Third Person POV
"They all survive, Master." Pagaanunsyo ng lalaking nakaatas sa mga pintuan.
"Open the doors." Nakangising wika ni Cage Eire.
"Yes, Master." Magalang nitong sagot at pinindot ang button na magbubukas sa apat na pintuan.
Sa monitor ay makikitang sabay sabay na nagulat ang lahat at sabay sabay na napangiti at lumabas ng silid.
Pagkalabas nila ay hile-hilera agad silang walo. Nagtitigan ang lahat, nangingilala.
Para silang nasa ibang bansa dahil umuulan ng yelo at may nagiisang malaking bahay na kanilang titirahang lahat.
Tinitigan ng walo ang paligid. Wala silang nakikita kundi yelo at ang bahay.
Binasag ni Ashant Clooney ang katahimikan.
"Uhh.. I'm Ashant Clooney. Ash for short." Naiilang na pagpapakilala nito at isa isang nakipagkamay sa anim na kalahok. Maingat nyang ipinirmis ang brasong may sugat upang hindi kumirot at sumakit. Napansin yun ng lahat.
Sumunod na nagpakilala ang kanyang nobyo.
"Lake Astaire. She's my girl." Tinuro nya si Ashant Clooney na nasa kabilang dulo na. Tinitigan nya rin isa isa ang tatlong lalaki na para bang sinasabing 'Back off'.
Napangisi naman si Geyser West dahil sa inasal ni Lake Astaire.
"Geyser West." Tinitigan nya lang isa isa ang lahat saka tinanguan ang mga ito. Kapansin pansin ang mga sugat at pasa nya sa mukha. Nagtaka ang lahat dahil doon ngunit walang nagtanong.
"The name is Aenna Halter." Tinaas ni Aenna Halter ang kanyang kamay na animong sya lang ang nagiisang tao na ganon ang pangalan.
"Iona." Matipid na pagpapakilala ni Iona Eire.
Doon naman napangiti si Cage Eire ng makita ang pagkailang ng anak anakan nya. Nag-iingat itong banggitin ang buong pangalan dahil sa takot na malaman ng mga kalahok nya ang nalalaman nya.
Mas lalo pang lumawak ang ngiti nya ng makita ang inosenteng si Gello Swayze.
"I'm Gello. Gello Swayze." Yumuko ito ng bahagya at sumunod kay Iona.
Napangiti pa lalo si Cage Eire dahil sobrang inosente ng batang Swayze. Ni hindi man lamang ito nagtatanong kapag inuutusan nya ito. Basta ay sumusunod lamang sa lahat ng iuutos nya. Ni hindi nga nito alam na anak anakan nya ang minamanmanan. At hindi rin nito alam ang pangalan ng minamanmanan, ngayon palang.
Ngiting ngiti namang nakipagkamay at nakipagkilala si Trellis Ceylon. Ito ay sa kadahilanang sabik syang ibigay sakanya ni Aaryn Wayne ang kanyang gusto.
"Trellis Ceylon, Miss." Wika nya sa mga babae sabay kindat.
"Trellis, pre." Kapag sa mga lalaki.
Napairap naman si Aaryn Wayne sa kaabnormalan ni Trellis.
"Wayne." Nakangisi nyang sabi, hindi man lang tinignan ang bawat isa. Nakayuko syang naglakad papunta sa dulo.
Hindi nya gustong sabihin ang totoong pangalan dahil alam nyang may nakakarinig sakanila.
"So Wayne, did you know that I'm excited?" Nakangising bulong sakanya ni Trellis.
"Of course I know. It's obvious." Walang gana nyang sabi.
"Hahahaha!" Mahina nitong tawa.
Natahimik silang lahat ng bigla silang nakarinig ng pag 'tic tac' ng orasan. At ang pagihip ng hangin na para bang umuulan pero hindi.
"What was that?" Nagtatakang bulong nya.
"Kamusta players?" Kinilabutan sya ng marinig ang boses na yaon. Malaki at nakakatakot, nakakasindak.
"Since kilala nyo na ang isa't isa sa pangalan , maari na kayong pumasok sa Circle House."
Circle House? Circle ba yan? Patriangle yan e. Sa isip isip ni Trellis.
Ang malaking bahay ay halatang maitim ang awra at siguradong maraming kababalaghan dahil kulay itim at gawa sa kahoy.
"Don't you dare show any emotion to your playmates or else, you'll die."
Kinilabutan si Iona Eire ng marinig na naman nya ang mga katagang iyon. Alam nyang ang nagsasalita ay ang kanyang ama. Kahit naiba ang boses nito. Kahit umuulan ng yelo ay hindi nya maramdaman ang lamig dahil para silang nasa impyerno. Nakakakilabot.
"Goodluck players!"
Kinilabutan ang lahat ng marinig nila ang malademonyong tawa ng announcer. Sino siya? Tanong ng pitong kalahok.
Si Iona Eire ay halatang hindi mapakali, hindi malaman kung magsasalita para iinform ang lahat o mananahimik hanggang sa matapos ang laro. O matatapos nga ba?
Sa huli ay napagpasyahan nyang manahimik nalang.
Nagsimulang maglakad ang lahat patungo sa double door ng Circle House.
Tahimik ang lahat na nagmamasid ng kusa itong bumukas.
Si Geyser West ay tahimik na nagmamasid. Ganon rin si Aaryn Wayne na palihim na napapamangha sa katalinuhan ng demonyong nagsalita kanina.
Natigilan ang lahat ng marinig na naman nila ang boses na iyon.
"The Game Begins in 3, 2, 1..."
Pagkatapos noon ay tahimik na ulit. Nang makita naman ni Ashant Clooney ang lahat ay tumatak agad sa isip nya na si Lake Astaire lang ang kanyang pagkakatiwalaan.
Si Gello Swayze ay tahimik na naguguluhan at napupuno ng tanong ang isip. Ang nararamdaman nya sa tuwing pumapasok sya sa opisina ng kanyang Master ay katulad na katulad ng nararamdaman nya ngayon.
Si Aenna Halter ay nasiyahan dahil may bahay na siyang matutuluyan.
Pinaghalong pagkamangha at takot ang nararamdaman ng lahat.
Anong misteryo kaya ang nakapaloob sa maitim na bahay? Cricle House kung tawagin. Hindi kaya paiikutin lang sila at paglalaruan? O sila mismo ang maglalaro?
Anong konsepto at paano laruin? Malalaman mo rin....
Mga sikreto'y maglalabasan
Misteryo ay masisimulan
Paano kaya makakalabas at malulusatan?
Magkakakilala na sa pangalan
Ano kaya ang kanya kanya nilang galawan?
Aalamin natin yan...
A/N: Inform ko lang kayo para walang maguluhan.
Pronounciation of Names
Aenna Halter- Eyna Halter
Geyser West- Geyser West
Iona Eire- Ayona Ayri
Gello Swayze- Jelo Sweys
Ashant Clooney- Asyant Kluni
Lake Astaire- Leyk Asteyr
Aaryn Wayne- Eyrin Weyn
Trellis Ceylon- Trelis Silon
Cage Eire- Keyj AyriThanks! -Joyjoy
![](https://img.wattpad.com/cover/97192623-288-k158818.jpg)
BINABASA MO ANG
The game begins in 3, 2, 1
Mystery / ThrillerAll rights reserved© 2017. Mewijoyx. Photo credits to the owner.