59

9 2 2
                                        

Lake Astaire POV

"Ash! We need to find this place!"

"Ih Lake! Baka naman hindi yan totoo! Wag na!"

Napasimangot ako at tinitigan ng mabuti ang itim na papel na hawak ko. Napulot ko lang to sa daan. Alam ko naman ang pakiramdam ng hindi pinapansin so pinulot ko. Lol.

"Tara na kasi Ash! Minsan lang tayo uuwi ng Pilipinas e, sulitin na natin. Malay mo masaya diba?" Paguudyot ko sakanya.

Gusto ko talagang sumali at gusto ko ring umuwi ng Pilipinas. 5 years na kaming hindi nakakauwi sa bansang sinilangan namin. Tsk.

"Ayoko talaga, Lake." Seryosong sabi nya.

"Ikaw bahala Ashant Clooney, ako? Uuwi ako ng Pinas. Dito ka magisa." Nakataas ang kilay na sabi ko.

"Argh! Nakakainis ka! Ang sama sama mo! Ganun ganon mo lang ako iiwan?! Your so bad Lake! Argh---!"

Hinawakan ko ang kamay nyang may unan, pinaghahampas nya kase ko. Niyakap ko sya ng mahigpit at hinalikan sa noo.

"Sumama ka na kasi, promise it'll be fun." Bulong ko.

"Sasama naman talaga ko, nagpapakipot lang ako."

Doon ako natawa. Ibang klase talaga ang girlfriend ko. Tsk. Hahaha

"Iloveyou, Ash." Nakangiti kong sabi at mabilis na hinalikan sya sa labi.

"Iloveyou too, Lake." Hinalikan nya din ako kaya napangiti akong lalo.

Adventure with my girl! Wooh!

Gello Swayze POV

Tinitigan kong mabuti sa malayo ang babaeng pinasusundan sakin ni Master. She look pissed and angry. May hinagis syang papel at nakuha non ang atensyon ko. What's that?

Nandito ako ngayon sa balcony ng kwarto nya, maingat syang pinagmamasdan na nagiimpake ng damit. Saan ba sya pupunta? Maglalayas?

Nang lumabas sya ng kwarto nya ay mabilis at maingat akong pumasok sa loob at kinuha sa sahig ang kulay itim na papel na tinapon nya. Hindi naman nya siguro mapapansin na nawawala yon dahil mukhang wala syang pake.

Lumabas ako ng kwarto nya, dumaan ako sa balcony nya at tinalon ang kabilang balcony. Doon ang unit ko. Pinasadya pa yun ni Master para daw madali kong mamanmanan ang pinababantayan nya. Mukha tuloy akong secret spy slash stalker. Tss.

Pagpasok ko sa kwarto ko ay nilock ko ang pinto sa balcony at sinarado ang kurtina. Binuklat ko ang itim na papel. Nagtatakang binasa ko yun at napataas ang kilay ko.

"Anong klaseng laro to?"

Wala sa sariling nasabi ko.

Napailing ako at lumabas ng kwarto ko. Dumiretso ako sa opisina ni Master.

Nang bumukas ang sliding door na bakal ay pumasok ako sa loob. Iba agad ang ihip ng hangin, pinaghalong mainit at malamig. Hindi na naman ako komportable psh.

"What do you need, Gello?"

"Here." Inilapag ko sa desk nya ang papel na nakuha ko.

"Nakuha ko yan sa kwarto ng pinamamanmanan nyo. Mukhang aalis sya dahil nagiimpake sya ng damit. Sasali yata sya dyan."

Nagtaka naman ako ng bigla syang ngumiti.

"Sundan mo sya." Nakangiti nyang sabi.

"Ha?" Nagtataka kong tanong.

"Follow her."

Nagtataka man ay tumango ako.

"Okay."

"Sumali ka din sa larong yan. Hindi ba't gusto mong makapagtapos ng pag-aaral? This is your chance."

"Sabagay, sige. Mauna na ko."

Tumalikod na ko at kumaway patalikod.

Aaryn Wayne POV

"Hoy nerd, gawa mo nga akong assignment!"

Hinarang ako ng isang babaeng matangkad at mukhang maldita. Hinagis nya sakin ang notebook nya.

"Ayoko." Mariin akong kumapit sa bagpack ko.

"Anong sabi mo?!" Bigla ay sinampal nya ko. Napabaling sa kaliwa ang mukha ko.

Masakit ah!

Inayos ko ang eyeglass ko at ang buhok ko. Tiningala ko sya at sinamaan ng tingin.

"Pag sinabi kong ayoko, ayoko!" Mariin kong sabi at sinampal din sya. Dalawang beses ko syang sinampal.

Bago ko umalis ay tinapakan ko ang notebook nyang nasa lupa. Dumumi yon. Lumapit ako sakanya at bumulong.

"Nagkamali ka ng binangga mo." Nakangisi kong sabi at nagsimula ng maglakad palayo.
Nasa garden kami at classhour na kaya walang nakakita.

I'm not nerd. Akala lang nila yun dahil nakasalamin ako. Malabo lang talaga ang mata ko, mas gusto ko ang nakasalamin kaysa nakacontact lens. It won't make sense. Gagastos lang ako.

Kanina bago ko umalis ay palihim kong kinuha ang itim sa papel sa bulsa ng babaeng yun. Nakuha non ang atensyon ko, makintab kasi.

Kinuha ko yun sa bulsa ko at binuklat. Napangiti agad ako ng mabasa ko ang 1 million at Charity. Kalokohan, sino na naman kayang demonyo ang nagorganisa ng ganitong klase ng sindikato?

Napangiti ako, mukhang bagong adventure at kaso na naman to!

Third Person POV

Nakangiting pinagmamasdan ni Cage Eire ang walong kabataan na naglalakad papunta sa lokasyon.

"Sinasabi ko na nga ba, sabay sabay silang darating." Nakangiti nyang sabi habang tinititigan isa isa ang CCTV.

"Magaling magaling!" Pumalakpak sya ng dahan dahan at pinindot ang pulang button. Sa monitor ay makikita kung paanong dahan dahang bumaba ang walong pathway na daraanan ng walong kalahok.

Nang makarating sa lokasyon na kung tawagin ay Circle instart na agad ni Cage ang unang round ng laro. They need to survive or else they'll die.

Ang magkasama sa unang round ay si Aenna Halter at Geyser West, Iona Eire at Gello Swayze, Ashant Clooney at Lake Astaire, Aaryn Wayne at Trellis Ceylon.

Kailangan nilang malagpasan ang nakaatas na laro. Ilusyon o hindi? Dapat na pag-isipan kung makatotohanan o laru-laro lang.

The game begins in 3,2,1...

The game begins in 3, 2, 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon