56

5 2 1
                                    

Iona Eire POV

"Ma?"

Nagtatakang tanong ko kay Mama ng makita ko sya na nakatayo sa railing ng balcony ng kwarto nila ni Papa.

"Lumabas ka na dito anak. Wala kang nakita okay?" Nakangiti nyang sabi.

What's wrong?

"Ano pong ginagawa nyo dyan?" Nagtataka kong tanong at humakbang ng dalawang beses papalapit sakanya.

"Nothing. Nagpapahangin lang si Mama." Ngumiti sya at pumikit na para bang dinadama nya ang hangin.

"Pwede po bang ako rin?" Nakangiting tanong ko.

"No. Baka mahulog ka. Sige na lumabas ka na."

"Pero bakit po kayo hindi nalalaglag?" Pagsuway ko sa utos nya.

"Because I can manage."

"I can manage din po!" Mas lumawak pa ang ngiti ko.

Pero nagulat ako ng biglang napalitan ng galit na ekspresyon ang kaninang nakangiting mukha ni Mama.

"I said get out! Napakakulit mo!"

Sigaw nya. Napayuko ako at napaiyak. This is the first time na sinigawan ako ni Mama.

"Sorry po. I'm just worried. Baka po kasi---"

"Get out!" Nagulat ako ng nasa harapan ko na sya at tinutulak ako papasok sa kwarto nila ni Papa.

"Pero Mama!"

"Bakit ba hindi ka masabihan ha?!"

Sinampal nya ko at pinagsasabunutan. Kinaladkad nya ako habang hila hila ang buhok ko.

"Mama masakit!" Umiiyak na sigaw ko.

"Mama!"

"Aray!" Napasuka ako ng dugo ng bigla akong tinulak ni Mama sa pader.

"Sawang sawa na ko sainyong mag-ama!"

Tinadyakan nya ko sa tiyan kaya naman mas lalo akong napasuka ng dugo.

"T-tama na p-po.." Kumapit ako sa doorknob at doon kumuha ng lakas para tumayo. Nang makatayo ako ay nagsusumamo akong tumingin kay Mama na nagdidilim ang paningin at galit na galit na nakatingin sakin.

"Mama.." Naiiyak kong sabi at lumapit sakanya. Niyakap ko sya ng mahigpit at humahulgol.

"Ssh..sorry anak.." Narinig ko ang paghikbi nya.

Pero bago nya pa matapos ang sasabihin nya ay bigla nalang syang humandusay sa sahig matapos kong marinig ang pagputok ng baril.

"Mamaa!" Napasigaw ako at napaluhod ng sumuka si Mama ng dugo.

Tinignan ko kung sino ang bumaril at halos maiyak ako ng makita kong si Papa ang may hawak ng baril at walang emosyong nakatingin samin.

"Pinatay mo si Mama!" Nanggagalaiting sigaw ko at tumayo saka lumapit sakanya at pinaghahampas sya.

"Pinatay mo si Mama! Pinatay mo si Mama! Pinatay mo si Mama!"

Napaluhod ako at humagulgol ng iyak. Pinatay nya si Mama...

"Kasalanan mo, ikaw ang pumatay sa Mama mo. Ikaw! Anak ka sa labas! Hindi kita anak! Kasalanan mo ang lahat! Ikaw ang pumatay sakanya! Ikaw!"

"No.." Naiiling kong sabi, hindi makapaniwala.

"No..." Napahagulgol ako at napayakap sa tuhod ko.

"Ikaw!"

"Ikaw!"

The game begins in 3, 2, 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon