57

7 2 0
                                    

Aenna Halter POV

"Argh!"

Napahawak ako sa ulo ko dahil masakit. Shit! Pagdilat ko ng mata ko ay nagulat ako sa bumungad sakin. Isang lalaking nakangiti at madilim ang awra.

"What the? Sino ka?!" Sigaw ko at tumayo.

Shit! Masakit talaga ang ulo ko peste! Ang alam ko nanghula ako ng code kanina tapos bumukas tapos nakalimutan ko na sunod na nangyari! Bigla nalang kasi akong nawalan ng malay.

Tumawa ng nakakaloko ang lalaking ito at dahan dahang lumapit sakin.

Pucha ano bang balak nya?!

Sinuri ko ang mata nya. Walang emosyon at parang wala sa sarili. Ibig sabihin...

"May itinurok sila sayo! Hoy hunghang! Gumising ka!" Nilapitan ko sya at pinagsasampal. Pero ganon parin nakangiti parin sya at walang emosyon.

Nagulat ako ng mariin nyang hawakan ang dalawang kamay ko at isinandal ako sa pader. Nanlaki ang mata ko ng bigla nya kong halikan!

Fck! Sinipa ko sya at sinuntok.

Parang hindi sya nakaramdam ng sakit kahit may dugo sa gilid ng labi nya. Ngumiti sya sakin at tumawa.

"Hoy gago ka ah! Bakit nanghahalik ka!? Fck you!"

Nilapitan ko sya at sinuntok ulit. Naiinis ako e! Kung wala sya sarili nya aba pababalikin ko diwa nya! Punyeta!

Sinuntok ko sya ng sinuntok pero nakakainis dahil nakangiti parin sya! Argh kainis!

"Tuwang tuwa ka pa ah? Ganito na lang, tutal nakakainis na yung pagmumukha mo susuntukin kita ng susuntukin hanggang sa pumangit ka! Tapos pag bumalik ka na sa dati syempre magagalit ka. HAHAHAHA ang talino ko talaga!"

Ngumisi ako at ginawa ang ginagawa ko sa gym. Ginawa ko syang punching bag. Umariba ako at sinuntok sya, minsan sipa.

"Yah!"

Tinadtad ko sya ng suntok sa mukha at sa tyan. Ngayon ay gumegewang gewang na sya. Ha! Buti naman! Pagod na ko!

"Instant exercise din to! Kaya ko pa!" Pageencourage ko sa sarili ko.

"Hiyaaah!"

Suntok

Suntok

Sipa

Sipa

Suntok

Suntok

Sipa

Sipa

"Wooh!"

Napasalampak ako ng bumagsak sya sa sahig.

"Fck you sa nakaisip ng larong to!" Sigaw ko at tinaas ang kamay kong naka dirty finger.

Sumandal ako sa pader at naghahabol ng hiningang tinitigan ang lalaking nakahandusay sa sahig.

Ano kayang tinurok sakanya? Mukhang nakakagago dahil wala talaga syang emosyon at blanko ang mukha.

Nilapitan ko sya at napatakip ako sa bibig ko.

Dahan dahan kong tinapat ang isang daliri ko sa ilong nya. At nakahinga ako ng maluwag.

"Shit akala ko patay na!"

Kinabahan ako don! Phew!

Kahit hirap ay hinila ko sya para maisandal ko sya sa pader. Nang masagawa ko ng maayos ay kinuha ko ang first aid kit ko sa maleta ko.

The game begins in 3, 2, 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon