Rule Eight
Enchanted To Meet You
Summer’s POV
“At dito, hindi ka mabo-boring. Laging may gagawin, lagi kang busy, laging may iuutos, at laging may lalake.” A sly grin appeared on Sharen’s face after that word.
“So… anong kinalaman ng lalaki sa sinasabi mo?” nakataas ang kilay na tanong ko.
Tinawanan niya ako ng malakas. “Wala naman. Sinasabi ko lang na marami kang pagpipilian. Lahat ‘yan macho,” saka niya itinaas-baba ang kilay niya.
Maharot talaga.
Nasa kusina kami. Actually, gusto ko lang kasi magluto bigla. Cyrus was nowhere to be found. Probably flirting around. Kami naman ni Sharen, naghahanda ng iluluto niya para sa hapunan.
“So ilang pack members meron kayo?” maya-maya’y usisa ko.
“Around thirty. Kasama na ang mga bata.”
Tumango-tango ako. “A bit small.”
“Pero malalakas sila,” nakangiting pagmamalaki niya. “Hindi ba, Alpha Spear?”
I glanced back at Spear who was busy writing down some things on the table. Ni hindi siya tumingin sa amin ni Sharen. What kind of tao is he? Walang galang!
Charot lang! Baka sakmalin ako bigla n’yan kapag narinig niya ang iniisip ko. Gawin pa niya akong ingredient sa niluluto ni Sharen. Eeh, kakilabot!
“Oh tikman mo ‘to, Summer,” Nag-umang si Sharen ng kutsara sa tapat ng bibig ko na tumawag ng atensyon ko mula kay Spear.
Sinubo ko ‘yon. Nagluluto siya ng… kaldereta yata? Ewan ko. Parang sinigang, e. Paano, lumulutang sa sabaw. Pambihira, sa sobrang katipiran yata nila pinuno na lang ng tubig ang kawa para dumami ang pagkain. Walang’ya.
“‘Di na masama.”
“Weh?”
“Next time pag may maayos-ayos kayong ingredients at ‘di kayo nasho-short, ako ang magluluto. Patutunayan ko sa ‘yo na ang kaldereta ay walang sabaw, sarsa lang.”
Tumawa si Sharen ng malakas. “Buti nga napagtya-tyagaan nila, e.”
Lumingon ulit ako kay Spear. Sa tingin ko may kinukwenta siyang kung ano doon sa papel. May calculator kasing nasa mesa, e.
Hindi ko pa naman gaanong nakakausap iyang Alpha nila ng sarilinan. May takot kasing laging nagpaparamdam sa sistema ko kapag tumitingin siya. I tried acting cool just so… hindi naman ako mapahiya sa sarili ko.
Pero nai-intimidate kasi talaga ako sa kanya.
“Kayo ba nu’n?”
Napatingin ako kay Sharen na abala pa rin sa pagluluto. “H-Huh?”
“Tinatanong ko kung kayo ba ni Cyrus. ‘Yong gwapong kasama mo. Kasi kung hindi susulutin ko na lang,” nakatawang sabi niya.
“Tse!” diretso ang mukhang pag-iwas ko sa tanong niya. “Werewolf ka, ‘no.”
“E ‘di iinom na lang ako lagi ng dugo mo pagkatapos kong matikman si Fafa,” sabay tawa na naman niyang muli.
Mentally retarded din pala ‘to bukod sa isa siyang malandutay na cook. Pati ba naman bampira papatulan pa? Nakaka-stress ng bagang.
“Pero sa ‘yo, Summer. You two look good together. Hindi ba, Alpha Spear? Perfect match, ‘no?”
Muntik na akong sumuka sa sinabi niya. Eew! Si Cyrus? Woakkk! Kaderder to death!
BINABASA MO ANG
She's The Rule Breaker
Werewolf(Revised and Edited) *Cover photo credits to @Sunny_Torres.* Nakatakdang makulong ng panghabambuhay si Summer Hamilton sa paglabag ng batas ng The Sector. Subalit nang mapag-alamang pag-eeksperimentuhan ng mga ito ang kanyang kakaibang dugo at D...
