54

8 2 0
                                        

Trellis Ceylon POV

"Anong kalokohan to?" Sobrang dilim sa paligid pero nakikita ko ang paligid. May suot suot akong salamin. Paano ko napunta dito?

Inilibot ko ang paningin ko at halos mapaatras ako ng may babae akong nakita.

"What the fck?! Who are you?!" Sigaw ko.

"Wag kang maingay." Bulong nya at lumapit sakin. Umatras naman ako.

Mukha syang multo dahil nakalugay ang buhok nya. Shit takot nga ako sa dilim ano ba!

"Isa pang atras mo papatayin na kita." Seryoso nyang sabi. Natigilan naman ako dahil nakakatakot ang boses nya.

"Here." Inabot nya sakin ang isang

"Baril?"

"No. Gun yan. Tss."

"Funny." Sarkastiko kong sabi. "Para saan to?" Nagtatakang tanong ko.

"We need to survive. Dito nila tayo nilagay dahil alam nilang isa satin ang takot sa dilim at mukhang ikaw yun dahil sanay ako sa dilim."

"Wag mo ng ipamukha. At hindi ako bakla."

"Hindi ko tinatanong tss." Nakita ko pa ang pag-ikot ng mata nya. Aba't!

"May mga kalaban tayo dito. Hindi ko alam kung gaano sila karami. Basta pag may nakita ka barilin mo sa kaliwang dibdib at sa ulo."

"Ha bakit doon?"

"Napaka dami mong tanong! Basta sumunod ka nalang!" Mariing bulong nya at nagsimula ng maglakad. Sumunod naman ako sakanya at nagmanman sa paligid.

Anong klaseng laro ba to? Pano nila nalaman na takot ako sa dilim? Peste!

At nakakasira ng ego ang babaeng to! Dapat ako ang nauuna pero nakita nyo?! Sya pa ang nauuna! Nakakalalaki na to e!

"Ay putakte!" Napatalon ako ng bigla siyang magpaputok ng dalawang beses.

Humarap sya sakin at kahit nakasalamin kami parehas ay nakikita ko ang mata nyang galit.

"Konting konti nalang mapapatunayan ko ng bakla ka!" Mariin nya uling bulong.

"Hindi nga sabi!" Inis na sabi ko.

"Then prove it! Labanan mo ang takot mo!"

Bago ko pa sya masinghalan ay hinila ko sya at binaril ng sunod sunod ang tatlong kalaban na nakatayo sa likuran nya kanina. Sunod sunod ko silang binaril sa dibdib at sunod sunod rin sa ulo.

"I'm not gay." Bulong ko dahil sobrang lapit nya sakin. Nakita ko pa ang paglunok at pagkatulala nya sakin.

Huh? Ano? Sinong bakla?!

"Yabang!" Biglang sabi nya at tinulak ako ng bahagya.

Napangisi nalang ako at sinunod ang sinabi nya. Inisip ko nalang na sobrang liwanag kaya naman ako na ngayon ang nauuna.

"I killed 6. You killed 4. Hmm..." Mahinang sabi ko.

"Nakikipagparamihan ka ba ng napapatay?"
"Kung ganon ang dating sayo, siguro." Nakakaloko kong sabi at ngumisi.

"Then sige! 6-4 ang score. Maghiwalay tayo ng pwesto." Hindi nagpapatalong sagot nya.

"Oh! Palaban hmm.. I like that. O sige maghiwalay tayo ng pwesto." Tinignan ko ang wrist watch ko. Pucha 11:55 na pala ng gabi!

"11:55 pm na. 12:03 am dito tayo magkikita."
Tinignan ko ang wrist nya, may relo din sya.

"Deal." Taas noo nyang sagot.

Aalis na sana sya pero hinawakan ko sya sa braso.

"At kapag ako ang nanalo ibibigay mo ang gusto ko." Nakangisi kong sabi.

"As if naman mananalo ka."

"Hindi yan ang gusto kong sagot."

"Sige deal. KAPAG nanalo ka. Kapag!"

Nagmartsa na sya paalis kaya naman lalo akong napangiti. She's cute hmm..

Nagsimula na kong magtago sa mga poste at mas lalo akong napangiti ng makarinig ako ng sunod sunod na putok ng baril. Hindi sya magpapatalo.

Nagseryoso na ko dahil marami na rin akong nakakasalubong na kalaban, buti nalang ay hindi nauubusan ng bala ang baril na to.

23 na ang napapatay ko at medyo mahina na rin ang putok ng baril ng babaeng yun. Mukhang magkalayo na kami.

Natigilan ako ng pader nalang ang nakikita ko. May nakasulat doon na 'Done'. So ubos na ang kalaban ko? Tinignan ko ang wrist watch ko. 12:00 am na.

Tinakbo ko ang nilakaran ko kanina. At ng makarating ako doon ay nagulat ako sa nadatnan ko. Yung babae kanina ay naliligo sa sarili nyang dugo.

"What the fck?!" Mabilis ko sya nilapitan at may tama sya ng baril sa braso at binti. How come na nabaril sya?

"Anong nangyari sayo?" Nag-aalala kong tanong.

"Kill them. We need to survive. I can handle myself, just kill them!" Mariin nyang sabi, halatang nahihirapan.

"Okay. Here, wag kang aalis dito babalikan kita." Nilagay ko sa kamay nya ang baril nya at tumayo na.

Pumunta ako sa pinuntahan nya kanina at sunod sunod na pinaputukan sa dibdib at ulo ang lahat ng makakasalubong ko.

Napapagod na ko dahil parang hindi sila nauubos. Kaya naman ang ginawa ko ay dalawang beses ko silang binabaril sa ulo at dibdib.

Makalipas ang mahigit kalahating oras ay naaninang ko na ang pader na may nakasulat na 'Done'.

"Finally, wooh!"

Mabilis akong bumalik sa pwesto ng babae kanina at halos manlumo ako ng makita ko syang nakapikit.

"Hey.." Lumuhod ako at pinakiramdaman ang pulso nya.

"You're alive." Nakahingang maluwag na sabi ko.

"Hey.. Gising." Tinapik tapik ko ang balikat nya.

Napapikit ako ng biglang lumiwanag sa buong paligid. Nang masanay sa liwanag ay tinanggal ko ang salamin na nakasuot sakin.

Inilibot ko ang paningin ko at wala akong nakikita kundi puti lang na pader, kisame at sahig.

"Nasaan tayo?" Nagtatakang tanong ko.

Pagtingin ko sakanya ay nagulat ako ng wala na syang sugat at wala naring dugo sa katawan nya. Malinis na sya at maaliwalas ng tignan.

"Fck ilusyon lang ang lahat ng yon!" Makikita ang pagkainis sa mukha nya.

"So hindi totoo yon?" Gulat na tanong ko.

Tumayo sya at inilibot ang paningin.

"Ganon na nga."

"Pero teka, ako ang nanalo!" Bigla kong naalala.

"Oo na! Hintayin mo munang makalabas tayo dito bago ko ibigay ang gusto mo!" Naiinis na sabi nya.

Napangisi naman ako. Yes!

"Alin ang hihintayin natin?"

"We survive. Let's wait the others."

"Anong pinagsasabi mo?"

"Wala. Bast hintayin nalang natin bumukas yan at ipagdasal natin na sana nakasurvive din sila."

Tinuro nya ang pinto na ngayon ko lang napansin.

"Bakit pag hindi, ano mangyayari?"

"Isa satin ang mamatay." Seryoso nyang sagot.

"Bakit?"

"Para bumukas ang pinto isa satin ang kailangang mamatay."

Sana makasurvive din sila.

The game begins in 3, 2, 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon