58

6 2 1
                                        

Third Person POV

Nakasimangot na nagdire-diretso sa paglalakad si Aenna Halter sa madilim na pathway.

"Bakit ba kasi pumunta pa ko rito?" Naiinis na tanong nya sa sarili.

Naiinis sya dahil makati ang dinaanan nya kanina dahil gubat iyon at puro talahib. Ngayon ay nasa pathway nga sya pero madilim naman at wala syang makita, kailangan nya pang mangapa upang hindi mauntog.

Wala syang choice kundi ang sumali sa larong sa tingin nya ay kalokohan dahil wala syang matitirahan, nangungupahan lang sya at pinalayas na sya ng may-ari dahil daw hindi sya nakapagbayad.

"Pag napanalunan ko'y isang milyon, bibili talaga ko ng bahay at lupa!" Inis na sabi nya at tinuloy ang pangangapa.

Sa kabilang dako ang pitong natitira ay katulad din ni Aenna na nangangapa sa dilim.

Iona Eire POV

Nanggigil na nagmadali ako sa paglalakad. Napakahusay ng huklubang iyon! Anong pakulo na naman ang hantungan nito?

Nang makarating ako sa dulo ay bumungad sakin ang isang code lock. Anong code nito?

Hinawakan ko ang bilog at sinubukan ang birthday ko. Hindi bumukas. Ano bang password nito? Leche!

Nanlaki ang mata ko ng makita ko ang isang timer sa gilid, 56 seconds nalang ang natitira!

Isip!

Isip!

Isip!

Aaryn Wayne POV

Nang makarating ako sa hantungan ay naisip ko agad na may code ekek. Kaya naman pinagisipan ko kung ano ang password.

Nang mailagay ko ay napangiti ako ng unti unting bumukas ang pintuan.

Ashant Clooney POV

Shit! Nasan ba kasi si Lake? Kanina lang magkasama kami e! Bigla nalang syang nawala nung pumasok ako sa pathway na to!

Nang makarating ako sa dulo ay bumungad sakin ang pintong may code? What the hell! Hindi ako manghuhula!

Naiinis na tinry ko ang pumasok sa isip ko.

"Ayaw talaga! Shit!"

Pinagtatadyakan ko ang pinto. Napatingala ako ng biglang may tumunog.

Nanlaki ang mata ko ng makita ko ang isang timer. Shit!

"5.."

"4.."

Bigla ay pumasok sa isip ko ang nakita ko sa itim na papel.

Nakahinga ako ng maluwag ng bumukas ang pinto. Shit muntik na!

Lake Astaire POV

Fck! Nahiwalay si Ash kanina sakin ng pumasok kami sa pathway, akala ko bumitaw lang sya sa kamay ko. Magkaiba pala kami ng pinasukan! Pucha akala ko kasi iisa lang yun, magkahiwalay pala. Madilim kasi e.

Nagtaka ako ng makakita ako ng pinto na may bilog sa gitna, sa paligid nun ay may mga number. Shit kailangan ng code!

Isa lang ang pumasok sa isip ko. At tama nga, dahil bumukas ang pinto.

Geyser West POV

Ginamit ko ang flashlight ng cellphone ko para tingnan ang daan at kada hakbang ko ay may magkakadikit na number akong natatapakan. Sa una kong tapak kanina ay magkakadikit ang 60,59, at 58.

Akala ko ay trip lang nung gumawa pero naging clue yun sakin para bilangin ang hakbang ko. Nang makarating ako sa 6,5 at 4 ay inilawan ko ang tatlong hakbang na natitira. Hiwa-hiwalay na. Sa pang 58 kong hakbang ay natapakan ko ang 3 at pang 59 ang 2 at ang huli ay ang pang 60 kong hakbang natapakan ko ang 1.

Saktong pagtapak ko sa 1 ay narinig ko ang mahinang tunog, tinignan ko ang pinto at nakita ko ang maliit na timer. So magsisimula ang timer kapag natapakan mo na ang 1. At kaya may timer dahil kailangan mabuksan ang pinto ng isang minuto lang.

Dahil alam ko naman ang code ay tinitigan kong mabuti ang pinto at ang code lock. Mukhang hindi lang to basta  bastang laro.

Nang mabuksan ko ang pinto ay namangha agad ako. Mukhang pinaghandaan.

Trellis Ceylon POV

Pucha! Hindi ako bakla ah, pero takot talaga ko sa dilim! Kainis! Ngayon ay naglalakad tuloy ako habang nakapikit. Binilisan ko ang lakad ko at talaga namang nagtaasan ang balahibo ko dahil naririnig ko ang yabag ng paa ko. Fck.

Nang makarating ako sa dulo ay nakahinga ako ng maluwag dahil may dim light na nakasabit.

Napataas naman ako ng kilay ng makita kong may code lock pa. Napangiti naman ako at tinitigan ang itim na papel na hawak ko. At tama nga! Ang talino ko talaga!

Gello Swayze POV

What is this all about? Fck sinusundan ko lang kanina yung babae na yun e! Pero bigla syang pumasok sa isang pathway kaya pumasok din ako, akala ko nakasunod lang ako sakanya pero bigla ay hindi ko na sya makita dahil madalim. Tinakbo ko ang pathway pero isang pintong may codelock lang ang nakita ko.

Ano kayang code nito?

Nanghula ako ng nanghula pero ayaw parin. Bigla ay naalala ko yung itim na papel. Nagliwanag agad ang isip ko at inikot ang code lock para ilagay ang code.

Tadaah!

Brilliant Gello!

Third Person POV

Napangisi si Cage Eire ng sabay sabay ding nabuksan ng walo ang pinto. Mahuhusay!

"3, 2, 1!" Sabay sabay na bigkas ng walo at sabay sabay ding pagbukas ng pintuan.

Tinitigang mabuti ni Cage Eire ang apat na kwarto na kinaroroonan ng walo. Nakahandusay silang lahat at walang malay.

Pagkabukas nila ng pinto kanina ay naamoy agad nila ang pampatulog kaya naman wala silang malay. Sabay sabay din silang gigising pag katapos lumabas lahat ng hangin na may pampatulog.

"Umaayon ang lahat sa plano, Magaling!" Nakangisi niyang sabi at ngumiti.

Isang ngiting demonyo.

The game begins in 3, 2, 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon