44

11 2 0
                                        

Nagising ang walong kalahok dahil sa lakas ng busina na nagmumula sa lamesita. Naroon ang isang cellphone na tumutunog ng maingay na busina ng sasakyan.

Nang makabangon ang lahat ay tinignan nila ang cellphone, napangiti si Geyser ng maisip na pwede na silang kumontact ng opisyal sa labas, pero nawala din ito agad ng kusang mawala ang alarm at magshutdown ng kusa ang cellphone.

Lamubas sya ng kanyang kwarto, hinintay na lumabas ang iba pa. Iniisip nya kung sakanyan lang ba may ganon o sa lahat.

Unang lumabas si Trellis, sumunod si Ashant, Aenna, Wayne, Lake, Iona at Gello.

"May cellphone din ba kayo?" Agad na tanong ni Geyser.

"Yes." Itinaas ni Gello ang kaniya.

At tinaas narin ng iba ang kanila. So lahat sila ay may cellphone.

"Para saan to?" Nagtatakang tanong ni Aenna.

"Goodmorning players!"

Napatingala ang lahat ng marinig ang announcer.

"May inihanda akong laro para sainyo."

"Kayo na ang bahala pumili sa magiging kapartner nyo, siguraduhin nyo lang na maililigtas nyo ang isa't isa, dahil kapag pumalpak ang isa, damay damay na."

At ano pa nga ba ang aasahan nila? Tumawa na naman ito ng pangdemonyo at bigla na lang nawala.

Nagkatinginan silang walo. Naghahanap ng makakapares, ng biglang magsalita si Ashant.

"Kami ni Lake ang magkapartner." At lumapit sya kay Lake at hinawakan ang kamay nito.

Si Wayne at Iona ay nagkatinginan.

"Kami ni Wayne ang magkapartner."- Iona
"Kami ni Iona ang magkapartner."- Wayne

Napangisi sila ng bahagya ng sabay pa silang nagsalita. Lumapit si Wayne kay Iona at doon tumabi.

Nagkatinginan naman ang apat na natitira. Si Trellis, Aenna, Geyser at Gello.

"Si Aenna nalang ang sakin." Nilapitan ni Trellis si Aenna, dahil para itong maiiyak dahil walang pumili sa kanya.

"Sshh." Binigyan sya ng panyo ni Trellis at inalo.

Nagkatinginan naman si Gello at Geyser ng sila ang magkapartner. Naglahad ng kamay si Gello at nakipagshakehands kay Geyser.

"Ngayong may mga kapares na kayo. May inihanda akong bunutan sa sala. Kung sino ang makabunot ng  3, sila ang mauuna. At ang makakabunot ng letter T ay ligtas na agad. HA HA HA HA HA Goodluck players!"

Pasimpling nagdadasal ang lahat na sana ang T ang kanilang mabunot, na sana apat ang letter T para lahat sila ay ligtas agad.

Pagdating nila sa sala ay nandoon ang isang bowl na may laman na apat na papel na nakatupi.

"Kung ano man ang mabunot ng bawat isa saatin---"

"Stop it, Ash."

Hindi natapos ni Ashant ang sasabihin nya dahil pinigilan sya ni Lake. Ayaw lang ni Lake na magdrama at magpakita ng kahit na anong emosyon sa bawat isa.

Nagbunutan na sila at sobrang laki ng ngiti ni Wayne at Iona dahil sila ang nakabunot ng letter T.

Sila Geyser at Gello ang nakabunot ng 3. Sila  Lake at Ashant ang 2 at sila Trellis at Aenna ang 1.

Nagkatinginan ang lahat kaya nawala ang ngiti nila Wayne at Iona.

Hindi maipagkakaila na may mga inggit sa mata ng anim. Naawa ang dalawa ngunit wala silang magagawa, iyon ang realidad at nakatadhana ang lahat ng mangyayari.

"Lumabas na ng bahay ang nakabunot ng 3."

Nakatingin ang lahat kila Gello at Geyser na palabas na ng bahay. May pangamba sa mata ng bawat isa. Kinakabahan sa kung ano man ang mangyayari. At palihim na nagdadasal na makaligtas ang lahat.

Napatingin ang lahat sa sala, dahil biglang may umilaw doon at may tumunog. Pagdating nang anim sa sala ay mayroon doong malaking monitor, at makikita doon na nakatayo sila Geyser at Gello sa labas ng bahay.

Naguguluhan man kung paanong napunta ang monitor doon ay hindi na nila ito pinansin, tutok silang lahat sa monitor kung saan nakatayo ang dalawa. Pero biglang naging black ang monitor.

Mga sampung segundo rin bago ito bumalik sa dati at naguguluhan ang lahat ng makita nilang nakaharap sa isang xbox si Gello. Makikita rin sa nga mata ni Gello na pati sya ay naguguluhan. Pero ng tumutok ang camera sa mismong screen na nakaharap si Gello ay nandoon si Geyser, nakasakay sa motor at halatang kinakabahan.

Lahat ng naiwan sa bahay ay tutok na tutok sa monitor, tinitignan ang mangyayari.

"Ibig sabihin, para makaligtas si Geyser, lalaruin ni Gello ang laro." Aenna.

"Ganon na nga." Sagot na lang ni Trellis.

Gello Swayze POV

Napanganga ako ng makita ko si Geyser na nasa screen at nakasakay sa motor. At mas lalo akong kinabahan ng lumabas ang 3, 2, 1 kaya naman mabilis kong kinuha ang controller na nasa gilid at naglaro.

Nanginginig ako pero hindi ko hinayaang masemplang o madikit man lang sa kahit na anong sasakyan na makakasalubong ni Geyser.

"1st lap!"

Nagulat ako ng makalagpas ako sa first lap ay may biglang dalawang motor ang sumabay. Nakikipagkarera, at nakita ko sa gilid na nahuhuli ako, kaya naman binilisan ko ang pagdadrive ng may ingat. Lalo akong nainis ng sobrang daming sasakyan ang nakaharang at naunahan na ko ng isang kalaban.

"2nd lap!"

Nang dumating sa second lap ay mas dumami ang sasakyan na nakaharang at malayo na ang kalaban. Shit hindi pwede!

Seryosong seryoso kong iniwasan at nilagpasan ang mga sasakyan. Nang malapit na sa third lap ay may bag na madadaanan. Kinuha ko yon at isa yung bomba.

Dirediretso kong nilaro ang karera hanggang sa konti nalang ay maabutan ko na ang kalaban.

"3rd lap!"

In-on ko ang bomba at mabilis na lumapit sa kalaban. Hinagis ko sakanya ang bomba at mabilis na nagdrive palayo.

"Shit!"

Tangina muntik na!

Muntik ng masemplang si Geyser at tumama sa isang truck na nagkacounterflow sa daan! Buti nalang ay napindot ko ang break at nakaiwas!

"Final lap!"

Nang dumating sa final lap ay dirediretso nalang akong naglalaro dahil wala ng kalaban at wala ng masyadong sasakyan. Akala ko madali na pero nagulat ako ng mapalitan ang daan at naging pataas.

Mabilis ang pagdrive ko hanggang sa makarating ako sa tuktok. Parang slowmotion ang lahat ng nangyari dahil dahan dahang lumipad ang motor at si Geyser. Umikot ang motor sa ere at akala ko ay masesemplang, buti nalang sumakto ang pagbagsak hanggang sa makarating sa finish line.

"Wooh." I sigh in relief.

The game begins in 3, 2, 1Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon