45

6 2 0
                                    

Lake Astaire POV

"We should go back, kanina pa tayo palakad lakad dito."

Sumangayon naman ako sa naisip ni Ash.

"Let's go."

Hinawakan ko sya sa kamay at tumakbo kami pabalik sa bahay. Nang malapit na kami ay napayuko kaming dalawa ni Ash dahil sa lakas ng kalampag ng kampana.

"Ahhhhhhhh!" Narinig namin ang sigaw na yun mula sa loob.

"Let's go Ash!"

Binilisan namin ang pagtakbo at pagpasok namin sa loob ay nakaluhod si Trellis habang hawak hawak nya sa kanyang kandungan si Wayne.

Nilapitan namin sila.

"What happened?!" Nagaalalang tanong ko.

Tinuro nya ang kisame kaya napatingin kami doon. At nangunot ang noo ko ng makita ko ang apat na nandoon nakasabit at may masking tape ang nga bibig.

"Wag nyong titigan ang mga mata nila..." Napatingin kami kay Trellis ng lumalamlam ang kanyang paningin at para syang inaantok.

"Bakit?" Mahinang tanong ko.

"I think, It's hypnotize. Kapag tumitig ka sa mga mata nila ay mahihypnotize ka at mawawalan ng malay. Yun ang nangyari kay Wayne." Matalinong sinabi ni Ash.

Binuhat ko si Wayne at inihiga si sofa,  ganon din ang ginawa ko kay Trellis.

"Anong gagawin natin?" Tanong ni Ash.

"Wait here."

Pumunta ako sa kusina at kumuha ng dalawang upuan. Hinila ko yun palabas at tumapat sa apat. Tumungtong ako doon, hindi ko pa sila abot. Masyadong mataas ang kisame.

"What if kunin mo yung lamesa na nandoon sa sala? Then ipatong mo yang silya?" Suhestyon nya. Pwede yon.

Yun nga ang ginawa ko. Kinuha ko ang lamesa na nasa sala at hinila papunta sa tapat nung apat. Pinatong ko dun yung upuan at saka ako tumungtong. Ngayon ay abot ko na sila.

Pero napanganga ako ng itapat ko ang kamay ko para tanggalin ang masking tape sa bibig ni Geyser ay wala akong nahawakan. Tumagos lang ang kamay ko at ang mismong kisame ang nahawakan ko.

Inulit ko pa ulit yun at kay Gello ko naman ginawa, ganon parin.

"What the fuck?!"

Tumingin ako kay Ashant. Maski sya ay nagtataka.

"It's...it's.." Umiling sya at tinignan ang apat saka tumingin sakin.

Bumaba ako sa pagkakatungtong at tumingin sa kanya.

"Ano to Ashant?" Hinawakan ko sya sa balikat at tinitigan.

"It's illusion." Diretsong sabi nya habang nakakunot ang noo.

"What?! Paano tayo makakaalis dito?!" Nahampas ko ang lamesa dahil sa frustration, nagdulot yun ng malakas na impact kaya nageecho.

Biglang umalis si Ashant sa harapan ko.

"Where are you going?"

Sa kusina sya dumiretso, hinintay ko syang lumabas doon. At paglabas nya ay may bitbit na syang kutsilyo.

"What the hell? Anong gagawin mo dyan?"

"Kill me." Nanigas ako sa kinatatayuan ko ng diretso sa mata at seryosong seryoso nyang sinabi yun sakin.

Napatawa ako ng pagak.

"HA! HA! HA! What the fuck is wrong with you Ashant?!" Galit akong tumingin sakanya at kinuha ang kutsilyo. Tinapon ko yun sa sahig at niyakap sya.

"That's the only way para makaalis tayo dito."

"No, I won't do that." Mahinahon kong sabi.

"Please Lake. Hindi naman talaga ako mamatay, illusion lang to."

"Kahit na! Hindi tayo sigurado na illusion lang to!"

Bigla syang humiwalay sa pagkakayakap sakin at saka ako tinitigan ng mabuti.

"Illusion lang to, Lake. Can't you see? Ikaw mismo nakaalam na wax lang ang mga ulo nila kanina, Ikaw mismo ang nakatuklas na hindi sila nakasabit dyan." Umiling sya habang pinapaintindi sakin na illusion lang ang lahat.

"But I can't kill you. Marami pang ibang paraan." Umiling ako habang iniisip na ako mismo ang papatay sa kanya.

"Putangina naman Lake Astaire! Ilusyon nga lang ito! Hindi ako mamamatay! Kung ayaw mo ako na lang ang gagawa!"

Nagulat ako ng bigla nyang kunin ang kutsilyo sa lapag at saka dali daling isinaksak sakanya. Natulala ako sa ginawa nya. Hindi kapani-paniwalang ilusyon lang ang lahat dahil parang totoo ang dugo na tumatagas sa dibdib nya. At ang sakit na makikita sa mga mata nya.

Napaluha ako at nilapitan si Ashant. Hinawakan ko sya sa mukha, may luha. Parang totoo ang lahat.

"I-idiin m-mo La-ke."

"What? No!"

Dahil sa sinabi ko ay sya na mismo ang gumawa. Ibinaon nya ng tuluyan ang kutsilyo hanggang sa tuluyan na syang malagutan ng hininga.

Napapikit ako ng matagal habang lumuluha.

Pagdilat ko ay bumungad sa harapan ko ang mga mukha nila Gello, Geyser, Aenna, Iona, Wayne, Trellis at Ashant.

"What the hell?!" Napatayo ako at inilibot ko ang paningin ko sa paligid. Maayos naman, walang dugo, walang kahit anong mali. Sunod kong tinignan ay si Ashant.

"Are you okay?" Tinignan ko syang mabuti at ng wala akong nakitang mali ay niyakap ko sya at hinalikan sa noo.

"Iloveyou, okay? Always remember that."

"Iloveyoutoo."

Napatingin ako sa iba pa naming kasama. Nakatingin sila saking lahat.

"What?" Nakataas ang kilay na tanong ko.

"You save us." Nakangiting sinabi yun ni Aenna.

"No. Si Ashant ang nagligtas sainyo." Umiling ako at tinuro si Ashant.

"You both save us, Lake and Ash." Hindi man nakangiti ngunit ramdam na taos sa pusong sinabi yun ni Iona.

"Thankyou." Nakangiting sinabi yun ni Wayne.

"Pero bakit ganon ang nangyari? Lahat ay ilusyon lang? Simula sa paghahanap natin ng orasan?" Nagtatakang tanong ko.

"Walang nakakaalam. Ang mahalaga ay nalagpasan natin yon."

"Magaling! Magaling!"

Natahimik kaming lahat ng magsalita ang announcer at dahan dahang pumalakpak.

"Be ready, hindi lang yan ang mararanasan nyo. HAHAHAHAHAHA!"

Ayun na naman ang tawa nyang pandemonyo na nakakakilabot.

Tahimik parin kaming lahat at nakikiramdam kung wala na sya.

"I think we should get some rest." Tumayo si Trellis at nauna ng pumasok sa kwarto nya. Mukhang napagod nga sya.

Tumayo na rin ako at inalalayan si Ash na tumayo rin.

Hinatid ko sya sa tapat ng kwarto nya kahit magkatabi lang kami ng kwarto.

"Get some rest." Nginitian ko sya at hinalikan ulit sa noo. Nakahawak na sya sa doorknob ng kwarto nya pero bago sya pumasok ay hinalikan nya muna ako sa pisngi.

"Goodnight, Lake."

"Goodnight, Ash."

Hinintay ko syang makapasok sa loob ng kwarto nya bago ako tuluyang pumasok sa loob ng kwarto ko.

Humiga agad ako at tumulala. Ang haba ng araw na to. Pumikit na ako at nilamon ng antok.

The game begins in 3, 2, 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon