Aenna Halter POV
Magkakaharap kaming walo dito sa sala at nakatitig sa labing dalawang wall clock na nakalapag sa lamesa.
"K ang sakin." Pagbasag ni Gello sa katahimikan.
"Hindi ko alam kung para saan ang exclamatory point na to." Naguguluhang sabi ko.
Ang sakin ay '!'
Kay Gello ay K.
Kay Iona ay 7.
Kay Geyser ay 7 din.
Kay Wayne ay +.
Kay Lake ay 3.
Kay Trellis ay M.
Kay Ashant ay #.
At ang natitira ay 3, ¥, 7, 7.
"What the hell!" Mahinang bulong ko dahil hindi ko malaman kung para saan ang number, letter at sign na yon.
"Focus. May labing isang oras pa tayo para mag-isip." Pageencourage ni Ashant. Wow ha, pero kanina lang galit na galit sya. Psh.
"Magluluto muna ko ng makakain natin." Biglang tumayo si Wayne. Pero bago pa sya makaalis ay nagsalita si Trellis.
"Please don't use the sink."
"Marunong akong sumunod sa mga signs at warnings. Tss." At nagpatuloy na sya sa pagpunta sa kusina.
"I will try to access if there's a internet connection here. Wait, I'll get my phone." Biglang tumayo si Geyser at pumasok sa kwarto nya.
"Pwede palang magdala ng gadgets?" Nagtatakang tanong ko. Kung alam ko lang edi sana dinala ko na yung cellphone ko para di ako nabobored dito.
"Hindi ko rin alam." Kibit balikat ni Gello.
Nabalik ang paningin ko sa mga wall clock. Inisip kong mabuti kung anong mabubuong salita sa mga yon. Pero wala man lang vowels kaya pano makakabuo ng salita? Pucha.
Lumipas ang mahigit dalawang oras, nakakain na kaming lahat ay wala parin kaming naiisip kung anong sagot. Hindi rin makaaccess si Geyser. Nakablock parin ang cellphone nya sa labas ng bahay na to.
Nakakatawa. Ngayon ko lang narealize, mukhang mali ang desisyon ko. Mukhang tama ang desisyon ko una palang. Hindi dapat ako sumali dito. Masyadong delikado. Anong klaseng laro naman to? Ni hindi ko nga maenjoy.
"I get it!" Napangiwi ako ng biglang sumigaw si Ashant. Imagine katabi ko lang sya at sobrang tinis ng boses nya.
Tsk!
"What is it?" Tanong ng nobyo nya.
"Sa facebook. Uso ang jejemons." Ngumisi sya.
"Then?" Si Gello naman ngayon ang naiinip.
"That's it. 3 is substitute for letter E. That's why there is no vowel in the letters have given. And also hashtag or sign number is substitute for letter H." Pag papaliwanag ni Ashant.'3'- 'E'
'#'- 'H'
"Nagets ko na." Napatingin kami kay Trellis.
"Some of my girlfriends used that style. The exclamatory point is substitute for letter I." Para maintindihan ng lahat ay binaliktad nya ang wall clock na may simbolo ng tandang padamdam.'!' - 'i'
"So this are letter we already have K, I, H, E and M." Sinulat ko sa isang papel ang mga letra.
"Sa tingin ko mukhang pangalan yan. Mhike." Kinuha sakin ni Gello ang ballpen at papel saka nya sinulat ang naisip nya.
"Okay. May nabuo na tayong isa."
"Who's Mhike?" Narinig kong bulong ni Iona.
"Bakit Iona?" Tinignan ko sya. Looks like she know something.
"Why are you looking at me like that?" Tinaasan nya ko ng kilay.
"Yung paraan mo ng pagtatanong kung sino ang Mhike na yan ay para bang tinatanong mo ang may pakana ng lahat ng ito."
Pagak syang tumawa at bigla na lang akong sinamaan ng tingin.
