51

13 1 1
                                        

Aaryn Wayne

Una pa lang ay nahihiwagaan na ko dito kay Iona Eire. Mukhang katulad ko ay may alam din sya, yun nga lang ay natitiyak kong mas marami syang alam. Sa edad nya marunong syang magautopsy?

Hmm..

Lumipas ang mahigit tatlong oras bago namin matapos ang pag-oautopsy sa bangkay.

"May hibla ng sinulid sa loob ng bibig nya, posibleng may nilunok syang tela." sabi ko.

Nilagay ko sa tapat ng microscope ang sinulid at sinilip.

"Shit!" Napalingon ako kay Iona ng may nakaipit na nakatupig tela sa parang tsani na hawak nya.

"Let me see." Nilapitan ko sya at kinuha ang tela. Nilapag ko yun sa lamesang may ilaw sa ilalim.

"Ano yan?" Nagsilapitan na pala silang anim.

Sa tela ay may nakasulat na acronym siguro ng pangalan.

CRCNGN

"CRCNGN? Anong ibig sabihin non?" Nagtatakang tanong ni Aenna.

"The tablet." Narinig kong bulong ni Iona.

"Anong meron don?" Nagtataka kong tanong.

"Excuse me." Hinawi nya sa daan si Gello Swayze at pumunta sa harap ng likidong hawak ng lalaking iyon.

Tinaas nya yun at tinutok sa ilaw.

"What the fck!" Mahinang singhal nya.

"Hey, bitch. Speak!" Naiinip na sigaw ni Lake.

"Shut up!" Nakunot ang noo na sigaw ni Iona.

"What's wrong?" Mahinahon kong tanong.

"CRCNGN means Carcinogen. Tinanggal lang ang mga vowels. Alam nyo ba ang carcinogen?" Lumamlam ang mga mata ni Iona.

"Carcinogen is any subtance that can cause cancer." Pabulong ngunit alam kong narinig nila na sabi ko.

"Bakit namatay kagad sya kung ganon?" Nagtatakang tanong ni Geyser.

"May sugat sya sa noo, maliit lang at halatang bago. Sigurado akong malalim yun dahil yun lang naman ang nakita kong sugat sa katawan nya. At base sa autopsy namin ang ikinamatay nya ay too much alcohol, namamaga ang liver nya dahil napapalibutan ng taba. At hindi nyo ba napansin? Malaki ang tiyan nya." Seryosong sabi ni Iona at nilapag ang tableta.

"Ngayon ang kailangan nalang nating alamin ay kung ano ang pangalan nya. At kung para saan ang tabletang ito." Dagdag nya pa.

"Very good! Very good!" Narinig  namin ang mabagal na pag palakpak ng announcer.

"I will give you twenty seconds to know his name."  Bigla itong humalakhak.

"Fck!"

Mabilis kaming lumapit sa bangkay at tinignan ang buo nyang katawan. Wala naman syang tattoo.

"20..."

"Shit! Boys baliktarin nyo ang katawan nya!" Natatarantang sabi ko.

"19..."

Mabilis naman nilang ginawa ang sinabi ko at nang makita ko ang likod nya ay wala rin syang tattoo kahit isa.

"18..."

"Fck fck!" Inis na sabi ko.

Napatingin ako sa tatlong babae na nakatulala at mga nagiisip.

"17..."

The game begins in 3, 2, 1Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon