Aaryn Wayne
"Tangina!"
Apat na ulo ang nakasabit sa maindoor at yon ay ang ulo nina Geyser, Aenna, Iona at Gello. Wtf?!
"Oh my god!" Narinig ko ang paghikbi ni Ashant dahil sa nakita. Si Trellis at Lake ay mga nakatulala.
"This isn't happening." Umiling ako at tinitigan mabuti ang mga ulo.
Nakakadiri at nakakahabag ang kanilang sinapit dahil wala silang mga mata at nakatahi ang mga bibig.
May tumutulo ring dugo sa sahig. Kahit nag-aalinlangan ay pumasok ako sa loob at doon ay nakita ko ang isang katawan ng lalaki na sa tingin ko ay si Mhike. May hawak hawak syang nakarolyong puting papel na nababahiran ng konti dugo.
Lumuhod ako sa harapan nya at kinuha ang papel.
"Salamat sa paghanap sa akin, paki-usap tulungan nyo silang apat." Yun ang nakasulat sa papel at nakasulat iyon gamit ang kanyang sariling dugo.
Mas malala ang sinapit ni Mhike dahil tadtad siya ng saksak at mayroon pang nakatusok na tatlong kutsilyo sa kanyang ulo.
"What the fck is happening?!" Narinig kong sigaw ni Trellis.
"Buhay pa sila. Wax lang yan." Napatingin ako kay Lake ng bigla nyang tinuro ang mga ulo ng kasamahan namin.
"Waht do you mean?" Nagtatakang tanong ko.
"Hinawakan ko ang dugo sa sahig, totoong dugo pero ng hawakan ko ang kanilang buhok ay nasisiguro kong wax lang yan. Hinawakan ko rin ang balat nila."
Nilapitan ko ang apat na ulo at hinawakan isa isa ang kanilang balat. Totoo ngang wax lang dahil madulas ito at parang may mantika.
"Nasaan sila kung ganoon?" Nagtatakang bulong ni Ashant.
"At sinong gumalaw sa kampana?"
*Boogsh!*
Napatingin kami sa pinto ng bigla itong sumarado. Nawala na rin ang apat na ulo.
"Shit!" Napayakap si Ashant kay Lake dahil sa gulat.
"Posibleng si Mhike ang gumalaw sa kampana dahil doon sya nakasandal." Sabi ko.
"Tama. Pero sa ngayon saan natin sila hahanapin?" Tanong ni Trellis.
"Sa labas."
"Sa kwarto."
Nagkatinginan kami ni Ashant ng sabay kaming nagsalita.
"Okay okay. Kami nalang ni Ashant ang maghahanap sakanila sa labas then kayo dito sa loob." Hinawakan ni Lake ang kamay ni Ashant.
"Okay. Mag-ingat kayo." Mariing paalala ko.
"Salamat. Kayo rin."
Tumalikod na sila samin at lumabas ng bahay.
Nagkatinginan kami ni Trellis.
"Tignan natin sila sa lab." Suhestyon nya.
Ganoon nga ang nangyari, pumasok kami sa loob ng lab ngunit wala sila doon.
Lumabas kami doon at sunod na pumunta sa kusina, wala rin sila.
Isa na lang ang posibilidad na pinaglalagyan nila.
Tumingin ako sa walong pinto, at nabasa ko na naman ang katagang 'Don't touch the door unless you're the owner.'
"Nasa loob sila." Nagkatinginan kami ni Ceylon ng sabay kaming nagsalita.
"Hindi natin pwedeng hawakan ang pinto." Mahinang bulong nya, pero narinig ko.
"Pero hindi tayo sigurado kung masasaktan nga ba tayo pag hinawakan natin yan." Mahinang bulong ko rin.
Napatingin sya sakin ng nakakunot ang noo kaya napatingin din ako.
"Tanga ka ba? Di mo ba naaalala yung nangyari sakin nung buksan ko yung sink sa kusina?!"
Napataas naman ako ng kilay dahil pinagtaasan nya ko ng boses at tinawag nya kong 'tanga'. Wow!
"Who are you to judge me?" Mahinahon ngunit may diin kong tanong habang nakatitig mismo sa kanyang mga mata.
Napailing sya at umiwas ng tingin. Tss.
"Sorry." Nagkatinginan ulit kami ng sabay naming sabihin yun. This time ako naman ang umiwas ng tingin.
"Anong gagawin natin kung hindi natin susubukan?" Pagbasag ko sa katahimikan.
Para kasi kaming tangang nakatayo at nakatulala sa walong pinto, walang kibuan.
"Sige subukan natin yung naisip mo."
"Seryoso ka?"
Tumango sya at nagsimulang lumapit sa pinto. Sinundan ko naman sya, akmang hahawakan na nya ang doorknob pero pinigilan ko agad sya.
"Wait lang."
Iniwan ko sya doon at pumasok sa lab. Kumuha ako ng dalawang gloves at saka lumabas at bumalik sa pwesto nya.
Nasa tapat kami ng kwarto ni Geyser.
"Here. Isuot mo, para atleast medyo safe."
Sinuot nya yung dalawang gloves sa kanang kamay nya lang, para medyo makapal ang proteksyon.
Dahan dahan nyang idinikit ang hintuturong daliri nya sa doorknob at ng tuluyan ng dumikit ay napaatras kami sa nangyari.
"What the fck?!"
Umusok yung dulo ng gloves at halos mabutas. Kung hindi siguro sya nakagloves ay naupos na ang daliri nya. Imagine sobrang kapal nung gloves at dalawa pa yung nakasuot sa kamay nya pero ganun ganon lang nasunog at nabutas kagad.
"Shit hindi pwede." Hinubad nya ang gloves at tinignan mabuti ang daliri nya kung buo pa.
"Arggghhhh!" Nakakafrustrate!
Napatingala ako dahil sa frustration at ang pagtingala ko palang yun ang magtuturo samin para matulungan sila.
"Shit!"
Napatingin si Trellis sa tinitignan ko.
Nakatali sila Geyser, Aenna, Iona at Gello sa kisame ng bahay na to. May nakalagay sa bimpo sakanilang mga bibig at meron pang masking tape. Nakasabit sila habang pinalilibutan ng masking tape ang buong katawan.
"Anong ginagawa nyo dyan?!" Sigaw ni Trellis.
Nanlalaki ang mga mata nila at para bang may sinasabi. Tinitigan ko silang mabuti sa mga mata at ng mahinto ako kay Iona ay bigla akong nahilo.
Napakapit ako kay Trellis at tinignan silang apat. Umiikot ang paningin ko at nagiging malabo. Naging mabagal ang lahat ng nakikita ko.
Napatingin ako kay Trellis at bumubuka ang bibig nya ng dahan dahan, nagsasalita sya pero wala akong naririnig. Nabibingi ako. Napapikit ako upang labanan ang hilo pero mas lalo lang akong nahilo.
Napakapit ako ng mahigpit kay Trellis.
"Wayne?"
"Anong nangyayari sayo?"
Napikit ako dahil halos mabingi ako ng marinig ko ang boses ni Trellis. Hinawakan ko ang dalawang tenga ko at tinakpan pero dahil sa ginawa ko ay muntik na kong tumumba, pero nasalo ako ni Trellis.
Inayos ko ang sarili ko at nilabanan ang sobrang hilo. Kahit mahirap ay tumingala ako at tinignan silang apat. Kahit may nakabusal sa kanilang mga bibig ay iisa lang ang simasabi ng kanilang nga mata.
"Tulong."
"Tulong."
"Tulong."
Napapikit ako ng mabingaw na naman ako dahil sa lakas ng naririnig ko. Ulit ulit na katagang 'tulong' at halos sabay sabay pa. Masakit sa tenga at nakakabingi sa sobrang lakas.
Napailing ako ng magblurd ang paningin ko. Tuluyan na kong nawalan ng malay. Naramdaman ko nalang na hawak hawak ako ni Trellis.

BINABASA MO ANG
The game begins in 3, 2, 1
Gizem / GerilimAll rights reserved© 2017. Mewijoyx. Photo credits to the owner.