"Ang lawak ng imahinasyon mo. Look, nag-iisip ako kung sino yang Mhike na yan. You are too over reacting! Ghad!" Bigla syang tumayo at pumasok sa kwarto nya.
"Tss. She's too defensive."
"She's right. You're over reacting." Biglang sinabi ni yon ni Wayne ng hindi nakatingin sakin.
"What the hell? You can't blame me! Nandito tayo para alamin yung sagot kaya dapat nagbibigay kayo ng opinyon nyo! Hindi yung sinosolo nyo lang!" Sa inis ko ay nasigawan ko sya.
"You know what? You're not helping. Go get a life bitch!" Inirapan nya ko at nagsulat ng kung ano man yon.
"Look who's talking? Porket matalino kayong dalawa magyayabang ka na? Oh pashnea I'm out!" Padabog akong umalis sa sala at padabog ko ring sinarado ang pintuan ng kwarto ko.
Ngayon alam ko na ang ugali nila. Tss. May pacongrats congrats pa syang nalalaman nung nakaraan. Edi wow!
Tatlong oras akong nagstay sa kwarto ko at nagiisip kung ano ang ibig sabihin ng mga yon.
K
+
!
7
7
3
¥
M
3
#
7
7Definitely the ¥ is substitute for letter Y. And + is subtitute for letter T.
Pano yung number 7?
Sinulat ko sa papel ang number seven at tinitigang mabuti kung anong letter ang pwede.
Nirotate ko ang papel na hawak ko at napangisi ako ng makuha ko ang letter L.
So the letters are, K, T, E, E, L, L, L, L, M, H, I and Y.
Sinulat ko yun lahat sa papel at lumabas. Isasantabi ko muna ang inis ko.
Sakto namang pagbukas ko ng pinto ay lumabas din si Iona sa kwarto nya.
Inirapan nya lang ako at naunang pumunta sa sala. Sumunod ako sakanya at naabutan ko ang anim na tahimik paring nagiisip ng sagot.
"I got the substitute letter." Walang emosyong sabi ko.
Nilapag ko ang papel at tinignan nilang lahat yon.
Kinuha yon ni Iona at tinitigang mabuti.
"They'll kill me."
Napatingin kami kay Iona ng bigla syang magsalita ng ganon.
"What? Sino ang papatay sayo?" Nagtatakang tanong ni Ashant.
"Yun ang sa tingin kong gustong ipahiwatig ng jumbled letters na yan. At si Mhike ang nagsabi nyan." Pagpapaliwanag nya.
Tinignan kong mabuti ang jumbled letters at tama nga si Iona.
"Anong gagawin natin ngayon?" Naguguluhang tanong ni Lake.
"The door is open. Let's go outside. Mukhang nasa paligid lang si Mhike." Tinuro ni Geyser ang pintuan. Nakabukas nga ito. Paanong nangyari yun e nakasarado yon kanina? Hmmm mukhang binuksan ng announcer.
"May limang oras na lang tayo." Pagpapaalala ko sa oras.
"Kailangan na nating bilisan!" Naunang lumabas si Geyser, sumunod naman sakanya si Gello.
Nahuli ako at si Wayne.
"Ngayon mo sabihin na hindi ako nakakatulong. Tss." Inirapan ko sya at nauna na.
Akala ko ay giginawin kami sa lamig pero parang normal lang ang temperatura sa labas. Umuulan ng yelo pero hindi malamig, katulad lang din kapag nasa loob ng bahay na yon. Ibang klase.
"We should get a partner. Aenna will be my partner. Sa South kami. Kapag nahanap nyo na si Mhike, galawin nyo nalang ang kampana na nasa loob."
That's the best thing to do. Pero bakit ako ang partner nya? Tss.

BINABASA MO ANG
The game begins in 3, 2, 1
Misterio / SuspensoAll rights reserved© 2017. Mewijoyx. Photo credits to the owner.