Geyser West
Habang nagmamadali ako sa paglalakad ay itong kapartner ko parang naglalakad sa buwan.
"Tumatakbo ang oras!" Inis na sigaw ko sakanya. Medyo malayo kasi sya sakin.
"Oh talaga? Nasa finish line na ba?" Nakita ko pa ang pagtirik ng mata nya. Pilosopo na maarte pa.
Nilapitan ko sya at hinila.
"Buhay ang nakasalalay dito. Hindi required ang kaartehan ngayon!" Naiinis na sabi ko at hinila sya.
"Ano ba!? Bitawan mo nga ako!" Nagpumiglas sya kaya binitawan ko sya.
Tinignan ko ang braso nya at mamula mula yun. Mukhang napadiin ang kapit ko.
"I'm sorry."
"Tss anong magagawa ng sorry mo?" Inirapan nya ko at this time nauna syang maglakad.
"You know what? Hindi ko alam kung anong kinakaarte mo." Pagsabi ko ng totoo.
"Wala ka na don. Kanina pa tayo naglalakad wala naman tayong nakikitang tao!" Inis na sabi nya at umikot.
Hindi ko alam kung bakit pero habang umiikot sya ay nagslow-motion yon sa paningin ko. Dahan dahang umikot ang kanyang buhok na sumaboy sa kanyang mukha at dahan dahan ring bumagsak sa kanyang balikat.
Napailing na lang ako sa naisip ko at sa kinilos nya. Hiniwakan ko nalang ang pulso nya at hinila sya papunta sa madilim na parte papasok sa madilim na gubat.
"Hoy! Hoy! Anong gagawin mo sakin ha? Aba naman Geyser! Laro ito hindi-----!!!"
Nanlaki ang mata ko ng pagharap ko sakanya ay saktong nakalapit ang mukha nya sakin kaya nahalikan ko sya, ng hindi sinasadya na naman!
"Waaaah! Puta ikaw na naman!? Buraot ka!" Sinuntok nya ko sa balikat at binatukan.
"Ouch!" Napahawak ako sa ulo ko dahil ang sakit.
"Bwisit!" Padabog syang umalis sa harapan ko at walang takot na pumasok sa gubat. Ibang klase! Ang sadista pucha! Naalog yata utak ko!
Aaryn Wayne POV
Nang magsialisan ang mga kasamahan namin ay naiwan kami dito sa West. Sa South ay sina Geyser at Aenna, sa North sina Gello at Iona, sa East sina Lake at Ashant, at kami ni Trellis dito sa West.
"Pumasok tayo sa loob ng gubat." Nauna akong maglakad pero hindi pa ko nakakatatlong hakbang ay pinigilan nya na ko.
"Teka lang!" Lumapit sya sakin at pinulupot ang kamay nya sa braso ko.
Napataas naman ako ng kilay at nagtatakang napatingin sa kanya.
"Anong ginagawa mo?" Inalis ko ang pagkakalingkis nya sakin. Oo 'lingkis' talaga ang word dahil parang sawa. Tsk.
"Tsk. Takot ako sa dilim!"
Doon ko naalala yung unang challenge na kami rin ang magkapartner. Takot nga pala sya sa dilim.
"Sa damit ko ka kumapit. Wag sa braso ko!"
"Okay." Kumapit sya sa damit at jusko!
"Ano ba?! Huhubaran mo ba ko?!" Inis na sigaw ko sakanya dahil sobrang higpit nya kung humila. Siguro kung maraming tao dito nakita na nila ang hindi dapat makita.
"Sorry." Napayuko sya. Naawa naman 'daw' ako kaya ang ginawa ko hinawakan ko nalang ang kamay nya.
Napatingin naman sya sa magkahawak naming kamay.
"Wag kang malisyosong bakla ka." Inirapan ko sya at nagsimula na kaming maglakad papunta sa gubat.
Lalong humigpit ang kapit nya sa kamay ko ng sobrang dilim na. Huminto muna kami at sinanay ko ang paningin ko sa dilim. Medyo may nakikita na ko, hanggang sa tuluyan ng masanay ang mga mata ko sa dilim at nakikita ko na ang mga nagtataasang puno at mga sanga nito.
"Hoy Ceylon, wag kang bibitiw sa kamay ko ha." Paalala ko. Mahirap na, baka magkawalaan pa kami.
"Oo." Hinigpitan nya ang kapit sa kamay ko at hindi naman ako nahirapang maglakad dahil kada hakbang ko ay humahakbang rin sya.
Nagtuloy kami sa mabagal na pagpasok sa loob ng gubat. Pero wala parin akong nakikitang sign o palatandaan o kahit anong kakaiba na magtuturo samin kung nasaan si Mhike.
"Ceylon?"
"Yes?"
"May suot ka bang relo?"
"Oo." Akmang bibitaw sya sa kamay ko pero hinigpitan ko agad ang kapit sakanya.
"Wag!"
"Bakit? Hindi naman ako mawawala. Nandito lang ako sa tabi mo. Ikaw ah~" nanukso pa ang unggoy.
Napairap naman ako kahit hindi nya nakikita.
"Gago, baka may humila sayo. Hindi natin alam kung tayo nga lang ba ang nandito." Paliwanag ko.
"Sus palusot."
"So nasaan nga ang relo mo? Kanan o kaliwa?"
"Nasa kaliwa."
"Amina, ilapit mo sakin."
Nilapit nya sakin ang kaliwang kamay nya. Nakapa ko naman agad yung relo nya.
"Nasa bandang itaas sa kaliwa yung light nyan."
Pinindot ko naman yung sinabi nya. It's just 4:30 in the afternoon pero nakakatawang sobrang dilim na ng paligid habang umuulan ng yelo. Ni hindi nga malamig, kahit dito mismo sa loob ng gubat na maraming puno. Mukhang ilusyon lang ang lahat ng ito. Sigurado akong hindi to totoo. At sigurado din akong may nanunuod samin.
"Trellis, kailangan nating bilisan. Konting oras na lang ang meron tayo."
"Okay."
"Tatakbo tayo ha? Siguradong nasa gitna mismo ng gubat matatagpuan si Mhike. Masyadong mahaba ang biyas mo kaya medyo liitan mo yung hakbang okay?"
"Okay."
"3,2,1! Takbo!"
Nagsimula kaming tumakbo at kahit alam kong ilusyon lang ang mga puno ay iniwasan parin namin. Hindi pwedeng nalaman ng nanunuod samin na may nakakaalam ng sikreto nila.
"Stop!" Mahinang bulong ko. Napapikit naman ako ng biglang tumama si Trellis sakin, at ano pang aasahan nya ko? Syempre ang sakit ng likod ko dahil nadaganan nya ko.
"Fck!"
Bigla kasi akong humarap nung sumigaw ako ng stop at hindi agad sya nakapreno kaya kami bumagsak.
"Naku! Sorry Wayne!"
Hinawakan ko ang kamay nya. Nakapikit parin sya. Nauna akong tumayo at hinila ko sya.
"Sorry Wayne."
"It's okay." Napailing ako at inilibot ko ang paningin ko. Wala akong nakitang kakaiba pero may narinig kasi akong naguusap kanina kaya kami huminto.
"Maglalakad tayo ng dahan dahan. Wag kang gagawa ng ingay ha."
"Sige."
Dahan dahan kaming naglakad. Alam kong malapit na kami sa gitna.
Natigilan kami ng biglang tumunog ang kampana.
"Fck! Let's go!"
Napatingin ako sa bandang kanan ng may marinig kaming nagsalita.
"Sino yon?" Mahinang bulong ni Trellis.
"Sinong nandyan!?" Sigaw ko.
"Wayne?"
Biglang sumulpot ang dalawa sa harapan namin. Si Lake at Ashant.
"Kayo lang pala. Let's go, mukhang may nakahanap na kay Mhike."
Nauna kaming tumakbo ni Trellis. At ng makarating kami sa lumang bahay ay halos mapaatras ako at atakihin sa sumalubong samin.
"Tangina!"

BINABASA MO ANG
The game begins in 3, 2, 1
Mystery / ThrillerAll rights reserved© 2017. Mewijoyx. Photo credits to the owner.