Rule Eighteen
Love Sick
Summer’s POV
“Oy oy oy ano ‘yang ginagawa mo?”
Itinaas ko ang zipper ng sinusuot kong pantalon. Nasa side lang ako ng kama nakatayo at nagbibihis na. Tinignan ko si Spear. Gising na siya at nagtataka pa sa ginagawa ko. “Hindi ba obvious? Mukha ba akong tumatambling?” pamimilosopo ko sa kanya.
“Summer…”
Huminto ako sa ginagawa ko pagkasuot ko ng tank top na nahubad sa akin mula pa kagabi. “Lalayas na ‘ko sa kwarto mo. Baka may kung sino pang umakyat dito o kaya maamoy ako bigla ni Card patay tayong dalawa.”
“Ha?” hinatak niya ako paupo sa kama no’ng sinabi ko ‘yon. “Dito ka na muna. Mami-miss kita kapag umalis ka.”
Ampupu. Did he just… pouted?
Ang cuuute! Si Alpha Spear, nagpa-pout! Kaso anubey, bakit parang biglang nagbago ang image ni mokong? Hindi naman ganito ‘to dati ah. Adik?
He scooped me up then made me sat on his lap while he leaned against the headboard. Nakayakap siya sa akin. Feel ng hita ko ‘yong morning boner niya. Ang aga kasi. Aish! “Spear.”
“Ayoko.”
“Ay ang kulit.”
“Tatakas ka lang, e.”
“E kung sinasakal kaya kita ngayon?” inis kong pagbabanta.
Humigpit lang lalo ang yakap niya. Ayaw talagang bumitaw at mukhang wala rin naman siyang balak gawin ‘yon. Ano na lang ang mangyayari sa buhay ko?
I huffed in frustration. “Sige na, Spear, hindi ako tatakas.”
“You’re mine… right, Summer?”
“Yes. Yes, I’m yours. Now be a good wolf and let go of me.”
Ngumiti siya. His grip loosen. Nakahinga rin ako sa wakas. Hayun kahit maglupasay siya s’yempre kailangan ko pa rin siyang iwanan. Bumalik ako sa kwarto ko para maligo at magbihis. Bumaba rin ako kalaunan para sana mag-ikot nang may makita akong hindi tama.
Naku naman!
“Card!” tumakbo ako papunta sa kusina kung saan naroon sina Card at Spear na seryosong nag-uusap. “Err… kumusta si Sharen? Nasabi mo na?”
Tinitigan ko ng matalim si Spear. Nagkibit lang siya ng balikat.
“Okay naman si Sharen. Nasabi ko na. Medyo kinakabahan siya pero ayos lang naman sa kanya.”
Tumango ako. Ang plastik ng ngiti ko, asar. “What were you talking about?”
“Ah. May sasabihin daw si Spear na importante e.”
Ito na nga ang sinasabi ko, e. “Ano ‘yon?”
“Well… can we talk about it alone, Cardigan? Please, if you don’t… mind?”
“Ah tayong dalawa lang ba? Oh Revina, batsi na. Shupi, may pag-uusapan kami.”
“Ay gano’n bigla? Ang bad n’yo.”
“Sige na. Alis na.”
Amp. Tinitigan ko ulit ng matalim si Spear para warningan siya saka ako lumabas ng kusina. Nakasalubong ko sa sala si Ron. Naisipan ko na rin siyang tanungin tungkol sa mga ikinikilos ng Alpha niyang may sira sa ulo.
“Hey, Ron.”
“Morning, Summer. ‘Zup?”
“I’m good. May itatanong sana ako, e. Wala ka bang napapansing kakaiba kay Spear? I mean… may kinukwento ba siya sa ‘yo about hooking up with some girl?”
BINABASA MO ANG
She's The Rule Breaker
Werewolf(Revised and Edited) *Cover photo credits to @Sunny_Torres.* Nakatakdang makulong ng panghabambuhay si Summer Hamilton sa paglabag ng batas ng The Sector. Subalit nang mapag-alamang pag-eeksperimentuhan ng mga ito ang kanyang kakaibang dugo at D...
