Rule Fifteen
In BetweenSummer’s POV
Bukas ng konting-konti sa pintuan ng kwarto, silip. I slammed it shut then closed my eyes in pure annoyance.
“Naman, eeeh! Sorry na po, Lord. Hindi ko naman sadyang magpadala sa tukso, e.”
Pabuntong hininga akong lumapit sa full sized mirror standing beside my walk in closet. “Ang gaga mo talaga, Summer! Magpapa-devirgnized ka na nga lang sa taong-lobo pa! Gaga ka talaga pramis. Waley ka nang cherry. Waley naaaaaa!”
Ano na bang gagawin ko? Paano ba ako lalabas nito sa kwarto?
Binuksan ko ulit ng bahagya ang pintuan. Sumilip ulit ako. As usual bigo ang kagandahan ko dahil nando’n pa rin siya na prenteng nakaupo sa living room. “Ang malas koooo.”
Wala na akong pagpipilian. Isinukbit ko ang backpack ko. Inangat ko ang bintana saka ako tumalon mula doon. Lumanding naman ako gamit ang paa at hindi ang ulo. Hindi naman ako syenglot ‘no. Kaya lang, to reach the garage ay kailangan ko pang mag-ala ninja sa pagtatago sa frontyard at baka makita nila ako. Hinarangan ko rin pati ang scent ko para hindi nila maamoy. Mabuti na lang at ang dami kong talent.
So nakarating naman ako ng payapa sa garage at kinuha ko ang Ford Mustang kong kotse na madalas kong gamitin. Iba pa ‘yon sa kotseng ginamit ko kagabi.
“Boo!”
“Waaaaah!” sigaw ko sa gulat.
Tumawa siya ng pagkalutong na tawa. Si Card lang pala. Aish, asar! “Nakita kitang tumalon sa bintana. May pinagtataguan ka, ‘no?”
“Tse. Wala ka na du’n. Layas d’yan, late na ako.” I shoved him aside at sinusian ang pintuan ng kotse ko.
“Mag-ingat ka, ah. H’wag kang lalapit kay Cyrus.”
“‘Yan na lang lagi ang litanya mo. Ampupu, Card, wala namang ginagawa sa ‘yo ‘yong tao. D’yan ka na nga.” I slipped inside the car at pinaharurot iyon palabas ng Mistic. Mahirap na, baka may maghabol pa sa byuti ko.
Binilisan ko ang pagmamaneho. Masyado kong pinag-iisip ang mga nangyari last night. Well, nilayasan ko lang siya pagkatapos no’n. Humabol siya pero dahil hindi rin naman siya makapag-ingay sa mansyon ay kinatok niya lang ng kinatok ang pintuan ng kwarto ko. Wala naman siyang sinabi kung hindi tumawag lang siya ng tumawag sa pangalan ko.
But truthfully speaking, ang hot ni Spear.
Nanlaki ang mga mata ko. Eh?
Iniling-iling ko ang ulo ko at baka sakaling mapalayas ko ang mga ganoong ideya sa isipan ko. Grabe na talaga itong utak ko, masyadong toxicated.
Nakarating ako sa Saint Claire na mukhang dead na dead ang itsura. Maganda pa rin naman pero iba na rin talaga ang aura ko today. Zombie ang peg. And boy oh boy, I’m telling you, I do not want this.
Kaya naman naisipan kong puntahan ang pinsan kong si Xanara sa silid na ibinigay sa kanya ni Uncle Cain para maging hideout niya kapag wala sa klase.
“Xanaraaaaaaaaaaaa!”
“Ay palaka ka!” bulalas niya nang magulat siya sa bigla kong pagpasok.
“Hindi ako palaka, bruha.”
Saktong walang asungot at wala siyang mga tuta na nakapaligid dito sa quarters nila. In other words, mag-isa lang siya.
Pinsan ko sa ama si Xanara gaya ng nasabi ko na noon. Siya ang nag-iisang anak ni Uncle Cain na kapatid naman ng Daddy ko. Minsan ko lang makita si Xanara and though may slight na galit ang nanay ni Xana sa pamilya namin, malapit pa rin kami ng pinsan ko.
BINABASA MO ANG
She's The Rule Breaker
Werewolf(Revised and Edited) *Cover photo credits to @Sunny_Torres.* Nakatakdang makulong ng panghabambuhay si Summer Hamilton sa paglabag ng batas ng The Sector. Subalit nang mapag-alamang pag-eeksperimentuhan ng mga ito ang kanyang kakaibang dugo at D...