49

7 1 0
                                    

Gello Swayze POV

Napabalikwas ako ng bangon ng mapanaginipan ko na naman ang kaganapang iyon. Bakit nangyari sakin ang delubyong iyon?

I was 7 years old back then when I witnes how my parents die. Nakita ng dalawang mata ko kung paano silang binaril at ang hindi ko makakalimutan ay nakapatay ako. Pitong taong gulang ako ng makapatay ako ng tao, tao! Nilikha ng Diyos, wala akong karapatang pumatay o bumawi ng buhay na hindi ako ang nagbigay pero nagawa kong pumatay. Nagsisi ako, sising-sisi. Na kahit hanggang ngayon ay nakakulong parin ako sa nakaraan at araw araw na nasasaktan, araw-araw nagsisisi.

Napailing ako at tumingin sa wall clock na nasa loob ng kwarto ko. Kung kwarto nga ba itong matatawag dahil parang impyerno. Madaling araw na. Ganitong oras ay gising na ako at siguro kung wala ako dito sa larong ito ay nandoon ako sa veranda ng kwarto ni Iona at pinagmamasdan sya.

Nang mamatay ang mga magulang ko at nang makapatay ako ay kinuha ko lang ang pera na alam ko kung saan nakalagay at umalis sa bahay. Tulala ako noon at walang nararamdaman. Hanggang sa mapadpad ako sa isang mataas na gusali, at iyon ang Eire Hotel. Nanghingi ako ng tulong sa guard na nandoon at napakabait nya dahil pinapasok nya ko sa loob ng hotel.

To make the story short, tinulungan nila ko at doon ko nakilala si Master. Pinag-aral nya ko, binihisan at pinalaki. Kaya naman binigyan nya ko ng tungkulin na bantayan ang isang babae na hindi ko kilala at pumayag agad ako. Ngayon ko nga lang nalaman na Iona pala ang pangalan ng babaeng iyon.

Hindi ko alam kung kaano-ano ni Master si Iona. Pero hindi ako ganon katanga para hindi makiramdam, alam kong may mali. Alam kong may koneksyon silang dalawa. Hindi mabait si Master, alam kong sa likod ng mala-anghel nyang ngiti ay may demonyong nakakubli. Hindi ako inosente na inaakala nya. Ang kursong kukuhanin ko dapat ay law. Pero hindi ako nakapagenroll dahil pumasok ako at sumali sa larong ito.

Sisiguraduhin kong mananalo ako dito. Kapag nanalo ako, babalikan ko ang nakaraan at aalamin ko kung sino ang puno't dulo ng pagkamatay ng mga magulang ko.

Master, kung ginagamit mo ako? Wag kang mag-alala, gamit na gamit na kita.

Napangisi ako sa isiping iyon at natulog ng muli.

Makalipas ang ilang oras ay napabangon ako dahil sa lakas ng kampana na nagmumula sa labas. What's that?

Bumangon ako at tinakpan ang tenga ko, lumabas ako ng kwarto at naabutan ko ang ilan sa mga kasamahan ko na nasa sala at nakatingin sa isang malaking orasan at kampana.

"What the hell?! May misa ba?!" Napatingin kami sa kalalabas lang na si Trellis.

"Oo daw. Tas ikaw yung pari." Napalingon ako kay Wayne ng pilosopohin nya si Trellis.

"Oh well, pwede naman. Palasimba naman ako." Hindi ko alam kung sinasakyan nya lang ang 'biro' ni Wayne o tanga talaga sya. At palasimba? Hindi halata, hmm..

"Tss." Narinig kong singhal ni Lake.

Tinitigan kong mabuti ang orasan at kampana. 7:38 na ng umaga sa orasan. Ang itsura non ay nasa itaas ang isang malaking orasan, yung may kamay at nasa ilalim ang isa ring malaking kampana.

Nilapitan ko ang kampana at binasa ang nakaukit doon.

"It's time." Mahinang basa ko.

The game begins in 3, 2, 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon