Rule One
Break The Walls
Summer’s POV
“Kailangan natin ng Alpha blood, Sir. Mas magiging malakas sila kapag dugo ng isang Alpha ang ginamit natin.”
Nasaan na nga ba ang sense ng buhay? Wala naman dito no’n. Tsk. Limang taon na rin akong nasanay ano pa bang inirereklamo ng kagandahan ko ngayon?
It’s really annoying to be locked up in a dim room. Not to mention you’re on your own and no one wants to talk to you. Because there’s no one to talk to.
Naalala ko pa noong elementary ako, puro gago lang ang mga nakakausap ko sa eskwelahan kung saan ako na-recruit ng The Sector. Pagdating ng grade six, mga tarantadong adults and chiefs naman ng The Sector. Sa totoo lang nakakairita sila. They want the lot of my kind dead and gone. They hunt vampires, werewolves, and everything na may kinalaman sa pagiging beasts. They kill them, experiment on them. May bitter experience yata ang pamilya no’n sa mga vampires kaya dala-dala hanggang ngayon ang grudge sa mga halimaw ‘daw’.
So gano’n? Ayaw mag-move on?
Hindi ko lang din naman makuha ang point do’n. Peaceful naman kasi ang mga tao ‘tsaka ang sangkahayupan.
Bata pa ako nang mapunta ako sa Sector. Hindi nila alam na taong-lobo din ako. Ang alam lang nila, isa akong sorceress. Ang pagiging sorceress ang nagkubli sa mga attributes ko bilang isang taong-lobo. Mas dominant kasi ang dugo ng sorcery sa akin kahit pa Alpha bloodline rin ang dumadaloy sa sistema ko.
Nasa Elementary yata ako noon nang magpasya akong umanib sa The Sector. Dati-rati, mga masasamang talent lamang ang winawakasan nila. Ngunit habang tumatagal, gusto na nilang ubusin ang lahat ng paranormal talents sa buong mundo. As far as dreams go, ang The Sector na yata ang pinaka-ambisyoso sa lahat.
“Nangangati na akong makalabas,” usal ko sa sarili ko habang tahimik na nagvi-vigil sa sahig na kinauupuan ko at patuloy na pinakikinggan ang mga pag-uusap na nagaganap sa labas ng kulungang ito na panay pader lang naman ang makikita.
Spell boring.
So I decided I’ll end these boring days.
I clasped my hands together and rested it under my chin. I closed my eyes, focused on the thick hard wall. When I gathered all my strengths, I chanted some spells na waring kusa na lamang na lumalabas sa bibig ko.
“Neya… hama… eruno… neya… hama… eruno… sherana…”
Releasing the clasp, my hands open, palms facing straight at the wall and it blew forward. Malinaw kong nakita ang paglipad ng mga piraso ng makapal na pader na limang taon nang nagkukubli sa akin sa kulungang iyon.
“Witwew,” napangising sipol ko. “Look at that. Five years pero hindi pa ako kinakalawang.” aba sa limang taon ba namang makulong ka sa ganitong klaseng lugar paano namang hindi kakalawangain ang mga stock knowledge mo, ‘no.
Okay, Summer. Tama na ang pakikipag-usap sa sarili. Ready set…
RUN!
Hindi ko rin alam kung bakit normal lang sa akin ang super fast na pagtakbo. Well, given the fact na abnormal ako dahil abnormal din namang ipinanganak ang nanay ko. Like hello? Sinong normal na nilalang ang may kakayahang makapagpalipad ng kung anu-ano sa pagbubulong lang ng kung anu-anong weird na mga salita na hindi ko naman kinabisado ever in my entire life.
So yeah. Abnormal nga ako. Ugh.
From the moment I ran, I knew someone’s been chasing me. Tuta ng Sector ang mga ‘yan. Knowing my abilities, wala silang pinahahabol sa mga katulad ko kung hindi iyong mga mutant chuchu na ine-experiment nila. Malalakas sila. Mabibilis. They are destructable though. Dahil hindi pa perfect, s’yempre madali pang patumbahin.
BINABASA MO ANG
She's The Rule Breaker
Manusia Serigala(Revised and Edited) *Cover photo credits to @Sunny_Torres.* Nakatakdang makulong ng panghabambuhay si Summer Hamilton sa paglabag ng batas ng The Sector. Subalit nang mapag-alamang pag-eeksperimentuhan ng mga ito ang kanyang kakaibang dugo at D...
