Lake upang halikan.
"I need you." Nakangising sabi ni Lake at kinagat ang pangibabang labi ni Ashant.
"I need you too. Pero walang kwarto dito." Malungkot na sabi ni Ashant.
"Shh.." Ngumisi si Lake at nilagay ang hintuturong daliri sa bibig ni Ashant.
Tumayo sila at hinila sya ni Lake sa kusina. Nilock ang pinto at sabik na hinalikan si Ashant.
"Seriously Lake Astaire? Sa kusina talaga? Hahahahaha!"
"Shut up!" Nakangisi nitong tugon at hinalikan syang muli.
***
Okay, uwian na. 😂

BINABASA MO ANG
The game begins in 3, 2, 1
Mystère / ThrillerAll rights reserved© 2017. Mewijoyx. Photo credits to the owner.