52

12 2 0
                                    

Iona Eire POV

Napapikit ako ng mariin ng marinig ko na naman ang katagang iyon. Para saan ba ang larong ito? Nakakagago.

Inilibot ko ang paningin ko sa kabuuan ng Circle House. Walang second floor pero sobrang lawak ng bahay.

May walong pintuan akong nakita na natitiyak kong magiging silid namin. Sa kanan ay nandoon ang sala na may isang malaking flatscreen TV at may dalawang sofa na mahaba na kasya rin ang walong tao.

Sa kaliwa ay nandoon ang sa tingin ko ay kusina, hindi kita ang loob dahil nakabukod iyon at may kurtina sa doorway.

Malinis at maayos pero nakakatakot. Iba ang awra lalo pa at may tumutugtog na lumang tugtugin na nagmumula sa stereo na nasa sala.

Napatingin ako kay Geyser West ng lumapit sya doon at pinatay ang tugtog. Ngayon ay sobrang tahimik na muli.

Pinangunahan ko ang paglapit sa walong pinto. Tinignan ko isa isa kung may nakasulat na pangalan pero wala.

"Buksan nalang natin isa-isa para makita natin ang gamit natin sa loob." Suhestyon ni Gello Swayze.

Sumang-ayon naman ang lahat sakaniya.

Binuksan ni Ashant Clooney ang unang pintuan.

"Oh! It's mine!" Nagagalak nyang sabi.

Magsasalita pa sana ang nobyo nya ng bigla nalang sumarado ang pinto. Wala kaming narinig na kahit ano, mukhang sya mismo ang nagsara.

Kakatok sana si Lake Astaire sa pintuan pero nahawakan ko ang braso nya dahil dahan-dahang lumitaw ang katagang 'Don't touch the door unless you are the owner.'

Napatingin kaming lahat doon at isa-isang nagkibit balikat.

"Baka katulad ng pagkakasunod-sunod ng pagpapakilala kanina yung pagkakasunod-sunod ng kwarto." Mahinang sabi ko.

"I agree. Yun nga din naisip ko e." Tumatangong sabi ni Aenna Halter.

"Okay. You're turn, Astaire." Sabi ni Geyser West.

Dahan dahang binuksan ni Lake Astaire ang pintuan at nakahinga ako ng maluwag ng hindi sya masaktan o ano man. Pagkapasok nya ay lumitaw na naman ulit ang katagang iyon.

"Now it's mine." Narinig kong bulong ni Geyser West.

Nang makapasok sya ay dumiretso na agad ako sa tapat ng kwarto ko. Kung nakapasok silang tatlo, tama ako.

Nang pihitin ko ang doorknob ay bukas iyon kaya naman tuluyan na kong pumasok sa loob.

Napangisi ako ng bahagya ng makita kong maayos ang buong kwarto. Gawa rin iyon sa kahoy at malinis.

Nilibot ko ang paningin ko at nakuha ng atensyon ko ang isang picture frame. Nakahiga ako sa isang hospital bed at nakapikit habang nay luha saking mata.

"Tss."

Kinuha ko yon at tinanggal ang picture. Pinunit-punit ko saka ko tinapon sa basurahan na nasa gilid.

Kuha ang litratong yun nung may itinurok sila samin ni Gello Swayze. Alam na alam nya ang kahinaan ko.

Napangisi ako ng may naisip ako plano.

Geyser West POV

Nakahinga ako ng maluwag ng wala naman akong makitang mali sa kwartong ito. Tinignan ko kasi bawat sulok at ila-ilalim kung may camera o voice recorder. Ang nakaagaw lang ng pansin ko ay yung picture frame, hinahalikan ko si Aenna Halter sa litratong yon. Sayang! Hindi ko maalala. Lol.

Umupo ako sa malambot na kama at pumikit.

"Wag kang pasaway don ha!" Nagpapaalalang bilin ni Mommy.

"Yes Mom, Yes!" Nakangiting sabi ko at sumaludo.

"Good." Nakangiti nyang sabi at hinawakan ang pisngi ko.

"Goodluck honey, takecare. Iloveyou." Nakangiti nyang sabi.

Napatitig ako sa mga mata ni Mommy. Doon ay para bang hindi lang ito isang laro, hindi lang scholarship at isang milyon ang nakataya. Para bang nakataya din ang buhay ko at buhay ng maraming tao.

"Iloveyoutoo, Mommy. Takecare!"

Kumaway ako bago naglakad papasok sa loob ng gubat, kung saan nandoon ang lokasyon ng laro.

Napadilat ako ng makarinig ako ng sigawan.

Lumabas ako ng kwarto ko at halos mapaatras ako sa bumungad sakin.

Bangkay ng isang lalaki. Walang mata at putol ang dila. What the fck?!

"Sino yan?" Naguguluhang tanong ko.

Si Ashant Clooney ay nakayakap sa boyfriend nya, habang si Aenna Halter ay nakatayo lang at nakatulala sa bangkay. Si Iona Eire ay walang mababakas na emosyon at si Aaryn Wayne ay nakaluhod sa harap ng bangkay at para bang sinusuri kung ano ang ikinamatay.

"Hello there my puppets!"  Kinilabutan ako ng tumawa na naman ng malademonyo ang announcer na yon.

Napatingala si Aaryn, para bang doon yun nagmumula. Napatingin ako sa itaas at napataas ako ng kilay ng makita ko ang isang malaking speaker.

"Nagustuhan nyo ba ang surpresa ko?"

"Observe...observe.."

Pagkatapos non ay nawala na din bigla.

"Observe.. Look at his pocket!" Sigaw ni Trellis Ceylon.

Tinignan namin ang bulsa ng bangkay, may nakalawit doong papel.

Kinuha yun ni Aaryn. Binuklat nya yun at pinakita samin.

"Help me." Mahinang basa ko.

"Anong gagawin natin?" Naguguluhang tanong ni Aenna.

"May hawak sya." Napatingin kami kay Gello Swayze ng bigla syang lumuhod at kunin sa kamay ng bangkay ang isang tabletang may laman na tubig?

"What's that?" Tanong ni Iona.

"I don't know." Seryosong sagot ni Gello Swayze habang titig na titig sa tablet.

"Let's clean this mess first." Suhestyon ko at nagpunta sa kwarto. Kinuha ko ang kumot na nasa kama ko at itinalukbong sa bangkay.

"Kailangan nating malaman ang pangalan ng lalaking to. Anong tulong ang kailangan nya?" Ano ano pa'y sabi ni Aaryn.

"Guys, there's a laboratory here!" Napatingin kami kay Aenna Halter na nasa tapat ng isang kwarto na ngayon ko lang nakita.

Lumapit kami doon at namangha ako sa nakikita ko.

Puro likido, hospital bed at walong  lab gown ang nandoon.

"Mukhang kailangan nating alamin ang sanhi ng pagkamatay nya. Pati narin kung ano ang likidong nasa kamay nya." Matalinong sabi ni Iona Eire.

Yun din ang nasa isip ko.

Tinapik ko sa balikat ang tatlong lalaki.

"Let's put him there." Tinuro ko ang hospital bed.

Mukhang nagets naman nila ang ibig kong sabihin. Hindi naman kasi pwedeng ang mga babae ang magbuhat ng bangkay ng lalaking yon.

Nang mailagay namin ang bangkay sa hospital bed ay sinuot naming lahat ang walong lab gown na nandoon.

"Wait, anong gagawin natin sa katawan nya? May sanay ba sainyong mag-autopsy?" Magkasunod na tanong ni Ashant Clooney.

"Sanay ako." Walang pag-aalinlangan na sagot ni Iona Eire.

"Wala akong experience pero alam ko kung paano." Sagot naman ni Aaryn.

"So kayong dalawa lang ang sanay? Anong gagawin namin?" Aenna.

"Pag-aralan nyo yung likidong yun." Tinuro ni Aaryn yung tablet na hawak ni Gello.

"All right."

The game begins in 3, 2, 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon